All Chapters of BEAUTIFUL ASSASSIN: Chapter 51 - Chapter 60
84 Chapters
Chapter 51
ShanraPagkatapos ng failed rescue mission namin ay muli kaming tinipon ni Ninong Eddie. Ililipat sa Munting Lupa si Juni kaya muling nagplano si Ninong ng pag-rescue sa kasamahan namin. Nakarating kasi sa kanya ang balita mula sa espiya namin sa loob ng police department na grabeng pangto-tortured ang ginawa kay Juni ng mga pulis. Isang torture na lang daw ay mukhang bibigay na raw si Juni. Ninong Eddie told us the reason kung bakit pinipilit niyang ma-rescue namin si Juni sa halip na patayin na lamang ito katulad ng sinabi ni Henry. Nalaman namin na anak pala si Juni ng isa sa mga higher up member ng BAS. At nagbanta raw ang ama ni Juni na kapag may masamang mangyari sa anak nito ay lahat daw kami na mga assassin ay malilintikan. Nakadama ako ng inis nang marinig ko ang sinabi ni Ninong dahil wala naman kaming kasalanan kung bakit nahuli si Juni. Pumalpak ito sa mission nito at wala kaming kinalaman doon kaya bakit pati kami ay idadamay ng ama nito sa kanyang galit? Kami ba ang
Read more
Chapter 52
ShanraAgad akong umupo sa tabi ni Doctor Nules na maluwag ang pagkakangiti sa akin. Pagkaupo ko ay umusog agad siya palapit sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili na umusog naman palayo sa kanya."Natutuwa akong makilala ka, Tina. At katulad ko ay mahilig ka rin pala sa kulay white," nakangising kausap niya sa akin. "By the way, my real name is Doctor Eric Nules. Single and very much available," pakalala nito sa sarili pagkatapos ay inalis ang maskarang nakasuot sa mukha nito."Mas natutuwa akong makilala ka, Doctor Nules. Lalo na sa nalaman ko na single ka pala," sagot ko naman sa kanya. "Wapang malulungkot na asawa't mga anak sakaling mawala ka.""Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya sa akin ngunit hindi naman lumayo. Sa halip ay mas lalo pang niyang idinikit ang kanyang balat sa aking balat kaya para na kaming kambal na magkadikit ang mga katawan."Walang asawa at mga anak na malulungkot sakaling mawala ka sa kanila at mapunta ka sa akin," dugtong ko sa aking sinabi.
Read more
Chapter 53
ShanraPagkapasok ko sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad niyang ibinagsak sa harapan ko ang diyaryo kung saan nasa headlines ang ginawang pagpatay ni Silent Assassin sa isang doktor. Nabasa ko na ang tungkol sa balitang iyan kanina pa ay natuwa ako nang malaman na walang lead ang mga pulis na magtuturo sa akin na ako si Silent Assassin. Madilim ang loob ng party at nakasuot pa ako ng puting wig na buhok at maskara kaya talagang hindi makikita ng kahit sino ang aking mukha. Walang makakakilala sa akin kahit na ang mga kasamahan ko sa BAS. Malalaman lamang nila na ako ang pumatay sa isang tao dahil karayom. Hindi rin pinaghinalaan ng mga pulis na babae si Silent Assassin dahil may lalaking umupo pa sa tabi ng aking target at hindi rin nakuhaan ang mukha dahil madilim ang paligid."What are you doing, Shanr? Sa halip na mag-isip ka kung paano ninyo mare-rescue si Juni ay kung ano-anong walang bagay ang pinaggagagawa mo!" galit na sita agad sa akin ni Ninong.Nakaramdam ako ng pagh
Read more
Chapter 54
ShanraMahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse ko habang sinusundan ko ang kotse ng lalaking matagal ko nang hinahanap. Sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ko na siya hahayaan pang makaligtas mula sa aking mga kamay. Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ang aking pamilya.Nang huminto sa tapat ng isang bakeshop ang kotse ng lalaki ay huminto rin ako ilang metro ang layo mula sa kanya para hindi niya mahalata na sinusundan ko siya. Nakita kong lumabas siya at bumili ng tinapay pagkatapos ay muling pumasok sa kotse at agad na umalis. Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang lumang bahay na bungalow ang style. Nang lumabas siya sa kotse niya ay mabilis akong pumarada sa likuran ng kotse niya at nagmamadaling lumabas. Ngunit agad akong napansin ng lalaki kaya bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay bigla siyang tumakbo pabalik sa kanyang kotse at mabilis iyong pinaandar palayo sa akin. Agad
Read more
Chapter 55
ShanraPagkatapos kausapin ni Craig ang mga pulis na humuli sa akin ay hinayaan na nila akong umuwi. Ngunit pinapangako nila ako na hindi ko na uulitin ang ginawa kong violation. Paano ko naman mauulit iyon gayong patay na ang taong hinahabol ko? Nangako sa mga pulis para pauwiin na nila ako dahil gusto ko nang magpahinga. Pakiramdam ko ay napagod ako sa ginawa kong pakikipaghabulan sa assassin na kasamang pumatay sa aking pamilya. Ngunit walang magandang nangyari ang aking pakikipaghabulan dahil nahuli pa tuloy ako ng mga pulis at namatay ang taong kailangan ko ng buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam na tila pagod na pagod ang aking katawan. Dumaan sa matinding training ang katawan ko ngunit hindi naman ako nakaramdam ng ganitong pagod. Kaya sa habang nagbibiyahe kami gamit ang aking kotse ay hindi ko napigilan ang sarili ko na makatulog. Nagising na lamang ako nang inilapag niya ako sa ibabaw ng aking kama. Mabuti na lamang at may doorknob na ang aking pintuan at
Read more
Chapter 56
ShanraBasang-basa ang damit ko at halos naliligo na ako sa pawis habang nakadapa sa lupa at hinihintay ang pagdaan ng sasakyan ng mga pulis kung saan nakasakay si Juni. Nakarating sa kaalaman ng BAS na hindi sa Munting Lupa ililipat ng kulungan si Juni kundi sa isang espesyal na kulungan sa may Batangas. Ginawa raw ang kulungan na iyon para sa mga miyembro ng BAS na mahuhuli ng mga pulis. Kumpleto raw ang facility ng kulungan na lilipatan ni Juni. Lahat ng klaseng pang-torture ay makikita raw doon. Hindi nakayang paaminin ng mga pulis si Juni kaya nagdesisyon na ang PNP na dalhin na sa espesyal na kulungang iyon si Juni. Ang spy ni Ninong sa loob ng PNP ang nag-tip din na ngayong araw ililipat si Juni.Kinarkulo ni Ninong ang oras ng pagdaan ng sasakyang kinalululanan ni Juni sa lugar kung saan namin haharangin ang sasakyan para makuha ito. Ito ang pinag-meetingan namin nang ipatawag niya ako.Mayamaya lamang ay daraan na ang sasakyan kung saan kami nagtatago. Mapuno ang kaliwang bah
Read more
Chapter 57
ShanraKatulad ng hula ko ay nagwala nga ang ama ni Juni matapos nitong malaman na namatay ang anak nito habang inililigtas namin. Lahat kami ay pinagmumura nang ipatawag kaming lahat na kasama sa rescue operation."Ang dami ninyo na mga skilled assassin pero hindi ninyo nagawang mailigtas ang aking anak! Mga inutil! Mga walang silbi!" galit na galit na sigaw sa amin ng ama ni Juni na si William Jung. Isa itong businessman na half-Korean-half-Filipino.Isa sa mga matataas na miyembro ng BAS si Mr. Jung at sa unang pagkakataon ay nagpakita siya sa amin ng kanyang mukha. Sa limang matataas na members ng BAS ay tanging si Ninong lamang ang kilala namin ng personal ngunit hindi na ngayon. Dahil sa sobrang galit ni Mr. William Jung sa failed mission namin na mailigtas ng buhay ang anak nito ay hindi na nito inalintana na malaman namin ang kanyang identity."Sir, nailigtas na namin si Juni at paalis na sana kami ngunit hindi namin napansin na may isa pa palang pulis na hindi tuluyang namata
Read more
Chapter 58
ShanraPagkatapos ng nangyaring meeting namin sa opisina ni Ninong ay hindi na muna ako nagpunta sa BAS headquarters. Balak kong bisitahin si Mr. Jung ngunit hindi ko muna itinuloy ang aking plano. Tiyak na nakahanda ito ngayon dahil iisipin nito na agad ko siyang pupuntahan para muling tanungin tungkol sa nangyari 6 years ago. Ngunit hahayaan ko munang ibaba niya ang depensa niya laban sa akin. Gusto kong isipin muna niya na natatakot akong puntahan siya sa bahay niya dahil maraming mga tauhan niya ang nagkalat sa loob at labas ng bahay niya. Uunahin ko na muna ang dalawang tao na kailangan pang magbayad sa akin. Sina Doctor Carla Guinto at Roberto Soriano.Gaya ng nakagawian ko kapag may taong iaassassinate ako ay overall na damit na kulay black at bonnet ang suot ko ngayon. Ngayong gabi ko papasukin ang bahay ng babae para maningil. Siya muna ang uunahin ko kaysa kay Soriano dahil pahihirapan ko muna ito bago ko patayin.Wala pang alas siyete ng gabi ay umalis na ako sa bahay ko at
Read more
Chapter 59
ShanraExcited ako habang inaayos ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Craig at sinabihan na ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Hindi tuloy ako magkandatuto sa pag-aayos sa aking sarili. Gusto ko na maganda ako sa paningin ng mga magulang niya. Maganda at presentable. Ito ang impression na gusto kong iwan sa mga magulang niya. Kaya sinigurado ko ngayon na kahit simple ay presentable naman ang aking ayos.Isang plain pink sleeveless na bestidang medyo hapit sa aking katawan at abot hanggang sa aking tuhod ang haba ang napili kong isuot. Mabuti na lamang at binili ko ito noong huling beses na nagtungo ako sa mall. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko lamang na nakalugay at nilagyan ko lamang ng dalawang hair clip sa gilid ng aking ulo. Light make up naman ang inilagay ko sa mukha ko na bumagay sa suot kong dress. Matangkad na ako kaya tenernuhan ko lamang ng sandalas na one inch lamang ang taas. Kapag magsuot ako ng sandals na mataas ang
Read more
Chapter 60
ShanraMag-isa lamang ako sa mesa na pinagdalhan sa akin ni Craig dahil nagpaalam siya sa akin na sasagutin lamang ang tawag sa kanyang cellphone. Kanina ay ipinakilala sa akin ng mommy ni Craig ang halos lahat ng mga bisita nito na dumalo sa party nito. May pagmamalaki ang boses ng mga magulang ni Craig habang ipinapakilala ako sa mga bisita at kamag-anak nitong dumalo. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Craig ngunit at the same time ay nag-aalala ako at natatakot na sa oras na matuklsan nila ang aking tunay na pagkatao ay magalit sila sa akin. Masaya na ako ngayon at gusto kong manatiling masaya. Ngunit kakalimutan ko na lang ba ang sinapit ng aking pamilya para lamang maging masaya ako sa piling ng lalaking minamahal ko? Kaya ko ba na maging makasarili?"Hi, Miss. Nag-iisa ka lang ba sa table mo? Puwede ba kitang samahan?" nakangiting tanong ng lalaking lumapit sa table ko kaya naputol ang malalim kong pag-iisip."N
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status