All Chapters of My Biggest Mistake: Chapter 31 - Chapter 40
43 Chapters
Chapter Thirty-One
Lei's POVHindi ko alam paano ko patutunguhan si Zy nang malaman ko na mahal niya ako, hindi bilang kaibigan kundi mas malalim pa doon. Hindi ko alam paano ko siya kakauasapin dahil doon kahit na wala siyang idea na narinig ko silang nag-uusap ni Tita. Hindi ko alam kung normal ba ang mailang sakanya after ng mga nalaman ko pero hindi ko dapat isipin iyon dahil nandito kami sa isang serious situation.Kailangan ako ni Allison, kailangan niya ng makakaramay, kailangan niya ng may magmamahal sakanya, kailangan niya ng kaibigan. Isasantabi ko muna siguro ang lahat ng nalaman ko. Kapag pinahalata ko kay Zy na alam ko na ang sikreto niya, baka mailang siya o kung ano man iyon. Kahit na tungkol sa akin yung pinag-usapan nila, I will respect it... hindi ko iyon ipagsasabi kahit kanino. I will keep it to myself at hahayaan ko nalang na siya mismo ang magsabi sa akin ng totoo niyang nararamdaman para sa akin, kapag ready na siya. Pero...Kasi kung nagkataon na umamin siya, hindi ko din lang m
Read more
Chapter Thirty-Two
Allison's POV"I-I'm pretending, Lei. Alam kong iniwan nila ako. Alam kong hindi ko na makikita pa ang anak ko. H-Hindi ko lang alam paano ko siya makukuha... at umaasa akong panaginip lang ang lahat. Na hindi magagawa ni Levi na saktan ako, na parang ayaw mag-sink in sa utak ko na nangyayari ito. Na ayokong paniwalaan kayo."Oo alam ko na walang Althea dito sa hospital... na iniwan niya na ako, hindi ako nababaliw... I am just pretending na nandito siya, na makikita ko pa siya. Ang sakit lang kasi isipin, ni hindi ko alam kung saan sila hahagilapin. Ginawa nila akong tanga, ang sakit-sakit! Tinangay nila ang anak ko, pero ano pa itong ginagawa ko? Nagpapanggap na okay lang ang lahat! Napakawalang-hiya ko, ang manhid ko, ang martyr ko!Levi mahal kita eh, bakit mo naman ako ginaganito? Ano bang ginawa ko bakit ko nararanasan ito? Nagmahal lang naman ako, nagpatawad ako, binigay ko ang lahat pero sa huli, naubos ako... ubos na ubos na ako! Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Lei s
Read more
Chapter Thirty-Three
Allison's POV Nagpapagaling muna ako tapos saka na ako mag-uumpisa ulit. Kahit gustuhin ko man na sundan sila Levi ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman alam kung nasaan sila. Magpapagaling muna ako saka ko sila hahagilapin, hindi ako papayag na basta nalang nilang kukunin ang anak ko. Hindi ako papayag na si Dianne ang kikilalanin na Ina ni Althea.Ako ang nagluwal, ako lang ang nag-iisang Ina ni Althea wala ng iba kundi ako lang. Hindi ako basta-basta magpapatalo sa inyo, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang babae at bilang Ina. Hindi basta-basta na inaapakan niyo lang ang buong pagkatao ko."Hindi pumayag ang airline na malaman yung information ng mga passengers. It's their privacy, Allison." Balita ni Andrew sa akin habang hinahanda ang mansanas para kainin ko."Magpapagaling lang ako at kapag nakalabas ako dito sa hospital at kahit saang lupalop pa sila pumunta, hahanapin ko sila." Saad ko.Hindi ako pinalaki ni papa na basta-basta nalang susuko, at mas lalong hindi ako pina
Read more
Chapter Thirty-Four
Dito muna ako sa bahay pinatuloy nila Mama nang na-discharge na ako sa hospital. Nilinisan pa nila ang kwarto ko at wala naman nagbago dito. Wala ding nawala. Pero kung may hiniram man sila, hindi naman ako magagalit, kahit huwag na nga nilang ibalik ay okay lang sa akin. Mapagbigay naman akong tao, hindi ako madamot.Kaya nga lang sa sobrang mapagbigay ko, naaabuso na pala ako. May mga tao talaga na kahit bigyan at pakitaan mo ng mabuti, sa huli nakukuha pa din nila na saktan ka, abusuhin sa kabaitan mo.Unfair talaga ng mundo."Anak okay ka lang ba dito?" Tanong ni mama na kanina pa chine-check ang bawat sulok ng kwarto ko. Baka may alikabok o kaunting dumi. Ang dami kong napansin sa pakikitungo ni Mama sa akin, nag-iba eh. Naging mabait siya sa akin, naging maalalahanin, feeling ko isa akong prinsesa kasi the way she treated me, the way she talked to me. May pure at gentle na doon, hindi katulad dati na every time makikita niya ako dito sa bahay ay nakakunot na agad ang kilay niya.
Read more
Chapter Thirty-Five
"Ma'am hindi po kayo pwedeng tumapak dito." Sabi ng guard dito sa kompanya nila Levi. Napansin ko din na bago lang itong guard. Pero ayaw kaming papasukin sa loob."Anong hindi pwede? May kakausapin lang kami!" Sabi ko sakanya kahit na pilit niya kaming tinataboy. Pinagtitinginan na nga kami ng mga empleyado dito sa labas. Pati ba naman dito ayaw kami papasukin? Masyado na ba silang takot na baka makuha ko ang anak ko? Malamang kailangan nilang matakot kasi hindi talaga ako papayag na sa puder nila lumaki ang anak ko."Si Levi ba ang nag-utos na huwag kami papasukin?!" Tanong ni Andrew. "Nandiyan ba yung magaling mong amo?" "Sir hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito, ako po ang malalagot. Ayaw ko po sana mawalan ng trabaho." Bakas sa pagmumukha ng guard na sinusunod niya lang ang utos sakanya ng mga amo niya. Alam ko naman iyon pero kakausapin lang naman namin si Cianne, yung secretary ni Levi."Manong maawa na po kayo, saglit lang naman po kami. May kakausapin lang naman po kami
Read more
Chapter Thirty-Six
Monts passed at hanggang ngayon wala pa ding balita kung nasaan ang anak ko. Everyday akong nag-iisip kung okay lang ba siya? Kung tinitimplahan ba siya ng gatas? Kung naaalagaan ba siya ng mabuti? Binibigyan ba nila ng maayos na higaan ang anak ko. Nakakatulog kaya siya ng maayos kung saan man siya naroroon? Althea dinala kita sa sinapupunan ko ng nine months pero hindi naman kita nakita nang pinanganak kita.Ipinagkait agad nila sa akin na maging Ina sa iyo, na mahalin ka, alagaan ka, mahagkan ka. Anak ko, sana magkita na tayo dahil gabi-gabi ako umiiyak, gabi-gabi ako humihiling na sana... sana magkita na tayo at sana magbago na ang daddy mo at ibigay ka sa akin. Miss na miss na kita anak.Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko nalang sinabi sa dad mo na buntis ako, na magkakaroon kami ng anak. Hindi ko naman alam na mangyayari ito kasi pinaramdam sa akin ni Levi na mahal na mahal niya ako, na masaya siya dahil magkakaroon na tayo ng masayang pamilya dahil dumating
Read more
Chapter Thirty-Seven
"Allison hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Julie, yung katrabaho ko dito sa coffee shop. Mag-overtime ako ngayon kasi kailangan kong kumayod nang kumayod. Nag-iipon ako ng pera para makapunta sa Italy, kung nandoon nga ang anak ko."OT ako ngayon." Sambit ko sakanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko at kinuha niya ang mga gamit niya na nilagay kanina sa table malapit sa akin."Ang sipag mo talaga kaya wala ka pang nagiging jowa dahil wala kang time." Napatawa nalang ako sa sinabi niya saka ko pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape ng customer.Six in the afternoon na kaya dagsaan ang mga customer dito sa shop. Maraming mga estudyante ang pumupunta dito lalo na't katapat lang ng shop ang University. Halos lahat ng College Students need ng kape, pampagising ng diwa nila."Nako, hindi ko kailangan 'yan, Julie. Trabaho at kape ay okay na sa akin." Hindi ko kinwento sakanya na may anak na ako o may ex-boyfriend. Hindi ako pala-kwento sa buhay lalo na kapag bago lang kaming magkakilala.My li
Read more
Chapter Thirty-Eight
"Ma, tulong! Ma! Tulungan niyo po ako!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa malakas na boses, babaeng humihingi ng tulong. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Althea ba iyon? Bakit siya humihingi ng tulong? Bakit parang takot na takot siya? Bakit siya umiiyak?Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. Althea, nasaan ka ba?Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, next week na ang birthday ni Althea. Ang bilis ng panahon. Kung saan-saan ko siya hinagilap, hindi pa din ako tumitigil pumunta sa mansion nila, nagbabakasakali na nandoon sila pero wala pa din.Pumupunta din ako sa kompanya nila, nagbabakasali din na nandoon sila Levi. Hintayin niyo lang ako, Levi kukunin ko si Althea sa inyo.Nagta-trabaho pa din ako sa coffee shop nila Andrew at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, ito final exam na for first sem. Kinakaya ko naman ang working student, sanay naman na ako dati pa. Estudyante sa maghapon, at bago pumasok sa coffee shop didiretso m
Read more
Chapter Thirty-Nine
Si Althea na ba iyon? Ang laki na niya. Nandito na ang anak ko, kailangan ko siyang makita, kailangan ko na siyang kunin. Hindi ko na sila naabutan pa, saan na ba sila? Bakit ang bilis nilang mawala sa paningin ko?"Althea!" Sigaw ko. Pinagtitinginan lang ako ng mga tao dito sa tapat ng convenience store. Nilibot ko ang paningin ko baka nagtatago lang sila pero wala."Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew kaya lumingon ako sakanya. Tumakbo ako papunta sakanya saka siya niyakap. Mukhang nagulat naman siya doon pero sa huli niyakap niya din ako pabalik nang humikbi na ako. Hinimas niya ang likod ko, pinapatahan ako.Nag-stay kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na ako. Bago niya ako bitiwan ay hinalikan niya muna ang gilid ng noo ko saka ako tuluyang bitawan. He held my face, tinitigan ang mukha ko."What happened?" He asked. Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa akin."I saw her. Si Althea, nandito siya Andrew." Luminga-linga ako habang hawak pa niya ang mukha ko."Baka nag
Read more
Chapter Fourty
"Allison?" Sa lahat ng boses na narinig ko, ito lang ang kinaiinisan ko. Ang boses ni Dianne. Ang boses ng taong kinaiinisan ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa dalawang tao na nandito ngayon sa event ng Lolo ni Andrew.Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?"Nice to meet you again, Allison." Malanding sabi ni Dianne at nakita ko ang paggapang ng kamay niya sa braso ni Levi. Napataas ang kilay ko doon, as if naman na maglulumpasay ako sa selos dahil sa ginawa niya. Ulol! Sakanya na si Levi! Isinuka ko na 'yan matagal na!Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Andrew. Siya ang nasa unahan ko ngayon at hinawakan niya ang kamay ko, agad naman iyong napansin ni Levi kasi ang paningin ko ay nasa Ex ko kaya nakita ko ang paggalaw ng mata niya papunta sa mga kamay namin ni Andrew. Napangisi ako doon."Bakit kayo nandito?" Tanong ni Andrew sakanilang dalawa, natawa naman si Dianne doon. Tahimik pa din si Levi at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at kahit mabasa
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status