Ang inaakala ni Nadine Cruz na maginhawang buhay sa piling ni Jayson Saavedra ay isa palang bangungot. Isa lang pala siya sa apat na naging asawa ng bilyonaryong gwapo. Isa lang pala siya sa sasaktan, pahihirapan at pinaghihigantian nito dahil sa kasalan ng nauna nitong asawa sa kanya. Hindi niya kayang lumabang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng dalawa pang pinakasalan ng akala niya, solo niyang asawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nilang tatlong inosente? Kaya ba nilang pantayan ang lakas at kapangyarihan ng kanilang demonyong asawa?
View MoreAko si Nadine Cruz. Mahirap lang kami. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangalan kay Tatang. Hindi siya itinuring na kapatid. Hindi kasi siya nababagay sa kanilang mga titulado. Kung itatabi si Tatang sa kanila ay para lang siyang tauhan nila sa bukid. Ganoon na rin kami ng aking mga kapatid sa aming mga pinsan. Hindi maganda ang trato nila sa amin na para bang hindi kami kamag-anak. Masakit man ang loob ko sa aking mga kamag-anak ngunit wala naman akong magagawa. Mas makapangyarihan ang mga kapatid ni Tatang dahil mas may pera sila kaya habang lalo silang payaman ng payaman kami naman ay patuloy na humirap nang humirap ang buhay.
Babae ako pero dahil maliliit pa ang mga kapatid ko, ako na ang katu-katulong ni Tatang at Nanang sa bukid tuwing Sabado at Linggo. Basta wala akong klase, nasa bukid lang ako. Lahat ng puwedeng iutos sa akin sa bukid ay ginagawa ko kapalit ng 100 pesos kong bayad sa maghapon sa mismong mga Tito at Tita ko na nakatira sa Syudad at minsan sa dalawang Linggo lang kung bumisita sa ipinapasakang lupain kay Tatang. Noong bata ako, ang 100 pesos na iyon ay sapat na para makatulong sa aming magkakapatid bilang pambaon namin sa school. Ngunit kahit anong pagod namin sa bukid maghapon nina Tatang at Nanang. Kahit pa ilubog namin ang buong katawan namin sa putikan, alam kong hinding-hindi ako makakatapos sa pag-aaral kung hindi ako makakaisip ng paraan para mabago ko ang buhay naming lahat. Pito kaming magkakapatid kaya kahit pangkain lang ay salat ang kinikita namin. Madalas mga dahoon-dahon lang na sinabawan lang ng may bagoong isda ang ulam namin. Pista nang maituturing kung magbubukas kami ng sardinas. May mga alaga namin kaming mga baboy at manok ngunit ibinebenta namin iyon. Hindi namin inalagaan iyon para katayin at kainin kundi para maibenta nang may maibili kaming gamit. Nagtatanim rin kami ni Nanang ng gulay sa likod bahay. Doon kami kumukuha ng aming pang-ulam at ibinebenta namin ang sobra. Masipag kami ngunit salat sa buhay kahit anong gagawin namin pagkayod araw-araw.
“Nang, mag-aaral pa ho ba ako ng High School? Enrolment na ho kasi namin e. Magpapalista na ba ako?” tanong ko kay Nanang habang kami ay naggagapas. Pinunasan ko ang pawis ko na tumutulo sa aking mata. Mainit pa rin ang sikat ng araw kahit palubog na ito ngunit marami pa kaming gagapasin na palay sa harap namin kaya hindi pa nagyayaya si Tatang na uuwi na at magpahinga.
“Hindi ko alam anak. Malayo ang iskwelahan dito. Kaya mo bang maglakad ng ilang kilometro araw-araw?” Tumingin siya sa akin. Itinaas niya ang laylayan ng kanyang damit para punasan rin ang kanyang pawis. “Hindi naman natin kayang magbayad ng pang-jeep dahil nag-aaral din ang iba mong mga kapatid.”
“Gusto mo ba talagang makatapos, Nadine?” singit ni Tatang na noon ay tumigil rin sa ginagawa niyang paggagapas.
“Oo sana, Tang.”
Huminga ito nang malalim. “Hindi ko alam kung may mabuting magagawa sa’yo ‘yang pag-aaral na ‘yan. Tignan mo nga ang mga kapatid ko? Nakatapos sila, naging mayayaman, may nagawa ba sa kanilang pagkatao ang kanilang pinag-aralan?” Yumuko si Tatang at muling nagpatuloy sa kanilang paggapas.
“Hindi naman ho ako kagaya nila. Mag-aaral ho ako para makatapos at matulungan ko kayo. Hindi yung ganito na lang tayo na ganito? Walang asenso. Lubog na lang tayo sa putikan habangbuhay. Ayaw ko ho ng ganito!”
“Anong ayaw mo sa ganito?” tumaas ang boses ni Tatang. “Nadine, kahit ganito lang ako, kahit ganito lang tayo, ginagawa ko ang lahat para makakain tayo ng tatlong beses isang araw. Kung hindi pa rin iyon sapat, wala akong magagawa.”
“Iyon na nga eh. Wala kayong magawa kasi kuntento na kayo sa ganito lang. Kung hindi mo sana hinayaan na kamkamin ang mga lupain mo, sana hindi kami naghihirap ngayon. Sana kahit papaano, magiging kagaya kami ng mga pinsan namin. Baka kung nagkataon na ipinaglaban ninyo ang karapatan ninyo sa pag-aari ninyo o kung sana nag-aral din kayo, hindi kami alangan at hindi kami minamata ng ibang tao.”
Mabilis na lumapit si Tatang sa akin at bigla niya akong sinampal.
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments