All Chapters of ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Chapter 21 - Chapter 30
138 Chapters
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-ONE"Di mo naalala yung song na 'to, Sir? As in wala ka man lang naalala?"Napalunok si Gerald. Alam niya ang tinutumbok ni Diane. Di sinasadyang iyon ang pinapatugtog noon sa FM nang binuksan niya ang kaniyang car stereo."Wala," maikli niyang sagot sabay kuha sa isang report sa harap niya."Wala?""Wala nga! Ang kulit." Muli niyang ibinagsak ang report sa kung saan niya ito pinulot."Okey Sir, basta sa akin, meron. Kung ayaw mong aminin e, di huwag. Favorite song ko na kaya 'to." Mahina niya iyong sinabi. Parang parinig lang.Kinagat ni Gerald ang labi. Pinigilan niyang huwag mapangiti sa mga pasaring ni Diane sa kaniya. "Next time, kung papasok ka sa office ko, i-silent mo yang cellphone mo ha? Ayaw kong makarinig ng kabaduyan.""Di na mauulit, Sir.""Baduy lang kasi talaga," muling pasaring nito."Cellphone ko naman 'to e." mahina ding sagot ni Diane.Yumuko si Gerald. Itinago niya ang di niya mapigilang pagngiti.Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang sabihin
Read more
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-TWONang matapos niyang linisin ang buong opisina ay saka siya pumasok ng CR. Ngayon ay kumakanta na siya habang naglilinis. Inspired na muli siya sa kaniyang ginagawa. Nakasilip muli kasi siya ng dahilan kung bakit kailangan muli niyang mangarap. Lalo na siyang nagkaroon ng dahilan para di niya kasawaang pakinggan ang Closer You and I. Dahil naka-download na iyon sa kaniyang cellphone ay minabuti niyang ilagay na muna ang kaniyang earphone at pakinggan nang paulit-ulit iyon habang nililinis niya ang bowl. Nang tumayo siya ay naramdaman niyang parang may ibang tao sa kaniyang likod. Bumangga kasi ang kaniyang puwitan sa..."Gerald!" gulat niyang nasambit. "Sorry..." Tinanggal niya ang kaniyang earphone. "Sir Gerald pala."Magkaharap lang sila.Hindi siya nakakilos lalo pa't nakatingin ito sa kaniya. Habang lumalapit sa kaniya si Gerald ay wala siyang balak umatras. Ni hindi siya tatabi. Gusto niya ang ginagawa ni Gerald na paglapat sa katawan nito sa kaniyang katawan. A
Read more
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-THREELumapit si Diane sa kaniyang titig na titig sa kaniyang mukha. Hindi siya kumilos. Ni hindi siya nagpakita ng pagtutol. Basta ba hindi siya ang uuna. Itinaas ni Diane ang isang kamay nito at lumapat iyon sa tagiliran niya. Hindi nakuntento si Diane at inilapat nito ang katawan niya sa kaniyang katawan. Kinagat ni Gerald ang kaniyang labi pagpapakitang interesado din siya sa binabalak ni Diane. Inilapit pang lalo ni Diane ang mukha nito sa kaniya at naamoy na niya ang mabango nitong hininga. Hindi na niya matatagalan pa kaya kumilos siya para siya na lang ang hahalik kay Diane. Kailangan masimulan na ang halikang iyon bago magbukas ang elevator. Hindi na niya mahihintay pa si Diane. Ang mahalaga ay si Diane ang unang nagpakita ng motibo. Lalaki siya, walang mawawala sa kanya. Game siya kung game rin si Diane.Nang inilapit niya ang labi niya kay Diane ay saka naman umatras ito. Mabilis na itinapat ni Diane ang palad niya sa labi ni Gerald."Pipindutin ko lang sana
Read more
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FOURHuminto ang kotse sa tapat niya. Kitang-kita niya ang pagsilip nito na para bang pinapasakay siya."Manigas ka diyan. Hindi kita papansinin kahit boss pa kita. Gawin mo na naman akong stress reliever mo," bulong niya sa sarili.Hindi siya nagpahalata ng kahit anong excitement. Ayaw na niyang umasa. Hindi na niya hahayaan ang sariling muling mapahiya. Kung lumapit siya at buksan nito ang kotse para sasakay baka patakbuhin ni Gerald ang kotse niya at muli siya nitong pagtatawanan. Alam niyang may pagkasalbahe ito at di siya kakagat sa simpleng paghinto at pagsenyas lang sa kaniya para lumapit. Kaya lang di niya napigilan magbigay ng sign sa sarili. Kung bababa si Gerald mula sa kaniyang kotse at lalapitan siya, hindi na siya magpapakipot pa. Sasakay siya at sasama kay Gerald. Nang una ayaw niyang patulan ito pero nang bumaba na ito sa kaniyang kotse at nakangiting lumapit sa kaniya ay di na napigilan pa ang sariling ngumiti din. Natupad na naman ang sign. Wala na sil
Read more
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-FIVEBumili siya ng beer at tumambay muna siya sa harap ng kanilang barong-barong pagdating niya. Nakatali ang buhok niya kaya litaw pa rin ang kanyabg ganda kahit simple lang siya. Sanay siyang nakasando lang at short na maiksi kapag nakatambay sa harap ng kanilang bahay kaya madalas din siyang lingunin at pagpantasyahan ng mga dumadaan. Sa kinis ng kaniyang katawan at kagandahan. Hindi puwedeng hindi siya mapansin lalo na ang mga binata o kahit mga may-asawa na nilang mga kapitbahay.Marami pa ring dumadaan, maingay ang buong looban ngunit pakiramdam niya wala siya sa lugar na iyon. Wala siyang ingay na naririnig, ni hindi niya napapansin ang pagbati sa kaniya ng mga dumadaan dahil ang atensiyon niya ay na kay Gerald. Masakit sa dibdib na isiping sa mga sandaling iyon, iba ang kayakap nito, iba ang kahalikan at kahit alam niyang nangyayari iyon, wala siyang magawa. Wala siyang karapatan para pigilan o pagbawalan si Gerald sa ginagawa niyang iyon. Hindi naging sila. Ni
Read more
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SIX Kung busy si Gerald sa harap ng computer o kaya sa hawak niyang phone, alam ni Diane na may kausap itong i-mi-meet lalo na kung nakangiti ito at maagang aalis sa office. Nagpapakapusong-bato siya ngunit sa katulad niyang hindi naman sanay makipaglaro, nanunoot sa kanya yung sakit. Idinadaan na lang niya sa lahat sa paghinga ng malalim at pag-isip na maayos din siya. Makakalimutan din niya ang pagmamahal niya kay Gerald. Isang gabing hinihintay niyang daanan siya ni Sackey sa tapat ng kanilang Building nang binusinahan siya nang noon ay paalis na ring si Gerald. Siniguro muna niyang walang ibang tao sa likod niya bago niya ito nginitian. Siya lang ang nakatayo roon at hindi din naman siya nakaharang sa dadaanan nito dahil nasa bangketa na siya. Gusto ni Gerald na bumawi sa pagkapahiya niya kay Diane ilang araw na ang nakakaraan. Kaya nang makita niya itong nag-aabang ng masasakyan ay inihinto niya ang kotse para pasakayin siya. Kahit hanggang sa bahay pa nila ay i
Read more
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-SEVEN "Ikaw ang kausap ko, Diane. May gagawin ka ba mamayang gabi?" "Bakit ho, Sir?" "Wala ba o meron?" “Wala ho.” "Wala naman pala eh, magtatanong ka pa kung bakit?" Pabulong. "Pakidala yung ibang gamit ko. Uuwi na lang ako." Tumayo si Gerald at isinuot ang kanyang suit. Dinala niya ang cellphone niya. Mabilis na itinabi muna ni Diane ang hawak niyang panlinis at dinala ang laptop at iba pang folder na gamit ni Gerald. Naabutan na niya si Gerald sa elevator. Nang nasa loob na sila ng elevator ay nagpapakiramdaman sila. Naghuhulian sila ng tingin at kung aksidenteng nagkakatitigan ay mabilis nilang iniiwas ang kanilang mga mata. Para ba silang nadadarang sa tingin ng bawat isa. Nang nasa basement na sila ay binuksan ni Gerald ang sasakyan. Sumakay siya. Binuksan ni Diane ang passengers seat sa likod. Doon niya inilagay ang mga gamit ni Gerald. "Puwedeng sa harap mo ilagay ang latop ko?" "Sige Sir. Pasensiya na po." Mabilis na kinuha ni Diane ang laptop. Binuks
Read more
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-EIGHTHanggang sa naramdaman niyang kinikiliti siya ni Gerald at dahil hindi na siya halos makahinga sa pagpigil niya ng nararamdaman niyang kiliti ay gumanti din siya. Dalawang kamay niya ang ginamit niya sa magkabilang kili-kili ni Gerald kaya nabitiwan siya nito at kapwa sila namumula sa katatawa."Uyy, hintayin mo ako!" sigaw ni Gerald habang naghahabulan sila papuntang exit ng basement."Ayaw ko nga. Nangingiliti ka kaya.""Hindi na nga. Promise.""Sus? Promise daw. Di ako naniniwala sa'yo. Tingin mo pa lang may binabalak ka na eh.""Sandali nga pala.”“Bakit?”“Yan? As in yan ang damit mo sa lakad natin?"Tinignan ni Diane ang suot niya. Suot pala niya ang uniform niyang pang-janitress."May white shirt ako sa loob ng kotse. Medyo sakto naman siguro iyon sa’yo kasi pang-loob koi yon e. Magpalit ka muna kaya." si Gerald.“Okey na ‘to.”“Huwag ka nang kumontra.” Bumalik siya sa kotse at kinuha niya ang polo shirt niya saka niya ibinato kay Diane.Tumalikod lang siya
Read more
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER TWENTY-NINENapakaespesyal para sa kanya ang ngiting iyon na bihira niyang makitang gawin ni Gerald sa opisina.Every little smileThat special smile "Nang-haharass ka ha! Dito mo talaga ginawa ang paghawak sa kamay ko para di ako makatanggi ano?" pabulong at itinapat ni Gerald ang labi niya sa tainga ng kinikilig niyang katabi. Ngunit hindi sumagot si Diane. Tumitig siya sa kanyang mga mata. Sapat na ang lagkit ng tingin nito. Ang kung anong kumikinang sa mga mata nito para tigilan niya ang paghila sa kanyang palad. Parang may kung ano sa tingin nitong nakikiusap na bigyan siya ng panahong patunayan ang kanyang sarili. Huminga si Gerald nang malalim. Hinayaan na lang niya muna ang kamay niyang tuluyang ikinulong ni Diane.The twinkle in your eyeIn a little whileGive it a timeJust a little more timeSo we can get closerYou and I Napailing si Gerald. Lalo pa't nakita niyang sinasabayan ni Diane ng pabulong ang kanta. Parang kinakantahan siya nito. Bibig lang niya ang gum
Read more
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY Huminga nang malalim si Gerald. Pinagmasdan niyang maigi ang kutsara at tinidor at ang kanyang plato na may dalawang kanin. Nauna nang sumubo si Diane. Sarap na sarap ito. Ngunit siya, nag-aalangan sa pagkaing nasa harapan niya. Muli niyang nahuling tumingin si Diane sa guwapong nakasando at naghumbs-up pa ito!"Sarap pa rin talaga ng pagkain dito idol! The best!" May kasunod pang kindat."Huwag nang mambola. Nilibre na kita." Nakatawang sagot ng lalaki."Ba't niya nilibre ang pagkain natin?""Narinig mo naman yung sinabi di ba?" sagot ni Diane habang ngumunguya."Bakit ba panay ang tingin at ngiti ng lalaking 'yan sa'yo?" bulong muli ni Gerald."Napansin mo pati 'yon? E, kung pansinin ko rin kaya ang di mo pagsubo. Kumain ka nga muna. Gusto mo pa yatang subuan kita e. Malinis 'yang tinidor at kutsara. Binababad 'yan sa mainit na tubig. Heto ah, tikman mo ang menudo nila dito. The best!" Napansin na lang ni Gerald na naglalagay si Diane ng ulam sa plato niya. Kumindat
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status