All Chapters of WHEN I FOUND YOU MY LOVE: Chapter 61 - Chapter 70
78 Chapters
CHAPTER SIXTY ONE
“EXCUSE ME, Ronald.” Paghingi ng paumanhin ni Andrea sa kausap. “Sasagutin ko lang ito.”Tumango si Ronald. “Take your time.”Lumayo ng kaunti si Andrea. “V-vincent? Kumusta? Bakit hindi ka natuloy sa Japan?”Bumuntong-hininga si Vincent sa kabilang linya. “M-mahabang kuwento, Andeng. Saka ko na lang sasabihin pagbalik ko riyan. Maybe next week.”“O-okay. Ikaw ang bahala…” parang nalungkot si Andrea sa narinig. ‘Maybe…’ Hindi tiyak ang pagbabalik dito ni Vincent.“Kumusta kayo ni Vince?”“Okay lang kami. Lalo na ang anak mo. Huwag kang mag-alala.”“I called to ask an apology about last night, Andeng. N-naistorbo kita. At siguro, pinag-alala pa…”“Medyo. Sa pag-aalala, oo. Sa istorbo, kahit kelan ‘di ko ‘yon iisipin. Pero, okay ka na ba ngayon?”“Okay lang. Nothing to worry.” pagkakaila ni Vincent gayong mabigat pa ang kalooban niya.“Salamat kung gano’n…”“Si Vince? Puwede ko bang marinig ang boses ng anak ko?”“Kinuha nina Meldy at Toto kanina.” Sinabi ni Andrea ang dahilan.“Okay.
Read more
CHAPTER SIXTY TWO
NAUWI sa malalim na pag-iisip ang utak ni Vincent matapos magpaalam sa kan’ya si Roy.Oo nga, may usapan sila ni Andrea. Nagkaintindihan na sila nito hinggil sa magiging sitwasyon sakali ng kanilang mga puso. Pero sa kanilang dalawa, siya itong laging nagpapatumpik-tumpik. May alinlangan. Kaya nga hindi niya matiyak ang damdamin.Ngunit may isa siyang natitiyak sa pag-aalinlangan ng kan’yang damdamin. Kasi, ayaw niya rin na masaktan niya ang nanay ng anak niya kung sakali.Mahalaga sa kan’ya si Andrea. Totoo iyon. Hindi iyon pagkukunwari. Kamahal-mahal ang isang katulad ni Andrea. Kaya nga ba sa unang kita pa lamang niya rito, may atraksyon na siyang nadama sa dalaga. Lamang, nasa buhay niya si Yuri na ayaw niya rin namang masaktan dahil marami rin itong pinagdaanang masasakit na pangyayari sa kan’yang buhay. At siya ang nagsilbing kalakasan nito nang pumasok siya sa buhay ng Haponesa.Pero wala na si Yuri ngayon. Pinakawalan siya at pinakawalan niya rin. Nang ganoon kadali.Nasaktan
Read more
CHAPTER SIXTY THREE
“LIGAWAN mo si Andeng!” Halos sabay pang turan ng mag-asawa kay Vincent.Napamaang uli ang binata. Expected niya na iyon. Alam niyang gusto talaga ng mga ito na magkatuluyan sila ni Andrea, pero parang nasorpresa pa rin siya na ganoon talaga ang hangad ng mga ito. Na magkamabutihan silang dalawa gayong may iba palang naghahangad na masungkit ang puso ng nanay ng anak niya. At sa palagay niya ay deserving naman para kay Andrea.Sino ba siya kumpara sa politiko na nauugnay ngayon sa dalaga? Likas na mayaman din pala ang angkan na pinagmulan nito. Kilala at prominente sa lipunan ang pamilya. At kung papalarin ito na maging Gobernador, baka lalo siyang walang binatbat dito.Tila may narinig uli si Vincent na bumulong sa utak niya – ‘ano ba! Huwag mong minemenos ang sarili mo! Nakahihigit ka roon!’“P-pumayag kaya si Andeng na ligawan ko siya…?”Kinikilig na napatingin si Meldy kay Toto. “Toto! Heto naaa! Manliligaw na si Vincent Valderama sa kaibigan kooo!!!”“Over acting ka, Imelda!” k
Read more
CHAPTER SIXTY FOUR
PARANG hindi makapaniwala si Andrea sa mga narinig kay Vincent tungkol sa natapos nitong relasyon kay Yuri. “G-ganoon ka lang niya kadaling pinakawalan?”Nagkibit balikat ang binata. “Maybe, I'm not good enough to be loved.” Malungkot niyang tugon.Umiling si Andrea. Pinisil nito ang palad ni Vincent. “Don’t say that. Sapat ka. Walang kulang sa ‘yo. Nagkataon lang na hindi ka ang naging priority dahil may kan’ya-kan’ya silang dahilan para hindi ikaw ang piliin.”“Salamat sa pagpapalakas ng loob ko, Andrea. But, okay na ako. I am now in the process of slowly learning how to move on.” Napabuntong-hininga si Vincent. Pagkuwa’y matamis nitong nginitian ang ina ng kan’yang anak. Siya naman ang pumisil sa palad nito.“Good to hear that.”“Yes. And this is the last time na pag-uusapan natin ang tungkol sa past ko. Ayoko na silang ungkatin pa.”“Okay, kung ‘yan ang mas makakatulong sa ‘yo para maka-move on ka na talaga.”“May mas makakatulong pang iba para maka-move on ako agad.” Titig na tit
Read more
CHAPTER SIXTY FIVE
“ABA, ‘di ba dapat bisita rin ako? Kasama ako nang umakyat ng ligaw, ah. Bakit, ako ang naghahanda ng ipapakain sa bisita?” Kunwari ay reklamo ni Meldy habang gumagawa ng sandwich. Tumawa si Andrea. “Bahala ka diyan!” “Sarapan mo, Meldy ha?” Sabi naman ni Vincent. “Konti lang ang kinain naming hapunan ni RJ sa hotel, eh. Gutom na ako.” “Ang daya mo! Dapat may dala ka ring pagkain, eh…!” Sabi naman ni Andrea sa binata. “Sorry na. Sa sobrang excited kong umakyat ng ligaw, nakalimutan ko ‘yun. Ang nasa isip ko lang kanina, bumili ng roses at chocolates.” “Don’t worry, Papa Vincent. Ikaw lang, sapat na! Kahit hindi kumain si Andeng! Mas yummy ka pa sa lafang!” biro pa ni Meldy. “Huyyy!” kunwaring saway ni Andrea sa kaibigan. “Baka maniwala ang lalaking ito! Ayan o, lumalaki tuloy ang butas ng ilong!” Sinundot ni Vincent ang bewang ni Andrea. “Hmmnn, kunwari!” tumawa ito. “Huwag kang mag-alala, Meldy. Naniniwala ako sa ‘yo!” “Pinagtutulungan n’yo ako, ha? Sige lang, pahihirapan kita
Read more
CHAPTER SIXTY SIX
“RJ…” “T-tita Liz…” atubiling sagot ni RJ nang sagutin niya ang tumawag sa kan’yang telepono. “For God’s sake, RJ! Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na baguhin mo na ang tawag mo sa akin? Hindi mo ako tiyahin. Matagal mo nang alam na nanay mo ako!” Napangiwi si RJ. Makirot sa tenga ang malakas na boses ni Liz, pero parang mas makirot ang sinabi nito. Makirot dahil – kelan ba ito nagpaka-ina sa kan’ya ng literal? Hindi na lang siya kumibo at hindi pinansin ang sinabi nito. Mahirap na. Baka makasagot lang siya ng kapwa nila hindi magugustuhan. “N-napatawag ho kayo?” “Nakakapagtaka bang tawagan kita uli? Na kumustahin ka uli bilang anak ko?” Napailing si RJ. ‘Heto na naman…’ “M-may kailangan ho kayo? Kulang ba ‘yong pinapadala ko sa inyo? Dadagdagan ko…!” “Hindi pera ang kailangan ko, RJ! Ikaw!” umiyak si Liz. “Kelan ka babalik dito?” “H-hindi ho puwede. Inaasahan ako ni Papa. Tinuruan niya na ako ng pasikot-sikot sa negosyo. Kailangan niya ako rito.” “At ako? Paano ako? Hi
Read more
CHAPTER SIXTY SEVEN
“KINUNSINTI mo ang anak ko, Vincent! Bakit kailangang idamay mo siya sa mga kalokohang pinaggagagawa mo, ha?” Tungayaw ni Liz sa telepono nang si Vincent naman ang tawagan nito. “Ano bang pinagsasasabi mo? Linawin mo nga!” Malakas din ang boses ng binata. “Huwag ka na ngang magkaila! Alam mo kung ano ang sinasabi ko! Kung may babae kang kinakalantare sa Catanduanes, huwag mong idamay si RJ!” Ngumisi si Vincent. “Alam mo Liz, kung magsalita ka, para bang napakabuti mong nanay sa anak mo, ano? Not me, Liz. ‘Di mo ako magogoyo sa drama mong ‘yan. Not me!” “Hindi ako nagda-drama, Vincent! At masama ba na magpakita ako ng malasakit sa anak ko?” “Ang lutong na ngayon ng word mong ‘yan, ah? Anak mo…samantalang noon, ikinahihiya mo si RJ lalo na sa asawa mo!” “Nakaraan na ‘yon, Vincent. Please, huwag mo na sanang isampal lagi sa akin ‘yan…! Hindi pa naman huli ang lahat para iparamdam ko kay RJ na ako pa rin ang nanay niya, ‘di ba?” “Ewan ko sa ‘yo…!” “Please, Vincent. Kumbinsihin mo s
Read more
CHAPTER SIXTY EIGHT
“HINDI mo pagbibigyan ang politikong iyon sa imbitasyon niya sa ‘yo, Andrea! Hindi kayo sasama ni Vince sa kan’ya sa bahay nila!” galit si Vincent.Malakas ang boses nito sa pagsagot sa telepono nang muli itong kunsultahin ni Andrea na kung maaari niyang pagbigyan ang paanyaya ng dating Vice Mayor sa kaarawan ng ina nito.“Bakit ka sumisigaw? Bakit ka galit? Nagsasabi naman ako ng maayos sa ‘yo, ah?”“Hindi ako sumisigaw. Napalakas lang ang boses ko, pero yes. Galit ako! Sino ba ang hindi magagalit? Nang una mong sabihin sa akin ‘yan, sinagot na kita. Na hindi ka pupunta sa okasyon na ‘yon, ‘di ba?”“P-pinagbabawalan mo na ba akong magdesisyon?”Natigilan si Vincent. Nagbabawal na nga ba siya? Teka, ganoon na nga ba talaga?Dodominahin niya na ba si Andrea? Bakit? May relasyon na ba sila nito? Sinagot na ba siya nito sa panliligaw niya rito?“N-no. Hindi sa gano’n.” binabaan na ng binata ang boses niya. “G-gusto lang kitang protektahan. Para kasing, wala akong tiwala sa taong ‘yon…!”
Read more
CHAPTER SIXTY NINE
“VINCENT!” umiiyak na sinalubong agad nang yakap ni Andrea ang binata pagkababang-pagkababa pa lamang nito sa kotse. Sumikdo agad ang katuwaan sa dibdib ng dalagang ina nang pumara ang sasakyan sa tapat ng bahay niya at matiyak na ang isang sakay noon ay ang tatay ng anak niya. Agad niyang binuksan ang pintuan at sumalubong nga agad dito na hindi inalintana ang malakas na ulan. “T-teka, teka…! Basang-basang ako! Mababasa ka rin!” pilit na umiiwas si Vincent. “Wala akong pakialam! Basta yayakapin kita!” iyak nang iyak si Andrea. Natawa si Vincent. “Bakit ba? Ano ba’t ngumangalngal ka diyan?” “Tinatanong mo pa? Alalang-alala ako sa ‘yo! Hindi kita makontak! Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa ‘yo…!” “Wala nga kasing signal ang telepono. Nag-worry din ako na baka walang sumundo sa akin. Naglakad na nga lang ako kahit malayo basta makarating lang dito. Mabuti at hindi naman pala ako pinabayaan ni Pareng Toto. Sumulpot siya sa kabila ng sama ng panahon.” Inakay ni Vincent
Read more
CHAPTER SEVENTY
NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status