Share

YOU ARE MINE

KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya.

At wala sa plano ni Alvaro na sumuko.

Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto.

Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.

“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.

Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit.

Isang ngiti ang sumilay s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status