Lahat ng Kabanata ng REVENGE OF INNOCENT WIVES: Kabanata 41 - Kabanata 50
89 Kabanata
CHAPTER 32
Dumating ang araw na burol ni Mommy Mhie. Binuksan na Russel ang bahay niya para sa mga kaibigan ng mommy niya, kasama sa negosyo at kamag-anak at sa kahit sinong gustong makiramay. Hindi niya sinabi sa lahat kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang Mommy. Ang alam ng mga pumuntang nakiramay ay namatay ang matanda dahil sa matagal nitong karamdaman na breast cancer. Sa ilang gabing burol ng Mommy ni Russel ay doon naman ako gabi-gabi dinadalaw ng mga hindi ko maintindihang nakakapaghilakbot na panaginip. Hindi ko alam kung totoo ang mga bangungot na sinasaktan ako at pinahihirapan ng isang lalaking hindi ko mamukhaan. Lalaking humahabol sa akin at gusto akong patayin sa kakahuyan. May kaganapang pagpatay ng lalaking iyon sa isang babae at matanda. Malinaw sa panaginip ko ang isang pamilyar na malaking bahay at minsan ko ring naisip habang paantok na ako at nasa bingit ng pagtulog ang isang duguang sanggol na hinugot sa aking sinapupunan. Doon
Magbasa pa
CHAPTER 33
“Siya yung pang-apat na asawa na sinasaktan na rin ni Jason. Ang nagsakripisyo para makatakas ako ng araw na iyon at ang ngayon ay sana buhay pa na maaring nag-aalaga sa anak namin ni Jason.” “Paano nadawit sina Mommy?” “Nang naglalakad-lakad ako para hintayin ang aking panganganak, sinadya siguro ng pagkakataon na mahulog ang wallet ng Mommy mo. Nakita namin ni Emma at ibinalik sa kanya. Saktong manganganak na ako noon. Nang iniwan kami ni Emma para kumuha ng Wheel Chair, doon ako nagbakasakaling huminga ng tulong sa kanya. Kailangan ko noon ng sasakyan para makapuslit doon sa hospital. At sa awa ng Diyos, sa tulong ni Emma, nakatakas ako. Hinintay ako nina Mommy Mhie at kung kailan malapit na kami sa bahay ninyo, saka nangyari ang lahat. Pinasundan ni Jason ang sasakyan nina Mommy mo, pinaputukan kami. Nang nahulog kami sa bangin, bumaba pa si Diego at sinunog kami. Nagawa kong iligtas si Mommy Mhie sa nasusunog na sasakyan hanggang sa nawal
Magbasa pa
CHAPTER 34
Gabi na nang makarating kami sa aming lugar. Sinabi ko kay kuya Lito na pumarada siya malayo-layo sa amin at ako na ang bahalang dumiskarte kung paano ako makakauwi sa bahay nang walang makakaalam at makakaramdam. Kinakabahan ako. Sana hindi pa huli ang dating ko. Sana kumpleto pa ang pamilyang aabutan ko. Umikot ako. Binagtas ko sa kadiliman ang masukal na gubat. Kailangan kong pagplanuhan ang lahat. Alam kong inaabangan at minamanmanan na ako ng mga tauhan ni Jason. Wala na akong panahon para dumaan sa mas matindi pa sanang training. Ang tanging alam ko ay ang humawak ng baril at umasinta ng target. Sa actual, hindi ko alam kung kakayanin ko pero pabalik-balik na naglalaro sa isip ko ang mga turo sa akin ni Russel. Lakas ng loob lang ang aking dala at kaunting kaalaman. Pinalalakas ako ng pagdarasal. Hindi kasi pwedeng mag-training muna ako ng matagal saka ko pupuntahan ang pamilya ko. Ano pang silbi ng training ko kung nakuha na ni Jason ang pamilya ko? Wala nang silbi pa ang buhay
Magbasa pa
CHAPTER 35
Huminga ako nang malalim. Hindi man ako sigurado pa pero kailangan kong patatagin ang loob ni Nanang. “Huhugutin ko si Tatang nang buhay Nang. Huwag kayong mag-alala. Ibabalik ko si Tatang nang buhay. Pangako ko ‘yan sa inyo. Si Tatang lang ang gagamitin nila para lumapit ako kay Jason kaya hindi nila maaring saktan o patayin si Tatang. Gawin nilang pain siya para ako ang kusang susuko at lalapit.” Nang makalagan ang lahat ay mabilis na lumapit sa akin ang bunsong si Den. Kung noon ay hirap at bulol pang magsalita ang bunso namin, ngayon pagkatapos ng halos apat na taon ay malaki na. Kasunod niyang lumapit ang sinundan niyang si Dick. “Ate, naggugutom kami. Nauuhaw na po kami.” Mahinang bulong ng dalawa kong kapatid . Iyon din ang alam kong nararamdaman ng lahat lalo na nang makita kong namumutla na ang pang-apat na si Iyah na pinakamasakitin sa aming lahat. Agad kong binuksan ang ref na na binili noon ni Jason para kumuha ng tub
Magbasa pa
CHAPTER 36
Humihikbi kong sinabi kay Nanang ang lahat. Nakikinig ang aking mga kapatid sa lahat ng aking kuwento. Ayaw kong marinig ng mga nakababata kong kapatid ang tungkol sa pambababoy sa akin ni Jason kaya yung pananakit na lang niya pisikal ang sinabi ko kay Nanang. Pero alam kong batid ni Nanang na may higit pang mga nangyari. Kita kong awang-awa siya sa sinapit ko at takot na takot siya kung ano ngayon ang mangyari sa amin. Lahat naiyak. Naaawa sa sinapit ko. Nagkamali sila. Nagkaroon ng galit sa kanilang puso sa lalaking akala nila ay siyang hahango sa amin sa kahirapan. Poot na ang kanilang nararamdaman sa ngayon na mamamatay-tao at demonyo palang kabiyak ko. Ang lalaking ang inaakala nilang anghel kong asawa ang siya pala sa aming papatay. Niyakap muli ako ni Nanang nang matapos ko nang maikuwento ang lahat hanggang sa kasalukuyan. “Kung kaya ko lang siyang labanan Ate, kung kaya ko lang siyang patayin, ako na ang papatay mismo sa kanya.” Garalgal ang boses
Magbasa pa
CHAPTER 38
Nang pumasok ang mga bata sa maluwang nilang magiging kuwarto dahil gusto ni Nanang sa isang kuwarto na lang silang lahat ay nakita ko ang saya ng bawat isa. Binabagsak-bagsak ni Den at Dick ang kanilang katawan habang naghaharutan. Nagkumot naman agad si Fe at Iyah dahil giniginaw na yata agad dahil sa malamig na buga ng aircon. Naligo na rin si Dindo dahil sa wakas may sariling CR ang kuwarto. Nabas nga lang sila kanina ni Fe dahil sa naignorante sila sa showe. Hindi nila alam na sa taas lalabas ang tubig nang mali sila nang nabuksan. Basam-basa silang tumatawa. Bigla pang umusok dahil sa heater. Hindi ko alam nab ago ang lahat pala sa kanila ang lahat ng ito at natutuwa akong nakikita silang pinag-aaralan ang lahat. Pati ang flush ng toilet pinaglalaruan ni Iyah.“Ang sosyal ng CR na ‘to ate. Kusang nilulubog ang tae ko. Tatae pa sana ako eh para tignan uli kaso ubos na. Ikaw Nang di ka ba tata etas ako pipindot dito.” “Ang dugyot mo, mamaya hikain ka na
Magbasa pa
CHAPTER 39
Nakaka 500 meters palang ako ay nagsimula na akong hingalin. Habang palayo ng palayo ay parang hindi na ako makahinga at hindi ko na rin kaya pang ihakbang ang aking mga paa. Ngunit patuloy akong sinisigawan ni Russel. Lagi niyang sinasabi na kailangan ko ito kung gusto kong balikan si Jason at mabawi ang aking anak at si Tatang. Nandiyang halos itulak na niya ako. Napakahirap para sa aking gawin iyon ngunit sa katulad kong determinado ay kailangan kong gawin iyon. Napakahirap para sa akin ang huminga. Nang narating ko ang pinakatuktok ng burol ay ibinagsak ko ang aking hapo at basa sa pawis kong katawan ngunit wala pang tatlong minuto nang dumating si Mang Lito. Tinalian ni Russel ang baywang ko. “Patatakbuhin ni Mang Lito ang motor pabalik. Kung titigil ka sa pagtakbo, paniguradong hihilain ka lang niya at magkakasugat-sugat ka pagdating ninyo sa baba. Kailangan mong sumabay sa pagtakbo sa bilis ng pagpapatakbo ni Mang Lito.” Huminga ako
Magbasa pa
CHAPTER 40
Nang makapagpalit na ako ay tinignan ko ang hitsura ko sa salamin. Gusto kasi ni Russel na makita ni Jason ang aking mukha kapag sumugod ako. Ang maganda at seksing ako. kung maganda ako noong bago kami ikasal ni Jason, ngayon parang lalo na akong gumanda. Lalong pumuti at kahit nanganak na ako ay wala pa ring bakas. Maayos naman na ang kilay ko. Sakto lang ang fresh make up ko at saktong pula ng lipstick na ginamit ko para umangat pa lalo ang kagandahan ko. Gusto ko, kapag makita muli ako ni Jason, hindi na ako yung baliw at buntis niyang nakita noon. Ibang Nadine na. Lalong gumanda, mas naging sexy, mas palaban. Hapit na black leather jeans ang suot ko at black sando na hapit sa sexy kong katawan. May makapal akong sinturon kubg saan doon nakasabit ang aking baril at iba pang mga armas. Assassin na assassin na ang datingan ko. Parang si Black Widow sa Avengers. Nakatali ang mahaba kong buhok. Nakaboots ako ng itim. May baril ako pero ang usapan, hindi ko iyon gagamitin dahil ang m
Magbasa pa
CHAPTER 41
“Doon sa dati mong kuwarto noon. Noong inilipat ka nang dumating ako.” Binuksan ko ang pintuan. Sumilip muna ako baka may makakita sa akin pero mukhang nasa labas pa ang lahat. Nang nasa labas na ako ay halos hindi sumasayad ang paa ko papunta sa kuwarto ng anak ko. Inilabas ko ang baril ko. Pinihit ko ang pintuan. Nakita ko ang anak kong nasa crib niya. Isinara ko ang pinto ngunit hindi saradong-sarado. Gusto kong marinig ang yabag kung may parating.Himbing na himbing sa pagtulog ang nakaguwapong anak ko. Mag-isa lang siya sa kanyang kuwarto. Pinagmasdan ko siya ng husto. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Napakguwapo talaga niya. Malusog na bata. Nakuha niya ang matangos na ilong ni Jason at sa akin na ang labi niya. Baby Ivan. Iyon ang nabasa ko sa ilan sa mga gamit doon. Ivan pala ang pangalan niya. Mula siguro sa Nadine. Ikinabit pa rin ni Jason ang pangalan ko sa anak namin. Pero bakit? Iyon ang hindi ko maintindihan? Gumalaw an
Magbasa pa
CHAPTER 42
Halos hindi na sumasayad ang mga paa ko sa lupa. Hanggang sa tumatahol na ang mga aso. Alam kong kahit praktisado na ako at matuling tumakbo ay ipa pa rin ang bilis at bangis ng mga aso. Lalapain ako ng mga iyon kapag maabutan ako. Narinig ko na rin ang mga putok ng baril. Malapit na sa akin ang mga aso. Lalapain na ako at mahuhuli na ako nina Jason! Alam kong ilang dipa na lamang hanggang sa wakas nakarating din. Mabilis kong hinila ang tali. Ramdam ko pa ang pagsakmal sana ng aso sa puwit ko kaso hindi na niya ako naabutan pa at para ko lang tinakbo paitaas ang mataas na bakod. “Huwag kayong magpaputok putang ina! Matamaan ninyo siya! Hindi siya dapat matamaan! Kailangan mahuli siyang buhay!” sigaw ni Jason. Tumigil ang putok ng baril. Hanggang sa tuluyan kong narating ang taas nang bakod at mabilis din akong bumaba. Sinakyan ko agad ang aking motor. Isinuot ko ang aking helmet. Pinaharurot palayo roon. Hingal na hingal ako sa pagod habang m
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status