Lahat ng Kabanata ng The Black Cat's Bride: Kabanata 21 - Kabanata 30
30 Kabanata
20. The Truth
Lumabas ng kaniyang bahay si Hadassa. Mabuti na lamang at nakahanap siya ng isang storey at simpleng bahay malapit sa kumpanya. Hindi naman ganoon kalaki ang nagastos niyang pera, pero masa mabuti na iyon at nanggaling ‘yon sa sarili niyang bulsa. Siya na rin ang may-ari ng MAdeja’s company, at medyo sinasanay na rin niya ang sarili na mag-adjust sa bago niyang trabaho. Nagpaturo na rin siya sa mga business expert para hindi siya magkamali. Ang pagiging guro niya ay pansamantala niya munang iniwan, dahil hindi niya kayang pagsabayin ang kaniyang trabaho. Lalo lang siyang naloka at naging stress, nang malaman na matrabaho pala ang pagiging CEO ng kumpanya.Naiintindihan na niya kung bakit nawawalan ng oras ang mga magulang niya noon sa kaniya, at kung bakit palagi wala ang mga ito sa bahay. Bilib din siya sa mga ito at nakaya nilang patakbuhin ang kumpanya at naging successful para sa kinabukasan niya. Hindi na siya nagdala ng kaniyang kotse. Naisipan niyang maglakad na lang, dahil b
Magbasa pa
21. Save Her Again
“Walang hiya ka! Paano mo ‘yon nagawa kina mom at dad, huh?! Wala silang ginawang kasalanan para gawin mo ‘yon sa kanila!” Malakas na sigaw ni Hadassa matapos mahimasmasan sa mga rebelasyon ni Gustavus sa kaniya. Habol niya ang hininga. Hindi niya napigilan ang pag-unahan ng kaniyang mga luha, habang nag-aapoy ng galit ang mga mata niyang nakatingin kay Gustavus. Hindi siya makapaniwala na magagawa ‘yon ng lalaking ‘to na nasa harap niya.“I know it, Hadassa. You don’t have to tell me about it. But I just did what I have needed to do. Malaki kayong tinik na nakaharang sa mga plano ko. At kung hindi ka rin lang mapapasakin, kailangan na rin kitang burahin sa mundo,” sambit ni Gustavus, mabilis itong tumayo.Umatras nang dahan-dahan si Hadassa. Ang lahat ng lamig niya sa katawan ay waring umakyat sa puso niya. Pinagpawisan siya nang malagkit, at natuyo ang lalamunan. Hindi pwedeng ganito na lamang ang mangyayari sa kaniya. Hindi siya papayag na mapatay ni Gustav, kinakailangan niyang b
Magbasa pa
22. The King of Good Black Cats
Tumigil sa pagtakbo si Salem nang makarating na siya sa kaniyang mansion. Namataan agad siya ni Sela na nasa kusina, na paparating siya mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang karga-karga si Hadassa na walang malay sa kaniyang likuran. Tiningnan niya sa mga mata si Sela, nag-usap sila sa kanilang isip na dalawa. Matapos iyon, mabilis na umakyat si Salem sa silid na ginagamit dati ni Hadassa at doon dinala ang babae. Nilapag niya muna ito sa sahig bago magpalit ng kaniyang anyo. Binuhat niya si Hadassa at marahan na nilapag sa kama. Agad na pumasok sa loob si Sela kasama ang dalawang kasambahay. “Please heal her wound, and make sure that she dresses comfortably,” Salem said to the two maids before leaving. Hinila siya agad ni Sela papunta sa ikatlong palapag, sa library. “Ano’ng nangyari? Alam na ba ng babaeng ‘yon?”Tumango si Salem, at bumuntonghininga. “I was in my room earlier, Sela. When suddenly, I felt again that strong connection. It was calling me aga
Magbasa pa
23. The Gate
Kinaumagahan nagdesisyon na agad si Salem na sabihin kay Angelia ang lahat. Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Hadassa. Gumugulo ang isip niya kung ano ang mangyayari pagkatapos. Ngunit, kailangan niyang magmadali bago pa mahuli ang lahat. Aldi is making a move to destroy his plan. Kaya’t hanggang maari ay gagawin niya ang lahat para mapigilan ang kalaban sa lalong madaling panahon.Prenteng nakaupo si Sela sa kabilang sofa, habang siya at si Angelia magkatabi. Sana hindi maabutan sila ni Hadassa bago sila aalis mamaya papunta sa lagusan patungo sa mundo nila. “What are planning to tell me, Salem? Is this about ating kasal ba? Are you make proposal sa akin now?” kinikilig at masayang tanong sa kaniya ni Angelia. Pero isang ngiti lang ang ibinigay niya sa babae. Hindi alam kung saan niya sisimulan ang pagsabi rito. Lumingon si Salem kay Sela at humihingi ng tulong sa matandang babae. Tumikhim si Sela para maagaw ang atensyon ng lahat. “Angelia, ma
Magbasa pa
24. The Real Mark
Hindi makapaniwala si Hadassa at maging si Angelia. Nagpaalam na muna silang dalawa sa mga naroon na black cat para makapag-isip at makapag-usap nang maayos. Pero sa puso ni Hadassa tanggap niya ang mga ito. Hindi nga lang niya alam kay Angelie, at kung tutulungan ng babae sina Salem. Huminga siya nang malalim at nahiga sa kaniyang kama. Alam naman niya at nararamdaman niyang mababait sina Salem, maging si Sela. Hindi lang talaga mawala ang takot, dahil sa katotohanan na ipinagtapat ng mga ito. Tumingin siya sa kisame, at inalala ang mga narinig niyang usapan kanina sa living room. Hindi naman niya sinasadya, talagang nagkataon lang noong pababa na siya ng hagdan. Ngayon, maliwanag na sa kaniya ang lahat kung ano ang naging dahilan ni Salem at sinama nito si Angelia sa mansion. Kung bakit biglaang naging bride nito ang babae. Kahit ano’ng gawin niya, hindi pa rin kayang tanggapin ng isipan niya ang lahat. Punong-puno na ang kaniyang isip ng mga rebelasyon, at pakiramdam niya sasabo
Magbasa pa
25. Aldi and Salem's War
Hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan si Hadassa. Paroo’t parito siya sa paglalakad, habang kinakagat ang kaniyang mga kuko. Hindi niya maiwasan ang kabahan at ang mag-alala sa kung ano na ang nangyayari kina Salem. Kaina pa siya taimtim na nagdarasal na sana maging maayos ang lahat, at maging tagumpay ang pagbabalik ng mga ito sa kanilang mundo. Kung sumama na lang siya kanina, para naman malaman niya kung ano ang nangyayari. Pero hindi rin pwede dahil hindi naman niya alam kung paano rin makabalik dito sa mansion ni Salem. Siya lang mag-isa sa napakalaking mansion ng lalaki, hindi niya akalain na lahat pa lang nakatira doon ay nilalang na mga itim na pusa.Hindi man lang niya ‘yon napansin at naramdaman, na may kakaiba sa buong mansion at mga nilalang na nakapaligid sa kaniya. Sadyang nag-ingat talaga ang mga ito para hindi mahuli at malaman ang totoong pagkatao. Kahit siya rin naman, ganoon din siguro ang gagawin kapag masyado nang importante. Umupo siya sa sofa, hindi mapigila
Magbasa pa
26. The Hidden from the Past
Magkasama pa ang dalawang angkan; ang mababait at masamang pusa, sa iisang mundo nila. Malaya pa sila na nakalalabas ng kanilang mundo patungo sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan sila ng kanilang pinuno ng pagkakataon para makisalamuha sa mga tao, at maging alaga ng mga ito. Ngunit hindi maiwasan ang ibang tao nasaktan at pagtabuyan ang ibang itim na mga pusa. Turing ng mga tao sa kanila ay isang malas, pero ang iba namam tanggap ang mga itim na pusa. Inalagaan nila ang mga ito at binigyan ng bahay na matutuluyan. Ang ilan sa mga it, mababait, at ang ilan sa mga itinapon at pinagtabuyan ay mga masasama. Kaya naman ang mga magulang ni Daldi, hindi mapigilan ang subukang maghanap ng mga taong aalaga sa kanila. “Sigurado po kayo na pupunta tayo sa mundo ng mga tao?” tanong ng batang si Daldi sa mga magulang nito. Ginalaw ng kaniyang ina ang buntot, at dinilaan ang isa sa paa nito. “Oo, anak. Baka sakaling may mag-alaga sa atin doon.”“Bakit po? Maganda po ba roon inay?” Dinilaan naman
Magbasa pa
27. The Sadness from the Past
Isang gabi, naghahanap ng makakain silang magpamilya. Madungis na sila, at kitang-kita ni Daldi na nawawalan na ng pag-asa ang kaniyang mga magulang. Pero hindi dapat ganoon. Ito ang nagturo sa kaniya na huwag mawalan ng pag-asa, at ang sumuko. Pero saksi ang kaniyang mga mata kung paano na ang mga ito na manghina, magutom at ang mawalan ng lakas. “Inay, Itay, bumalik na po tayo sa mundo natin? Ilang araw na po ang lumipas. Hindi na po natin mabilang. Wala na pong kukuha sa atin,” anyaya niya sa mga ito. Ngunit malakas na umiling ang kaniyang ina at ama. Hindi ito nakinig at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakita sila ng basurahan at naamoy na may pagkain doon. Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap ng pagkain, may dumaan na isang tao na lalaki at napansin sila ng mga ito. Napatigil sila sa kanilang pagkain, at napatitig sa tao. Akala nila kukunin na sila niti pero ganoon na lamang ang gulat ng mga magulang ni Daldi na may itinutok itong baril. Walang pagdadalawang-isip na binaril nito
Magbasa pa
28. The Death of the Brother
Ilang lugar na ang napuntahan ni Daldi at hindi pa rin niya nakikita ang kaniyang kapatid na si Aldi. Siguro nga na nasa mundo na nila si Aldi. Kailangan niyang makabalik ulot doon, bago pa mahuli ang lahat.Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad. May nakasalamuha siyang mga lasing, sa isang eskinita, namataan siya nito. Mabilis na tumakbo si Daldi dahil paniguradong nakita siya ng mga ito. Tinuturing pa naman silang malas o kaya masamang nilalang na naroon sa mundo ng mga tao. Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi maintindihan ni Daldi kung bakit ganoon ang paniniwala ng mga tao. Gayung wala naman silang ginagawang masama, pero ang mga tao rin ang dahilan kung bakit binibigyan nila ang mga ito ng kalungkutan, pighati, malas at pagkawala ng buhay. At ginagawa lang din nila iyon sa mga taong masasama rin, ang mga gumagawa sa kanila ng masama. “Pre! May itim na pusa! Habulin natin! Baka maligno ‘yon!” rinig ni Daldi na sabi ng isa. Hindi nga siya nagkamali at hinabol siya ng mga ito. M
Magbasa pa
29. The New Beginning
Magkahawak-kamay sina Salem at Hadassa na nakatayo sa umiilaw na lahusan. Kulay lila at itim ang ilaw na nagmumula roon. Habangang mga kasamahan ni Salem naghihintay sa kanilang likuran para pumasok at tumungo na sa kanilang mundo. Kinakabahan man si Hadassa, pero wala siyang kinatatakutan hangga’t naroon si Salem sa kaniyang tabi. Alam niya na pinoprotektahan siya nito kahit na ano man ang mangyari.Pinikit niya ang kaniyang mga mata, nang nagsimula nang humakbang si Salem papasok sa lagusan. May kung anong malakas na enerhiyang humahatak sa kaniya sa loob. Mahigpit ang pagkakapit niya sa kamay ni Salem, at hindi naman siya binitiwan ng lalaki. Maingat siya nitong hinawakan sa baywang at mas nilapit pa siya rito. “You can open your eyes now, Hadda,” bulong nito sa kaniyang tainga. Unti-unting iminulat ni Hadassa ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang malawak na isang bahay, mahaba at malaki ‘yon. Pinapaligiran ng mga punong-kahoy at halaman, at maging bulaklak. Maliwanag
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status