“I’M ON MY WAY, BABY. Be there in thirty or so…”Kaagad na bungad ni Alvaro nang sagutin ni Riko ang tawag ng lalaki. Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti sa magkabilang sulok ng mga labi ng huli.Oo, muli silang nagka-ayos at isang linggong mahigit na rin simula nang gawing opisyal ng lalaki ang relasyon nila. Hindi na pumayag si Alvaro na manatiling walang label ang relasyon nila. Sapat na raw na halos ang ilang buwang pinagbigyan nito ang kapritso niya kaya sa pagkakataong ito ay ito naman daw ang masusunod. “Mag-ingat ka sa pagdrive, ha." ani ni Riko habang abala sa pag-aayos ng sarili. "Uh-huh… What are you doing anyway?” “Nag-aayos na para pagdating mo, eh, aalis na rin tayo." masigla ang tinig na tugon ni Riko habang inaayos ang buhok. May dinner date sila ni Alvaro bago ito lilipad bukas pabalik sa San Bartolome. "Na-istorbo yata kita, baby.”Mas lalo pang lumuwag ang pagkakangiti ni Riko. Because why not? Ang laki kasi ng ipinagbago ni Alvaro simula nang muli silan
Read more