All Chapters of LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1: Chapter 11 - Chapter 20
71 Chapters
CHAPTER 11
“I THINK that’s a good idea, bes,” sabi ko kay Lailani at ngumiti ako. “Um, sige Kalo! Siguro ay pupuntahan ko na lang ang kuya mo sa talyer.”“Sige po! Mag-iingat po kayo, miss byutipol.” “Ako, hindi ba byutipol?” tanong ni Lailani bago pa ako makatalikod. Ngumiti naman si Kalo at napakamot sa batok nito. “Maganda ka rin po! Pero... Mas maganda po si miss byutipol!” Sumulyap ito sa akin at mas lalong ngumiti.Napasimangot naman si Lailani. “Bes, huwag mo na kayang bayaran ang bills nila rito? Nakakainis ang batang ito! Hindi man lang marunong tumingin sa maganda!”Natawa na lamang ako nang pagak dahil sa naging hitsura ni Lailani. Grabe naman ang babaeng ito! Pati ba naman ang bata patulan?“Huwag mo na patulan si Kalo, Lai! Let’s go,” sabi ko na lang. “Bye, Kalo!”“Ingat po kayo, miss byutipol!”“Byutipols! May S sa dulo kasi dalawa kami,” sabi pa nito saka tumalikod at umagapay na sa akin sa paglalakad.“Pinatulan mo pa ang bata,” sabi ko habang tinatahak na naman ang pasilyo pap
Read more
CHAPTER 12
“W-WHAT CONDITION?” Nauutal na tanong ko at bahagya akong umatras ulit palayo sa kaniya. He gazed at me, which caused me to feel a strange trepidation in my heart even more.Damn this man! Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin at pinakakaba niya ako ng ganito?Lihim akong napalunok at nagbuntong hininga. At nang humakbang pa siya ng isang beses palapit sa akin, nag-isip na ako ng puwede kong gawin oras na may hindi siya magandang gawin sa akin. Damn. Huwag lang talaga siyang magkakamali.Napasulyap ako sa lagayan ko ng mga sandals. Medyo mabigat ’yon, kaya kung mabubuhat ko iyon agad at maihahampas sa kaniya, puwede siyang mawalan ng malay agad. Nahagip din ng paningin ko ang lagayan ko ng payong. Bakal din iyon. But I don’t think na mapapatulog ko siya kung ihahampas ko iyon sa ulo niya. Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya.“Pero bago ko sabihin sa ’yo ang kondisyon ko, pakainin mo muna ako! Nagugutom na ako!”My jaw seemed to fall to the floor because of what he
Read more
CHAPTER 13
NAIINIS na nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga nang matapos kong silipin ulit ang wristwatch na suot ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyong ginawa simula nang tumayo ako sa kinaroroonan ko ngayon. Nasa loob ako ng mall at naghihintay kay Midas. Kanina pa ako naiinis sa kaniya. Ang usapan namin nang isang araw bago siya umalis sa condo ko, magkikita kami ngayon after lunch dahil kailangan ko muna siyang ipa-makeover bago ko siya isama sa bahay nina Lolo mamayang hapon. Pero ang damuhong ’yon, pinaghintay ako nang matagal!Muli akong nagbuntong hininga. And later, from a distance, I saw him walking towards me. I felt even more annoyed because he was with the girl I saw the other day. ’Yong babaeng kasama niya roon sa talyer at doon sa hospital.Pero bago siya tuluyang makalapit sa akin, huminto sila ng babae at saglit niya itong kinausap. Pagkatapos, nangunot ang noo ko nang makita kong kinabig siya ng babae sa batok niya at hinalikan ang kaniyang mga labi.
Read more
CHAPTER 14
“MABUTI naman pala at napapayag mo si Midas, Ganda,” wika ni Madam Nancy sa akin habang naglalakad na kami papunta sa bahay ni Midas. Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa mall, nagpaalam siya sa akin na uuwi muna sa kanila at kailangan niya raw munang dalhan ng pagkain sa ospital sina Kalo at Aling Yolly. I did nothing but agree with him. Hindi ko kasi siya napilit na magpa-makeover kay Vernice. Siya na raw ang bahala sa magiging ayos niya mamaya kapag pumunta na kami sa bahay ni lolo.Oh! Sana lang talaga at hindi ako mapahiya sa abuelo ko. “Wala siyang choice, Madam Nancy. I blackmailed him.”Tumawa naman ito dahil sa sinabi ko. “Mabuti na lang talaga. Kasi wala na rin akong ibang mahanap na magpapanggap na boyfriend mo kun’di siya. I mean, si Midas lang ang bagay sa ’yo. Siya lang ang nakikita kong perfect para sa rule na hinahanap mo.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. Bagay? Bagay kami ng damuhong ’yon? Ugh, no! Napailing ako. “No, we’re not, Madam Nanc
Read more
CHAPTER 15
“MAGKAKILALA po kayong dalawa ni Midas, lolo?” kinakabahang tanong ko. Suddenly, a smile appeared on lolo’s lips again when he looked at me. “Yeah, apo,” sagot nito. “Siya ang tumulong sa akin no’ng nakaraan. Hindi ba, hijo?” tinapunan pa nito ng tingin si Midas. Tumango naman siya sa lolo ko. “Opo, Sir.”I felt like the dread in my heart suddenly disappeared when I saw their smile on each other.Oh! Akala ko pa naman ay hindi maganda ang kung ano mang nangyari sa kanilang dalawa dati dahil biglang naging seryoso ang hitsura ni Lolo Amadeo kanina. “Siya ang tumulong sa akin nang nakaraan. Nasiraan kasi ang kotse ko habang pauwi na ako. And luckily, Midas helped me,” sabi pa ng abuelo ko. “Oh, what a small world? Ikaw pala ang boyfriend ng apo ko?” Nakangiting lumingon sa akin si Midas at hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa braso niya. Parang feeling ko nga ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso nang maramdaman ko ang masuyo niyang paghimas-himas sa ibabaw ng palad ko.
Read more
CHAPTER 16
MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatuon ang buong atensiyon ko sa pagmamaneho. Pabalik na kami sa bahay ni Midas. Since sinundo ko naman siya kanina sa bahay niya, obligasyon kong ihatid siya ulit pauwi. “Ayos ka lang ba?” Narinig ko ang tanong niya. I wanted to look back at him, but I stopped myself. Ewan ko ba sa sarili ko. I’ve been feeling annoyed for a while now, and I don’t understand why I feel this way. Earlier while we were eating, I noticed Selena’s flirting with him, which seemed to be okay with him even though lolo was with us. Ugh! I don’t understand myself. I felt like I’m jealous even though I have nothing to be jealous of. “Kanina ka pa panay buntong hininga riyan! May problema ba?”“I don’t have a problem, Midas,” aburidong sabi ko.From the corner of my right eye, I saw him staring at me. It’s like he’s studying my facial expression right now. “Will you please stop looking at me like that?” naiinis na saad ko sa kaniya.Paano naman
Read more
CHAPTER 17
MULA sa kinatatayuan ni Midas, nangunot ang kaniyang noo nang makita niya si Jass Anne na nakaupo sa bar counter. Naka-side view ang dalaga, at medyo dim ang kulay ng ilaw sa kinaroroonan nito, pero sigurado siyang si Jass Anne nga ang nakikita niya ngayon. “Bro, tara! Sa VIP room tayo.” Nilingon niya saglit ang kaibigan. “Sige. Susunod ako,” wika niya. Nang muli siyang mapasulyap sa direksyon ni Jass Anne, nakita niyang umiinom ito sa shot glass. Nagbuntong hininga siya at naglakad palapit dito. Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng apat na araw ay makikita niya ulit ang dalaga. Tapos doon pa sa bar kung saan sila unang nagkita dati.Tatlong araw na siyang nag-iisip kung okay pa ba ang trabaho niya sa dalaga kasi pagkatapos nang ipinakilala siya nito sa lolo nito ay hindi naman na ito nagpakita sa kaniya. Hindi niya rin naman alam ang cellphone number nito kaya hindi niya ito matawagan. Sa huli ay wala siyang ibang ginawa kun’di ang maghintay na puntahan siya nito para gawin ulit
Read more
CHAPTER 18
BIGLA akong nagmulat ng aking mga mata. Pero nang makaramdam ako ng kirot sa sentido ko, napapikit akong muli at mahinang napadaing. I gently massaged my forehead.My God! Parang feeling ko ay binibiyak ang ulo ko ngayon sa sobrang sakit. It seems like I drank too much last night.Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Muli rin akong nagmulat ng aking mga mata. Later, my eyebrows furrowed as I realized the room was not familiar. But when I saw the black curtain on the window, I suddenly remembered Midas. What? Nasa bahay niya na naman ako nakatulog?That means, he helped me last night habang nasa bar ako?Oh, Jass Anne! Iiwasan mo na dapat ang lalaking ’yon dahil sa nangyari kahapon, pero ngayon nandito ka na naman pala sa bahay niya!Mula sa pagkakatagilid ko, tumihaya ako at napatitig sa kisame. But suddenly my eyes widened when an arm hugged me, at may dumantay na paa sa mga hita ko.Halos lumuwa ang mga mata ko nang pagkatingin ko sa may tiyan ko, braso
Read more
CHAPTER 19
“IHAHATID na kita!”Napasulyap ako sa kaniya. Kalalabas ko lang sa kuwarto niya dahil kinuha ko ang bag at ang damit ko. I’m still wearing his clothes. May dahilan na naman ako para magkita ulit kami. Para isauli sa kaniya ang damit niya. “Um, no need. I can drive.”“Ihahatid na kita. Wala naman akong pasok ngayon, e!” “But—”“Gusto ko lang siguraduhin na safe kang makakauwi sa inyo.”Napamaang ako dahil sa sinabi niya. What did he say? He wants to make sure I get home safely? “Why?” iyon ang nanulas sa bibig ko. Nagkibit siya ng kaniyang mga balikat. “Dahil ayokong mapahamak ka. Hindi pa tapos ang trabaho natin, hindi ba?” Natawa ako nang pagak dahil sa sinabi niya. But deep inside of me... Iba ang ini-expect kong sasabihin niya.Oh, Jass Anne! At ano naman ang ini-expect mong sasabihin niya? E, hindi ka naman niya gusto. Remember, may girlfriend siya. Kahalikan niya pa nga lang kahapon, e!Bumuntong hininga ako. “Okay, fine. If that’s what you want.” Pagkasabi ko niyon, kaagad
Read more
CHAPTER 20
TINITINGNAN ko lang si Midas habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa buong sala namin. He was sitting on the single couch, while I was sitting on the long couch. Mama was also on a single couch looking at Midas, just like me. “So, ano ang trabaho mo?”Napatingin naman si Midas kay mama nang tanungin siya nito. Oh! I just hope mama doesn’t react if she finds out about Midas’ job. I mean, kilala ko pa naman ang ugali ng nanay ko. Masiyado pa naman itong exaggerated pagdating sa mga bagay-bagay.“Um, sa talyer po ako nagtatrabaho, ma’am.”Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Mama. Pero hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura nito. “Sa talyer? You mean, vulcanizing shop?” Tumango naman si Midas. “Opo, ma’am.”Lumingon sa akin si Mama. “Seriously, Jass Anne?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.“Ma—”“Maghahanap ka na man lang ng lalaking magpapanggap na boyfriend mo, isang trabahante pa sa talyer ang napili mo!”“Mom, please watch your words,” sabi ko. Sinulyapan ko
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status