Share

Chapter Thirty-Five

"Ma'am hindi po kayo pwedeng tumapak dito." Sabi ng guard dito sa kompanya nila Levi. Napansin ko din na bago lang itong guard. Pero ayaw kaming papasukin sa loob.

"Anong hindi pwede? May kakausapin lang kami!" Sabi ko sakanya kahit na pilit niya kaming tinataboy. Pinagtitinginan na nga kami ng mga empleyado dito sa labas. Pati ba naman dito ayaw kami papasukin? Masyado na ba silang takot na baka makuha ko ang anak ko? Malamang kailangan nilang matakot kasi hindi talaga ako papayag na sa puder nila lumaki ang anak ko.

"Si Levi ba ang nag-utos na huwag kami papasukin?!" Tanong ni Andrew. "Nandiyan ba yung magaling mong amo?"

"Sir hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito, ako po ang malalagot. Ayaw ko po sana mawalan ng trabaho." Bakas sa pagmumukha ng guard na sinusunod niya lang ang utos sakanya ng mga amo niya. Alam ko naman iyon pero kakausapin lang naman namin si Cianne, yung secretary ni Levi.

"Manong maawa na po kayo, saglit lang naman po kami. May kakausapin lang naman po kami
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status