Lahat ng Kabanata ng ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Kabanata 11 - Kabanata 20
138 Kabanata
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER ELEVEN Nasarapan siya sa kanyang naikama. Pang-ilang babae na ba ito na ikinama lang niya na walang balak maging girl friend o pakasalan? Hindi na niya mabilang at wala siyang balak magbilang. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa salamin. Sino ba ang hindi maloloka sa kanyang angking kakisigan? Sa edad niyang 29, tangkad na 5’9”, matipunong katawan, moreno, mukhang hawig kay Piolo Pascual at katawang Jericho Rosales, paniguradong lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya.Kinuha niya ang tuwalya. Nang mapunasan ang buong katawan ay inayos niya ang kaniyang mamahalin relo sa kaniyang bisig. Tapos na sila ng kanyang naka-sex. Pwede niya siyang sumibat. Wala nang dahilan pa para manatili sa hotel room na kinuha niya.Lumaki si Gerald sa mayaman at negosyanteng pamilya. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya niya. Ngunit hindi interesado ang kuya niya sa negosyo ng kanilang pamilya. Mas gusto nitong magkawang-gawa. Dahil doon, siya ang napipisil na susunod na CEO ng kanila
Magbasa pa
CHAPTER TWELVE
CHAPTER TWELVEGusto na niya yung excitement ng ginagawa niya ngayon. Iba-ibang kaulayaw. Walang iniisip, walang takot na masaktan at hanggang isang gabing tikiman lang. Simple ang buhay dahil nakukuha rin naman niya ang hilig ng katawan. Madalas tinatanong siya ng mga barkada niyang naniniwala pa rin sa pag-ibig, paano daw naman ang kilig at saya na ibinibigay ng pagmamahal? Kalokohan! Sila nga walang tumatagal na relasyon at kung meron man, naglolokohan na lang sila at madalas siya ang nilalapitan para ilabas ang hinanakit nila sa panloloko at pagkakaroon ng iba ng kanilang mga karelasyon. PUTANG INANG pagmamahal 'yan. Marahil totoo nga iyon ngunit hindi sa kaniya, hindi para sa kagaya nila.Tulad ng kanyang kinasanayan, tatakasan lang niya ang babae. Walang kahit anong contact number o pangalan. Ayaw niyang may tumatawag sa kanyang opisina. Hindi siya papayag na may bubuntot-buntot sa kanya o tatawag tawag dahil desperadang makita siya uli. Hindi siya patatali kahit kanino. Hindi p
Magbasa pa
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER THIRTEENHindi agad siya bumangon. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya. Sandali kasi siyang nanibago nang magising siya. Kumikirot ang kaniyang ulo. Malambot na kama, malamig at mabangong kuwarto at... hubad siya? Muli niyang ipinikit ang mga mata, uminat at humikab. Bigla siyang bumangon nang mahimasmasan. Pumasok agad sa isip niya ang kasama niya sa kuwartong iyon. Si Gerald!“Oh my God! Ano na naman itong ginawa ko?”Hindi na niya makita si Gerald sa tabi niya. Wala na rin ang mga damit nito. May nakita siyang pera sa tabi ng unan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagbabakasakali siyang nasa banyo lang si Gerald at naliligo. Baka nga sinusubok lang siya nito sa perang nasa kama. Pinapainan siya ng pera.Hindi niya mapigilan ang di kiligin habang naglalakad siya papunta ng CR. Gusto niya yung nangyari kagabi. Totoo ang halik, ang yakap at init ng kanilang pagtatalik. Gusto niya ang kaniyang nararamdaman at handa siyang magmahal kung kagaya rin lang naman ni Gerald
Magbasa pa
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FOURTEENKahit late na siya sa klase niya ay sinubukan pa din niyang umikot at dumaan sa kung saan sila unang nagkita ni Gerald. Nagbabakasakali siyang doon muli sila magtatagpong muli. Gusto niyang madugtungan pa ang isang gabing iyon kahit pa kumokontra ang kaniyang isip na One Night Stand lang ang lahat. Naniniwala ang puso niyang hindi lang libog ang nangyaring iyon sa kanila. Iba ang higpit ng yakap ni Gerald, ang init ng halik at ang pagbibiruan nilang para bang dati na silang magkakilala. Palagay ang loob nila sa isa't isa. Naniniwala siyang magtatagpo silang muli. Umaasang destiny na ang gumagawa ng paraan para sila ang magkatuluyan sa huli. Hindi lang niya alam kung saan, kailan at paano ngunit malakas ang kutob niyang mangyayari din iyon sa kanila. Patutunayan niyang may tunay ding pagmamahal sa kanya na may kaya sa buhay, na sa huli, magtatapat din ang langit at lupa. Mamayang hapon, muli siyang pupuntahan ni Gerald sa waiting shed. Naniniwala siyang titiisin ni Ger
Magbasa pa
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER FIFTEENMalapit na siya sa kanila at inaayos na niya ang kaniyang mga pinamili para wala siyang maiiwas sa jeep. Iniisip din kaya siya ni Gerald ngayon? Gumagawa din kaya ito ng paraan para muling silang magtagpo? Ano kaya ang mga paraang ginagawa nito? Biglang bumilog ang kaniyang mga mata."Baka sa facebook! Baka ini-add ako sa facebook" Na-excite siya kaagad nang naisip niya iyon. "Maaring hinanap ni Gerald ang pangalan ko at doon na ito nagmessage."Pumara siya sa tapat ng isang computer shop. Maglalakad na lang siya mamaya pauwi sa bahay nila. Dala ang mga pinamili. Kahit nabibigatan siya, hindi iyon dahilan para di siya makapagcheck ng facebook niya. Mabilis siyang pumasok at namataan siya kaagad ng nagbabantay nang lumalandi sa kaniyang may-ari ngunit di niya iyon pinansin. Naghanap siya agad ng magagamit na computer."Oh my God! Wrong timing naman! Walang bakante?""Hi Miss! Mag-iinternet ka?""Hindi! Magpapakulot lang ako dito sa internet shop mo!" Pabiro sabay pa-kyu
Magbasa pa
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SIXTEENPagkatapos siyang makausap ng Mommy ni Sackey tungkol sa oras ng pasok niya, sahod at mga responsibilities niya bilang Office Assistant at Janitress ay agad na siyang binigyan ng uniform para makapagsimula na rin agad. Magtatanong na lang daw siya sa karelyebo niya sa iba pa niyang dapat gawin sa trabaho. Ilang metro lang naman ang layo ng office ng Saavedra Real Estate Investment Company kaya naglakad na lang siya. “Saavedra?” Iba yung tumatakbo sa isip niya pero ayaw na niyang umasa. Hindi naman siguro.Naabutan pa niya doon ang noon ay paalis na ring papalitan niya."Rex pala, Miss!""Diane tol." Tol ang tawag niya kasi nasanay na siya sa mga kaklase niya lahat halos ay mga lalaki. Nag-aalangan siya kung kakamayan niya si Rex dahil di naman nito inilahad ang kamay. Minabuti niyang huwag na lang."Mabuti dumating ka na. Bukas agahan mo ang pasok para ma-orient kita. Papasok na rin kasi ako. Male-late na ako sa klase ko. Hinintay lang talaga kita.""Anong gagawin ko?
Magbasa pa
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER SEVENTEEN"Ayyyy!" sigaw ng secretary."What the heck!" singhal ng nagulat na si Gerald.Salubong ang kilay niyang nakatingin sa baguhang si Diane.Nanlaki ang mga mata ni Diane. Hindi siya kaagad nakakilos. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo pa't lahat ng empleyado ay nakatingin sa kaniya. Para bang sila ang natatakot sa maaring gawin sa kaniya ni Sir Gerald. Kinakabahan ang lahat para sa baguhan ngunit parang artista sa kagandahan nilang bagong Janitoress at Office Assistant nila.Tumayo si Gerald at umagos ang juice mula sa mismong tapat ng sa kaniya. Dahil doon ay bumalik sa katinuan si Diane. Dala ng magkahalong nerbiyos at pagkataranta, mabilis niyang hinugot ang panyo sa bulsa saka kisapmata niyang idinampi ang panyo sa mismong tapat ni Mr. Adonis."What the hell are you doing!" singhal ni Gerald kasabay ng paghawak sa kamay ni Diane na may hawak ng panyo."I'm just trying to..." Napalunok si Diane sa mainit na palad ni Gerald na humawak sa kaniyang kamay. Bumili
Magbasa pa
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER EIGHTEEN"Do you want me to fire you, right here, right now?" Dumagundong ang sinabing iyon ni Gerald kasabay ng paghawak nito sa kanyang kuwelyo. Walang babae babae sa kanya lalo na kung sinasagot-sagot siya na para bang magka-level lang sila.Natigilan si Diane. Sigurado siyang wala nga talagang emosyon ang pagkakahawak ni Gerald sa kaniya. Hawak iyon ng isang galit na tao. May kalakasan din ang ang pagkakatulak sa kaniya ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi siya yumuko. Wala siyang balak magpatalo lalo pa't naniniwala siya kung sino talaga si Gerald. Gusto niyang ilabas ang tunay na Gerald. Sa kabila ng galit na iyon ni Gerald ay sinikap niyang hindi paaapekto. Tumitig lang siya sa mga mata nito. Hindi man nakangiti ngunit gusto niyang makita ni Gerald kung ano ang saloobin niya. Kung gaano niya ito na-miss sa dalawang araw na hindi sila nagkita.Iba ang titig ni Diane sa kaniya. Tinutunaw nito ang lahat ng sagabal na inilalagay niya sa pagitan nila. Ngayon lang siya muli na
Magbasa pa
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER NINETEEN Habang abala siyang naglilinis sa Male Comfort Room ay biglang pumasok si Stan."Ako na magtutuloy niyan.""Bakit?" medyo kinabahan niyang tanong."E ano pa nga ba, di tama yung sinabi ko kanina. Sabi sa'yo ipapatawag ka e. O paano, e di tama akong una at huling araw mo ito sa trabaho? Di ka kasi nag-iingat e," wika ni Stan habang hinuhugasan niya ang kaniyang kamay.Tinignan niya ang sarili sa salamin. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot na may kasamang panghihinayang. Kailangan niya ang trabahong ito. Nagsisisi siya kung bakit nagmukha kasi siyang tanga sa harap ni Gerald kanina. Alam niyang hindi siya yung kanina. Kilala niya ang sarili niya eh. Palaban, makapal ang mukha, pwede niyang idaan sa biro ang kahit anong mga awkward moment. Iyon ang pagkatao niya. Masayahin at di basta-basta nai-intimidate ng kahit sino. Kay Gerald lang siya nagkaganoon. At alam na alam niya kung bakit. Iba kasi ang tama ni Gerald sa kaniya. Ngunit kung muli silang magkakaharap, sisigu
Magbasa pa
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTYPagbalik niya ay naabutan pa niya ang paninigaw ni Gerald sa isang lalaking empleyado."Ayusin mo naman ang trabaho mo! I keep on telling you to edit this, totally delete this part regarding payment of the contractors at itong site instruction, ni hindi mo man lang nagawang dagdagan! You are giving me hard time and you are submitting the same thing over and over! Ano ba ha? May laman ba yang utak na 'yan. Can you please contribute something uselful commensurate to the salary I'm giving you!" mataas ang boses ni Gerald."Aayusin ko po sir. Paseniya na." Nakayukong paghingi ng dispensa ng pobreng empleyado."Paulit-ulit mo na lang 'yang sinasabi. Ayusin mo pero walang nangyayari. Mr. Mendoza, I'm giving you last chance on this or else, maghanap ka na lang ng lilipatan mong trabaho. Hindi ikaw ang haharap sa board kundi ako. Kaya kita kinuha sa trabahong 'yan dahil akala ko kaya mo. E, kung hindi naman pala, ako na lang gagawa kasi nagsasayang lang tayo ng panahon sa kahihi
Magbasa pa
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status