Lahat ng Kabanata ng BEAUTIFUL ASSASSIN: Kabanata 31 - Kabanata 40
84 Kabanata
Chapter 31
ShanraMaaga ulit akong gumising ngayon ngunit hindi para mag-jogging kundi para magpunta sa school na pinagtuturuan ko ng self-defense. Wala akong pasok ngayon ngunit tinawagan ako ng head nang school at pinapapunta nang maaga. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta dahil ngayon lang naman nangyari na tinawagan ako ng school.Pagdating ko sa school ay agad akong dumiretso sa opisina ng head dahil iyon ang bilin niya sa akin. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nang marinig ko ang boses ng head na pinapaasok ako ay saka ko pa lamang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Hindi lamang ito ang tao sa loob ng opisina nito ngunit hindi ko pinansin o tinapunan man lang sila ng tingin. Deresto lamang akong naglakad palapit sa harapan ng head na si Mr. Ramon Choa. Naramdaman ko na may kakaiba sa paligid lalo pa at tila hindi mapakali ang head."Good morning, Sir. I'm already here. Ano po ang sadya ninyo at pinapunta ninyo ako ng maaga kahit na wala akong pasok?" walang paligoy-ligo
Magbasa pa
Chapter 32
ShanraSix sharp ng gabi ay dumating si Craig na guwapong-guwapo ang hitsura. Fresh na fresh ang hitsura at mukhang bagong gupit pa. Hindi ko napigilan ang mapailing at lihim na mapangiti. Obvious naman na nagpa-guwapo siya dahil makikipagkita siya sa akin."Saan mo gustong kumain, My.lady?" biro niya sa akin habang nakasakay kami sa kanyang kotse."Hindi ba ako ang magde-decide kung saan tayo kakain?" paalala ko sa kanya at saglit ko siyang sinulyapan."Yeah, I know. Kaya nga tinatanong kita kung saan mo gustong kumain para maihatid kita sa lugar na kakainan natin," nakangiti niyang sagot sa akin. Napansin ko na mas magaan na kaming nag-uusap ngayon kaysa noong una at pangalawang beses kaming nagkita at nagkausap."Then, let me drive your car," sabi ko sa kanya. Walang tanong na inihimpil nito sa tabi ng daan ang kotse nito at bumaba pagkatapos ay umikot papunta sa kabilang pintuan sa aking side. Lumipat naman ako at naupo sa driver's seat. "Hold on," biro ko sa kanya matapos kong p
Magbasa pa
Chapter 33
Shanra"Good morning, Teacher Shanra!" sabay-sabay na bati sa akin ng mga estudyanteng tinuturuan ko ng self-defense. Hindi natuloy ang pagsisante sa akin ni Mr. Choa dahil tinawagan niya ako. Akala ko ay uutang siya sa akin ng pera ngunit sa halip na umutang siya ay inalok niya ako na maging co-owner ng school. Pumayag ako sa gusto niya kaya binayaran ko ang pagkakautang niya sa bangko. Hindi natuloy na mailit ang school niya at naging dalawa kami na may-ari. Ngunit nakiusap ako sa kanya na ilihim na lamang sa lahat ng mga empleyado niya ang tungkol sa pagiging co-owner ko ng school at pumayag naman siya. Nagkasundo kami na unti-unti niyang babayaran ang kalahati ng ibinayad ko sa bangko. So, hindi na nga ako natanggal sa trabaho ay naging co-owner pa ako ng school."Good morning, Kids!" nakangiting bati ko sa kanila. Ibang Shanra ang nakikita ng mga bata kaysa sa Shanra na nakikita ng mga tao sa labas ng school. Dito ay nakakangiti ako bagama't hindi ito gaanong umaabot sa aking mga
Magbasa pa
Chapter 34
ShanraPagkatapos akong padalhan ng text messages ni Ninong Eddie ay agad akong nag-drive papunta sa BAS headquarters. Ni hindi nga muna ako naligo o nagbihis man lang ng damit dahil medyo basa ang suot kong uniform pa ng aking klase. Gustong-gusto ko nang makarating sa headquarters para malaman ko kung sino ang aking next target. Pang-pito ko na ito itong next target ko. Pagkatapos nito ay tatlong tao na lang ang kailangan kong ma-assassinate at makakaharap ko na rin ang BAS leader. Makakausap ko na rin siya ng harapan at matatanong ko sa kanya ang mga nais kong itanong at malaman.Mabilis ang patakbo ko sa aking kotse dahil gusto ko agad na makarating sa headquarters ngunit nang makita kong naka-red ang traffic lights ay inapakan ko ang preno ng sasakyan ko para huminto ngunit laking pagtataka ko nang hindi kumagat ang preno. Wala akong choice kundi ang dumiretso na lamang kahit na naka-red sa aking side. Mabuti na lamang at walang nauuna sa akin na sasakyan kaya wala akong nabangg
Magbasa pa
Chapter 35
Shanra "Here is your new mission, Shanra. But this time, you will do the mission together with Tom. You're an insider while Tom is the outsider. Naiintindihan mo ba ako?" tanong sa akin ni Ninong Eddie matapos ang short briefing ng bagong mission ko. Mali pala. Hindi ko lang pala ito mission dahil kasama ko si Tom ngayon. Ito ang pinakaunang mission na pagsasamahan naming dalawa. Para kaming bagong loveteam na isasabak sa isang bagong pelikula."Alam na ba ni Tom na magkasama kami sa iisang misyon?" tanong ko habang binubuklat-buklat ko ang files ni Rexor Soriano. ang aking bagong target, este, namin pala.Kilala ko si Rexor Soriano dahil katulad ni Veron ay isa ring sikat na artista ang lalaki. But I only know now na may evil secret palang itinatago ang artistang ito. Isa itong illegal human organ smuggler at kasalukuyan itong minamanmanan ng mga pulis. Ngunit ang taong nagbayad para i-assassinate ito ay hindi na makapaghintay. Gusto nito na maunahan nilang iligpit ang artista kaysa
Magbasa pa
Chapter 36
ShanraMagtanong ka na," sabi ko kay Tom habang sakay kami ng kotse niya at inihahatid niya ako pauwi sa bahay ko. Alam kong kanina pa niya ako gustong tanungin tungkol kay Craig ngunit nag-aalangan siyang magtanong sa akin kaya inunahan ko na siya."About what?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Saglit lamang niya akong sinulyapan pagkatapos ay ibinaling na kaagad sa harapan ang kanyang mga paningin."Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko," sagot ko sa kanya habang nasa daan nakatutok ang aking paningin. Narinig kong humugot ng malalim na buntong-hininga si Tom bago nagtanong ng mga nais nitong malaman."Paano mo nakilala si Captain Craig De Silva? Hindi ka naman mahilig makipag-sosyalan. At alam ba niya na isa kang assassin?"Ilang segundong muna ang pinalipas ko bago ko sinagot ang kanyang tanong. "He is my schoolmate back in high school. At kung alam niya ang tungkol sa pagiging assassin ko ay hindi mo kami makikita na magkasama. I am his mission."Napailing si Tom n
Magbasa pa
Chapter 37
ShanraSa isang rest house sa Laguna kami dinala ng driver ni Rexor. At paghinto na paghinto ng van na sinasakyan namin ay agad niya akong hinila para bumaba at halos kaladkarin niya ako papasok sa rest house. Muntikan na akong madapa dahil sa pagmamadali niya na makapasok kaya ang ginawa niya ay binuhat na lamang niya ako papasok sa loob ng isa sa mga kuwartong naroon. Pagdating namin sa loob ng kuwarto ay pabiglang itinapon niya ako sa kama kaya hindi ko napigilan ang mapatili ng bahagya sa pagkagulat. "Shanra, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Tom na narinig ang ginawa kong pagtili. Siguradong nasa labas at malapit lamang ito sa rest house ni Rexor at nakaantabay lamang na sabihin ko sa kanya na mission accomplish. Saka lamang siya lalapit masyado sa bahay ni Rexor kapag nagawa ko na ang mission. At saka kami aalis sa lugar na iyon."I'm okay," nakangiti kong sabi kay Rexor ngunit para kay Tom ang sinabi ko ng ito para hindi siya mag-alala."Excited ka na ba?" nakangising tano
Magbasa pa
Chapter 38
Shanra Pagpasok na pagpasok namin ni Tom sa opisina ni Ninong Eddie ay sinalubong ay naka-plaster na agad sa kanyang mga labi ang isang matamis at natutuwang ngiti sa mga labi."Congratulations to both of you for a job well done!" bati niya sa amin ni Tom. "Akala ko ay mahihirapan kayo sa mission dahil may mga bodyguard na laging nakadikit kay Rexor iyon pala ay hindi.""The job was very easy and even Shanra alone could do it," nakangiting sagot ni Tom na bahagya akong sinulyapan. Bagaya lamang akong ngumiti at hindi nagsalita sa kanyang sinabi."As usual, the complete payment is here. I already divided it into two parts," ani Ninong pagkatapos iabot sa amin ang tig-isang sobre na lamang makapal na salapi. "As of now ay magpahinga na muna kayo lalo na ikaw, Shanra. May mission na dumating ngunit sa ibang assassin ko ibibigay to make it fair to them.""It's okay, Sir. Makakapag-focus ako sa clinic ko kung gano'n," sagot ni Tom pagkatapos ay tumayo ito at nagpaalam kay Ninong Eddie. Ba
Magbasa pa
Chapter 39
Shanra It was my brother's birthday today kaya nagpasya akong magpunta sa sementeryo para ipagtirik siya ng kandila at para batiin ng happy birthday. Bago ako dumiretso sa sementeryo ay dumaan muna ako sa isang maliit na stall na nagbebenta ng pancit palabok at bumili para ialay sa kapatid ko at siyempre, ang paborito niyang mango cheese cake. Favorite niya kasi ang pancit palabok at mango cheese cake kaya tuwing birthday niya ay hindi ko siya nakakalimutang padalhan ng kanyang paboritong pagkain. Lahat sila ay dinadalhan ko ng mga paborito nilang pagkain kapag sasapit ang kanilang birthday. Kinantahan ko si Sarge ng maikling happy birthday song bago ko hinipan ang kandila. Hindi ko napigilan ang mapaiyak pagkatapos kong hipan ang kandila. Kung buhay lang sana sila ay masaya sana naming ipagdiriwang ang bawat kaarawan ng isa't isa. Hindi sana para dinudurog ang aking puso sa tuwing sasapit ang mahahalagang okasyon na dapat ay sama-sama kami. Ngunit unfair ang mundo. Kung sino pa ang
Magbasa pa
Chapter 40
ShanraNagising ako na nakahiga sa isa isang higaan na parang hospital bed. Nakakadena ang aking magkahiwalay na mga paa at pati na rin ang aking mga kamay. Hindi na nanghihina ang aking pakiramdam ngunit hindi pa rin ako makagalaw masyado dahil sa mga kadenang nakatali sa aking mga kamay at paa. Inilibot ko ang aking mga paningin sa lugar na kinaroroonan ko para makita ko kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan ko.Ang hula ko ay nasa loob ako ng isang laboratory. Damn it! Nasa loob yata ako ng laboratory kung saan parang baboy na kinakatay ng mga tauhan ni Mr. Soriano ang kanyang mga nagiging biktima. Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok sa loob ang tatlong tao kasama na si Roberto Soriano na malapad ang ngisi sa mukha habang naglalakad palapit sa akin."Gising ka na pala, Shanra. Sana ay hindi ka na lang nagiding para hindi mo na maramdaman ang sakit ng paghiwa sa laman mo," kausap niya sa akin."Hayop ka, Soriano! Isa kang masamang tao! Pakawalan mo ako
Magbasa pa
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status