Semua Bab Good Girl's 10 Naughty List: Bab 11 - Bab 20
36 Bab
CHAPTER 10: INTRUDER
Hindi makatulog si Yelena. Pabiling-biling siya sa higaan. Nang ilang minuto na at hindi pa rin siya antukin ay dahan-dahan na siyang bumangon at tumanaw sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Tanging makukulay na bombilya lamang ang tumatanglaw sa buong solar ng mga Nagma.Pinagmasdan niya ang kalangitan. Hindi katulad ng nagdaang araw na ang ina at tiya ang bumabagabag sa kanya, ngayon ay iba. Sa estranghero nang pangalan lamang ang tanging alam niya. Niyuko niya ang paa na may nakasuot na sandalyas, at napangiti. Sa kanya galing ang mga damit, sandals at painting set na natanggap ko. Ni hindi pa siya nagpasalamat rito. Teka, paano nito nalaman ang sukat ng underwear ko? Nakakahiya. Nasapo niya ang dalawang nag-iinit na pisngi.Hindi siya bumaba upang kumain ng tanghalian dahil sa lalaki. Ayaw niyang makita ito. Nagkulong lamang siya sa kaniyang kuwarto.Oras ng hapunan nang dumating si Kiel. Nang nalaman nitong hindi bumaba si Yelena upang mananghalian ay kinatok nito sa
Baca selengkapnya
CHAPTER 11: I'M SORRY
Ipinikit ng mariin ni Yelena ang mga mata at isinubsob ang mukha sa kama. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos. Minuto na ang nakalipas, but she could still feel the effect of that unforgettable moment na naranasan niya sa mga kamay ni Angelo. It was an intense pleasure she felt for the first time in her life.Hindi niya alam kung maiiyak siya, magagalit o mahihiya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. A stranger seduced her. At hinayaan lamang niya.Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang pigilin ang ginawa nito sa kanya. At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nitong dahilan kung bakit pinigilan nito ang sariling hagkan siya. Sa estado ng utak niya kanina, sigurado siyang hindi lang halik ang makukuha nito sa kaniya. Wala siyang gagawin para tutulan ito sa gustong gawin sa kaniya.Dahil God, nababaliw na siya.Slowly, she removed the blanket out of her body. Itinapak niya ang paa sa malamig na sahig. Hindi niya makita ang
Baca selengkapnya
CHAPTER 12: THE INVITATION
Mula sa pagpipinta sa isang bahagi ng hardin ay natuon ang paningin ni Yelena sa papalapit na si Angelo. Hindi niya naiwasang titigan ito.He looked handsome as ever in his white shirt and khaki pants. Like a Pagan God, he walked confidently with a warm smile on his face.Naroon siya sa hardin dahil napagdesisyunan niyang doon na tapusin ang kaniyang obra. At dahil nasa open na lugar ay inaasahan niya na ang paglapit ng lalaki."Puwede ba akong tumabi?" paalam nito sa kaniya nang makalapit.Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagpipinta. Sira na ang konsentrasyon niya pero hindi siya nagpahalata.Umupo si Angelo sa kaniyang tabi. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he whispered hoarsely, malapit sa kaniyang tainga.Her body tensed. She could feel his breath skimmed in her skin.Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga. Pilit binabalewala ang epekto nito sa pagkatao niya."May kasalanan din ako," sagot niya rito sa pabu
Baca selengkapnya
CHAPTER 13: DAY 1 IN PALAWAN
Lulan ng Mercedez sports ay nakatanaw sa labas ng bintana si Yelena. Tahimik niyang tinitingnan ang mga nadadaanan na mga kabahayan, kakahuyan at karagatan sa hindi kalayuan.Palabas na sila ng Quezon. Unang beses na lilisanin niya ang lugar na kinagisnan.Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon— nalulungkot siya dahil ang mga hindi pamilyar na establisyemiyento sa labas ng bintana na natatanaw niya ay nangangahulugan na palayo na siya ng palayo sa lugar at buhay na nakasanayan niya; kinakabahan siya, natatakot at nangangamba dahil iyon ang unang beses na malalayo siya sa pamilya. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa araw na iyon at sa mga susunod pa, sa piling ng estrangherong tao sa estrangherong lugar; subalit sa tagong sulok ng dibdib ay para siyang nakahinga ng maluwag. Parang nawala ang mabigat na kamay na dati'y sumasakal sa kaniya. Hindi niya na ngayon kailangang pigilin ang sarili na gawin ang mga gusto niya. Hindi niya na kailangang magpaalam mun
Baca selengkapnya
CHAPTER 14: DAY 2 IN PALAWAN
Nagising si Yelena na magaan ang pakiramdam. Ilang minuto siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti kahit wala namang nakikitang interesante doon.Hindi niya alam kung ano'ng oras na silang natulog ni Angelo ng nagdaang gabi. They stayed on the seashore talking nonsense, laughing endlessly, enjoying the breathtaking sceneries in the dark sky.Masigla siyang tumayo, nag-ayos ng higaan at naligo. Nagbibihis na siya sa loob ng banyo nang mayroon siyang mapansin— nakasampay ang mga damit na pinagbihisan niya ng nagdaang araw!Pumasok ba si Angelo sa kuwarto niya? Ito ba ang naglaba ng mga damit niya?Mabilis siyang bumaba ng komedor. Naabutan niya ang lalaki na abala sa pagluluto."Good morning!" masayang pagbati niya rito, pinagsalikop sa likod ang dalawang kamay. "May itatanong ako.""Good morning din," ganting pagbati nito. Matapos siyang lingunin saglit ay muli na nitong hinarap ang ginagawa. "Ano'ng itatanong mo?"Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay gusto niyang mamula ng maalala an
Baca selengkapnya
CHAPTER 15: DAY 3 IN PALAWAN
The sky was clear and the setting of the sun was so perfect— it goes down gradually as if falling, like fire engulfing the other side of the earth while the surface of the sea was like a liquid silver glimmering with the reflection of sun's light.Noon para kay Angelo ay walang tatalo sa ganda ng tanawin ng papalubog na araw. Ngunit ngayon...Umalis siya sa pagkakapanungaw sa bintana and turned his head slowly in the sleeping figure of Yelena. Matiim na pinagmamasdan niya ito. Maaga itong nakatulog. Marahil ay napagod sa kalulunoy sa dagat.Pinanhik niya ito sa kuwarto upang tawaging maghapunan, ngunit naabutan niya itong nahihimbing. Natapos niya ng labahan at isampay ang mga damit nitong nasa banyo, tulad ng gabi-gabi niyang ginagawa ngunit hindi pa rin ito nagigising.Hinawi niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha.Maging sa pagtulog ay napakaamo ng mukha nito.Para itong prutas sa gitna ng hardin ng Eden na nakatatakam ngunit ipinagbabawal tikman.Matapos ang ilang buntong-hini
Baca selengkapnya
CHAPTER 16: DAY 4 IN PALAWAN Part I
Nagising si Yelena na masakit ang ulo. Ilang minuto siyang nakapikit bago nagdesisyong bumangon. Ngunit muli siyang napabalik sa kama."A-aray..." Napapikit siyang muli at napahawak sa noo. Pakiramdam niya'y minamartilyo ang ulo niya.Sa isip niya, gano'n pala ang pakiramdam ng may hang over. "Ayoko ng uminom," naluluha niyang bulong sa sarili.Napadilat at napabangon siyang bigla nang may kumudlit sa isip niya na isang eksena- siya at si Angelo! At nasundan pa ng ilan pang eksena.Angelo...I'm sorry...Hindi ko na kaya ang sarili ko...She gasped loudly and covered her mouth with her palms.Mahabagin, ano 'yon? Bakit may gano'n siyang alaala? Gusto niyang sampalin ang sarili. Gawa-gawa lang ba 'yon ng isip niya? Totoong nangyari? O isang panaginip?Hindi niya alam. Mas gusto niyang isipin na nahihibang na siya para magkaroon ng ganoong alaala.Sapu-sapo ang noo na tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili.Wala namang masakit sa kahit anong parte ng katawan niya. Iyon pa rin ang dami
Baca selengkapnya
CHAPTER 17: DAY 4 IN PALAWAN (Part II)
WARNING: Matured Content| R18+Pinahid ni Yelena ang luha sa mga mata. Dahan-dahang tumayo at sa pasuray-suray na paraan ay tinungo niya ang sariling kuwarto.Pabagsak niyang nilatag ang sarili sa higaan. Ipinailalim niya sa kumot ang hubad na katawan. Nang maramdamang tutulo na naman ang mga luha ay isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan.Napahiya siya— kay Angelo dahil umasa siya na ang magandang pakikitungo ng lalaki sa kaniya ay sinyales na gusto siya nito. Sadyang mabait lang pala talaga ito; at sa sarili niya. Mataas ang tingin niya sa sarili, ano at bigla siyang nagpakababa? Gano'n na ba talaga siya kadesperada?Inangat niya ang mukha upang huminga ng malalim. What now? Maiilang na siyang humarap kay Angelo, pati rin ito. Baka hindi na siya nito pansinin.Her heart ache at the thought.Muli siyang napahikbi. Pilit niyang inutusan ang kaniyang sarili na huwag ng umiyak at masaktan."Lena..."Napakislot siya nang bumukas ang kaniyang pintuan. Sa kaniyang nanlalabong mata a
Baca selengkapnya
CHAPTER 18: DAY 5 IN PALAWAN
Walang imik na tinitingnan ni Yelena ang listahan niya.Matapos ang nangyari sa kanila ni Angelo ay nakatulog siya, sa panghihimok na rin ng lalaki kahit pa tumanggi siya no'ng una.Noon lamang siya nagising. Alas singko y media na ayon sa bilugang orasan na naroon.She could say that she's totally came back to her senses now, because she could finally feel the shame.Ilang beses siyang pumikit at bumuntong-hininga. Niyuko niya ang sarili. Nakasuot na siya ng damit— t-shirt at pajama, na malamang ay si Angelo ang nagsuot sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. He created a havoc between her mind and heart. Sinasabi ng isip niya na mayroon ng mali sa nangyayari sa buhay niya, ngunit ang puso niya ay gusto pang makasama si Angelo. At ang katawan niya ay. . .Napapikit siya at napatingala nang muling dumaloy sa alaala niya ang nangyari doon mismo sa kuwarto niya.Bumukas ang pinto at iniluwa ang taong kanina pa laman ng isip niya.Lumapit ito at tumabi ng upo sa kaniya. Nakatit
Baca selengkapnya
CHAPTER 19: DAY 6 IN PALAWAN
WARNING: Matured Content| R18+Ika-anim na araw na. Uuwi na pabalik ng San Ignacio kinabukasan si Yelena. Pigilan man niya ang nararamdaman ay nalulungkot siya.Walang kangiti-ngiti siyang bumaba ng komedor.Napansin siya ni Angelo. "Hey, hindi 'ata maganda ang gising mo."She pouted, at nangalumbaba sa mesa. "Uuwi na ako bukas.""Ayaw mo bang umuwi?" natatawa nitong tanong."Ayoko pa kaya lang kailangan ko ng harapin ang problema ko." Dalawang linggo lang ang pag-stay ng mama Erlinda niya sa Pilipinas. Ilang araw na lang at babalik na ito ng Qatar kaya kailangan niya itong makausap. Ayaw niyang umalis ito na hindi sila nagkakaayos. Sapat na siguro ang isang linggong paglayo upang maging stable ang emotion niya."Let's eat. May nahanap akong isa pang tourist spot. Pupuntahan natin mamaya."Matapos ilapag ang kape niya sa tapat niya, hinagip ng kamay niya ang palad ng binata. "Ayaw kong umalis ngayong araw. Can we stay here instead? I want to be with you.""Sure. Manood tayo ng movie?
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status