ISABEL"Anak, dahan-dahan lang. Wala kang kaagaw," saway ko kay baby Watkins na parang mauubusan ng pagkain kung sumubo.He's been doing that since he was three years old at panay din ang saway ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago.Dahil na rin siguro sa hirap ng buhay. Minsan lang kasi kami nakakakain ng masasarap na ulam kaya kapag ganitong may nagbibigay sa amin o di kaya sahod ko ay parang nauubusan kung kumain itong anak ko.Nakakalungkot lang bilang ina na makitang nagkakaganito ang anak ko.Palagi kaming kinakapos sa pera lalo na kapag lilipat na naman kami ng bahay tapos 'yong sinasahod ko naman ay hindi pa rin sapat sa pag-araw-araw naming gastusin dahil bukod sa bahay, tubig, at kuryente na aming binabayaran ay napakamahal din ngayon ng bilihin kaya kahit anong gawin naming pagtitipid ay kinakapos pa rin kami.Lalo na siguro kapag nagsimula nang mag-aral si baby Watkins. Iniisip ko pa lang iyon ay parang masisiraan na ako ng ulo subalit hindi ko naman pwede
Read more