Few minutes later, nagsalita na ang Emcee at sinabing mag-umpisa na ang graduation rights. Ilang minuto nalang at ga- graduate na ako. Sa wakas nagbunga din ang paghihirap ko bilang estudyante, sobrang saya naming dalawa ni Mama pero nakakalungkot nga lang at wala na si Daddy para umakyat sa stage. Pero agad ding napawi ang lungkot na naramdaman ko dahil kasama naman namin si Jake at Tita Marie na parehong nakangiti at nakatanaw sa amin. Masaya na kaming nagsiupo sa aming mga upuan. Pagkatapos ng halos kalahating oras, natapos na ang graduation. Paglingon ko sa gawi nila Jake natanaw ko na nandoon na din pala mga kaibigan niya para i congratulate kami. Napuno ng sigawan ang auditorium dahil sa mga hiyaw mula sa mga mag-aaral. Sinenyasan na ako ni Jake na magkita nalang kami sa hallway sa labas ng auditorium. Napansin ko na wala na sa kinauupuan nila sina Mama at Tita Marie, baka nauna na lumabas. Pagkalabas namin ni Astrid ng auditorium, nakatayo na sila Mama at Tita Marie s
Last Updated : 2025-08-09 Read more