Share

CHAPTER 4

ISABEL

"Anak, dahan-dahan lang. Wala kang kaagaw," saway ko kay baby Watkins na parang mauubusan ng pagkain kung sumubo.

He's been doing that since he was three years old at panay din ang saway ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago.

Dahil na rin siguro sa hirap ng buhay. Minsan lang kasi kami nakakakain ng masasarap na ulam kaya kapag ganitong may nagbibigay sa amin o di kaya sahod ko ay parang nauubusan kung kumain itong anak ko.

Nakakalungkot lang bilang ina na makitang nagkakaganito ang anak ko.

Palagi kaming kinakapos sa pera lalo na kapag lilipat na naman kami ng bahay tapos 'yong sinasahod ko naman ay hindi pa rin sapat sa pag-araw-araw naming gastusin dahil bukod sa bahay, tubig, at kuryente na aming binabayaran ay napakamahal din ngayon ng bilihin kaya kahit anong gawin naming pagtitipid ay kinakapos pa rin kami.

Lalo na siguro kapag nagsimula nang mag-aral si baby Watkins. Iniisip ko pa lang iyon ay parang masisiraan na ako ng ulo subalit hindi ko naman pwedeng hindi pag-aralin ang anak ko dahil malaga ang edukasyon.

"Mama ang sarap po ng binigay na food ni tita Ressa," puri ng anak ko sa kinakain.

Hindi lang ulam ang ibinigay ni Ressa kung 'di may iba't ibang klase ng cupcakes and cakes din kaya mukha kami ngayong may fiesta rito.

Sayang nga lang at hindi ko siya naabutan dahil no'ng ibinigay niya ang mga ito ay kasalukuyan namang mahimbing ang tulog ko. Pero babalik naman daw siya mamaya upang kausapin ako tungkol sa nangyari kagabi kaya mamaya ko pa maibibigay ang aking pasasalamat.

"Nagpasalamat ka ba sa tita mo?" tanong ko bago sumandok muli ng kanin. Isinama ko na rin kay yaya Lorna nang mapansin kong kunti na naman ang kinakain niya.

"Yes po mama, I gave her a kiss pa nga po sa cheeks eh."

Awtomatiko naman kaming nagkatinginan muli ni yaya Lorna at sabay pang nagpakawala ng marahang tawa.

"Really?" baling kong muli kay baby Watkins na agad naman akong tinugon ng maraming tango.

Alam kong marami pa sana siyang ikukwento pero dahil puno na naman ngayon ang bibig ay tanging tango na lang ang nagawa niya.

Napailing nalang tuloy kami ni yaya at nagpatuloy na sa pagkain.

Infairness din talaga kay Ressa dahil hindi siya katulad ng ibang mayayaman na ubod ng kuripot. Unang kita ko palang sa kaniya noon ay may ganoon na siyang awrahan. Kadalasan naman kasi sa mga katulad niyang party girl ay galanti at maluho lang sa kapwa nila party girl na sasamahan sila sa kahit na anong kabaliwan nila sa buhay.

"Mama saan po ikaw galing last night? hinintay po kita hanggang midnight hindi po ikaw dumating."

Napatigil akong muli sa pagsubo. Hindi nga pala kami nakapag-usap kanina nang magising siya dahil naamoy niya agad ang mga dalang pagkain ng tita Ressa niya kaya dali-dali na siyang nagtungo rito sa lamesa.

"Sorry anak kung pinaghintay ka ng mama ha," saglit akong tumigil sa pagsasalita at tiningnanng muli si yaya Lorna na tulad ng inaasahan ay nakatingin na rin sa kin. "may ginawa lang kasi akong importante kaya umaga na ako nakauwi.." pagpapatuloy ko pa.

Diyos ko Isabel, sa harap pa talaga ng pagakain nagsisinungaling ka.

"Okay lang po mama, I understand po. Big boy na kaya ako"

Kusa naman akong napangiti sa narinig.

"Very good naman ng baby ni mama," ani ko while stroking his blonde hair.

"Of course mama, very good po ako palagi para umuwi na po si papa."

Para naman akong nabilaukan bigla sa naging tugon ng aking anak. Kailangan ko na bang malungkot na kaya siya nagpapakabait ay dahil sa papa niya at hindi dahil sa maayos ko siyang pinapalaki?

Nung minsan kasing nagtanong siya nang nagtanong sa kung kailan daw uuwi ang papa niya ay naisipan ko nalang nasabihin sa kaniyang babalik lang ito kapag nagpakabait siya at hindi nagpapasaway. In other words, I just said para manahimik na siya sa kababanggit sa papa niya na sana'y nasa impyerno na ngayon at hindi na nage-exist pa sa mundong ito.

"Are you okay mama?" my son's worried voice interrupted my thoughts.

"Y-Yes anak," wala sa sarili kong tugon.

"Are you sure po? you look sad na naman po kasi eh. Nakasimangot po ikaw."

Oh great, just thinking of that devil makes my mood change in an instant. Kahit gaano pa ako kasaya at that moment ay masisira't-masisira ang mood ko mabanggit at maisip ko manlang ang demonyong 'yon.

Kung bakit ba kasi hindi ko nalang talaga sinabi noon pa man na wala na siyang aasahang ama dahil namatay na at hindi na kailanman babalik pa. Nang sa gano'n ay hindi na siya umasa pa at hindi masasaktan balang araw kapag nalaman niyang nagsisinungaling lamang ako.

Masyado kasi akong nagpadala sa awa no'ng mga panahong 'yon na baka mas lalo lang siyang malulungkot kapag sinabi kong patay na ang kaniyang ama. Hindi ko manlang naisip na mas makakabuti sa anak kong 'wag na lamang itong paasahin.

"I'm fine baby, kain na," mukha mang hindi kumbinsido ay sinunod niya pa rin ako.

Matapos naming kumain ay sakto ring dumating si Ressa. Tuwang-tuwa na naman tuloy itong anak ko at kahit malaki na ay nagpabuhat agad sa tita niya tulad ng nakasanayan.

"Thank you so much po sa maraming-maraming foods tita! nag enjoy po kami nina mama and yaya Lorna ng sobra!" masiglang pagpapasalamat ng anak ko sa tita niyang hindi alintana ang bigat niya.

"Glad you guys enjoyed it. I'll bring more next time." tugon naman ni Ressa kaya mabilis na umangat ang aking kanang braso upang mabigyan ito ng hampas.

"Tumigil ka nga, sobra-sobra na ang binibigay mo palagi dadagdagan mo pa." Babaeng ito. Hindi niya ba alam na kuntento na kami kahit tig-iisang order lang kaming tatlo o kahit nga magsalo-salo pa kami sa iisang order lang.

"It's alright Bel dear, I have lots of money. Afford kong ilibre kayo ng marami."

Ay oh. Hambog din talaga ang babaeng ito.

"Hindi porket marami kang pera bibigyan mo nalang kami nang bibigyan. Ang dami-dami pa. Sapat na sa amin ang isang order."

Inikutan niya naman agad ako ng mata sabay sabing, "Whatever."

Napailing nalang ako bago siya biningyan ng tinging, "Hindi ko tatanggip ang ibibigay mo sa susunod kapag ginawa mo 'yon"

"I want lots of beef po next time tita hehe!" hirit naman kalaunan ni baby Watkins pero bago ko pa man ito mapandilatan ng mata ay isiniksik na nito ang mukha sa leeg ni Ressa na ngayon ay malawak na ang ngisi.

"You heard your son Bel dear. Bawal tanggihan ang hiling ng bata."

Ako naman ngayon ang napairap. "Imbento ka na naman dyan, blessing ang hindi dapat na tanggihan, hindi ang hiling bata."

"Same thing."

Sasagot pa sana ako nang sumingit na si yaya Lorna at pinapatikim 'yong gawa niyang ginataang bilo-bilo. May nabili kasing mga ingredients si yaya noong nakaraang buwan pero nakalimutan niya ang tungkol do'n at kanina lang lang naalala kaya napagdesisyonan niyang lutuin na agad baka raw makalimutang muli.

Heto namang si Ressa ay amaze na amaze sa pinatikim sa kaniya. Halatang hindi pa nakakatikim ng ganoon sa buong buhay niya.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan, nagsalo-salo na pala kami sa pagkain ng bilo-bilo kahit sobrang busog pa namin. Pero kahit na ganoon ay naubos pa rin namin ang niluto ni manang dahil si Ressa ang may pinakamadaming nakain.

Nagluluto naman daw ng bilo-bilo ang mga kasambahay nila roon subalit maarte siya sa pagkain kaya ngayon lang siya nakatikim. Sising-sisi tuloy siya kung bakit tinatanggihan niya lang noon palagi ang mga inaalok ng mga kasambahay nila. Kung alam niya lang daw na sobrang sarap ng bilo-bilo ay sana matagal niya nang nalantakan ang mga iyon.

Habang ganado nga siyang kumakain kanina ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong una kong matikman itong bilo-bilo ni yaya.

Nag request pa nga siya kay yaya na magluto ulit ng ganoon at siya na raw ang bahala sa mga ingredients. At dahil magaling din magluto si yaya ng mga kakanin, inalok niya pa si Ressa na patitikimin ng mga ito basta kay Ressa lahat ng gastos.

Syempre pumayag agad ang hambog kong kaibigan at sinabing walang problema kung pera lang din pag-uusapan. Sarap talaga ng buhay ng mga sutentado.

Naisip ko tuloy na kung pwede lang akong humingi ng tulong sa mga kamag-anak ko sa side ni mommy ay maayos-ayos ang buhay namin ngayon at hindi kami masyadong nahihirapan.

Ang kaso nga lang, hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil sila rin ang mapapahamak. Sigurado kasing idadamay sila ng demonyo ko ring ama kapag nalaman niyang tinutulungan nila ako. Ang malala pa, baka matunton pa niya kami.

Pero hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kami nahahanap gayong hindi naman iyon mahirap sa kaniya lalo na't napakarami niyang koneksyon. Oo nga't nakakaramdam kami ng may nagmamasid sa amin kaya kami nagpapalipat-lipat ng bahay pero hindi naman umabot sa punto na lumitaw ito sa harap namin o kahit manlang nagpadala ng tauhan upang makuha ako at maibigay doon sa kapwa niya animal na pinagbintahan sa akin.

Simula noong unang araw na mapagdesisyunan kong magtago hanggang ngayon ay palagi na lamang akong hindi nakakatulog ng maayos sa gabi at maya-maya kung magising sa pag-aakalang natagpuan na kami ng walang kaluluwa kong ama.

"Bel dear," naiwaglit ko ang kaisipang iyon nang marinig ko ang boses na iyan ni Ressa.

"Bakit?" tanong ko pero nang mapagtantong gusto niya akong makausap tungkol sa kagabi ay nagpatiuna akong naglakad patungo sa munti naming sofa.

Hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring maglakad ng maayos dahil sobrang sakit pa rin ng aking gitna. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang makauwi rito kaninang umaga kahit paika-ika. 

Tahimik namang sumunod si Ressa at naupo sa aking tabi.

"So.. where have you been last night?" panimula niya. "I was so worried you know, you were just there beside me pero bigla ka nalang nawala."

"Uhm.. nando'n lang naman ako," maikli kong sagot na agad ikinakunot ng kaniyang noo.

At bago ko pa man marinig ang kaniyang tugon ay yumuko na ako. Ganito kasi ako kapag nagsisinungaling. Hindi ko kayang tumingin ng deritso sa mata ng taong sinasabihan ko ng kasinungalingan.

"Where exactly tho? pinacheck ko pa ang cctv sa buong hotel pati na rin of course, sa party room kung nasaan tayo but they just told me that there's nothing to be seen. Chineck ko pa with my own eyes para sigurado because it's imposible na wala silang makita do'n kung paano ka umalis at saang ka nagpunta but I also saw nothing. Which is incredibly odd dahil ano 'yon? nag teleport ka?" kahit nag kukwento lang siya ng mga nangyari kagabi ay ramdam ko pa rin ang pinaghalong pag-aalala at pagtatakang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon dahil sa mga nangyari. "Then here's the most upsetting part, all the of the staffs and securities there just told me to not panic and to not waste a single bit of my time calling the police dahil sila na raw ang bahala. But then mukha namang wala silang ginagawa and they don't even seem to mind! at all! so I have no choice but to call for a police only to find out na hindi pala sila tumatanggap ng riklamo tungkol sa mga taong nawawala kung hindi pa nakakalipas ang twenty four hours. Imagine that? my knees literally started trembling at that moment kahit no'ng nagda-drive ako papunta rito kagabi dahil alam ko sa sarili kong kasalan ko if ever may mangyari sa 'yo dahil ako ang nagpumilit na isama ka 'don."

Nakatitig lang ako sa sahig the whole time na nagsasalita siya. I really am a terrible person para iparamdam sa kanila ang sobrang pag-aalala habang ako ay nagpapakasarap doon kasama ang lalaking hindi ko kilala.

"I'm sorry.." 'yan lang ang tanging nasabi ko.

Isang mahabang katahimikan naman ang bumalot sa amin.

"No, I'm sorry. Ako ang may kasalan." Aniya kalaunan na ikina-angat na ng aking tingin.

“Hindi, ako ang may kasalanan.” Iling-iling kong wika.

Paano niya naman iyon naging kasalanan eh ako naman itong hindi sila naisip sa mga puntong iyon na naroon ako sa silid kasama ang strangherong lalaking may nakakahipnotismong tingin, boses, at mukha.

I had a chance to leave that room at umuwi na tapos tatawagan ko na lang siyang pauwi or uuwi na ako but I didn’t do it. Nagdecide akong manatili sa silid na iyon. 

“Okay, it is both our fault,” wika niya habang inaabot ang aking kamay. “pero saan ka nga ba talaga nagpunta kagabi?”

“S-Sa.. nando’n lang ako sa—”

“Isabel ija, may tao sa labas hinahanap ka.”

Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin or should I say, dapat na sasabihing pagsisinungaling nang bigla na lamang sumulpot si yaya Lorna rito sa sala. Nagmamadali.

“Sino po?” sino naman kaya iyon? wala naman akong inaasahang bisita dahil si Nessa lang ang natatangi kong kaibigan dito.

“Oh let me guess yaya Lorns. It’s Bel dear’s suitor again,” singit naman ni Ressa na agad kong ikinasimangot dahil malaki ang posibilidad na tama siya.

“Hindi ako sigurado ija. Pero isa lang ang masasabi ko, sobrang gwapo ng lalaking nasa labas. Ang taong ‘yon na yata ang pinaka gwapo sa lahat ng naging manliligaw nitong aking alaga,” tugon naman ni yaya Lorna kaya agad kaming nagkatinginan ni Ressa.

Parehong nakakunot-noo dahil sa pagtataka.

Lalaki? sobrang gwapo?

“Oh my! let’s go Bel dear! I wanna see how handsome he is!” bago ko pa man mahawakan ang braso ni Ressa ay nakatayo na siya at deri-deritso nang nagtungo palabas.

Wala naman akong nagawa kung ‘di ang sumunod nalang. May munti naman kaming gate rito kaya naisip kong sumilip lang saglit without showing myself.

Pero bago ko nakita ang lalaking tinutukoy ni manang ay ang laglag panga namang bulto ni Ressa ang aking natagpuan habang nakamasid doon sa labas.

Sobrang kinuha niyon ang aking kuryosidad kaya humakbang pa ako lalo sa pinto upang makita ang dahilan ng kaniyang reaksyon.

No’ng una ay hindi ko pa maaninag masyado ang hitsura ng lalaki dahil sa araw na tumatama sa mukha nito pero nang magkaroon na ako ng pagkakataong makita ng maayos ang buo niyang mukha ay parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig.

Ang lalaki kasing nasa labas.. ay ang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaiba at walang kapantay na sarap kagabi!

A-Anong ginagawa niya rito?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status