Lahat ng Kabanata ng AKALA KO AY LANGIT: Kabanata 51 - Kabanata 60
84 Kabanata
CHAPTER 50
“Oh, bakit ka umiiyak?” pag-alo agad ni Donya Alvina nang makita nitong umiiyak ang batang si Lacey na kalong ni Leia sa likod ng kotse ni Kenneth nang dinaan nila ang mga ito sa hotel.“Nagtatampo lang, Mom. May nakita kasing toy sa nadaanan namin,” si Kenneth ang sumagot sa ina.Magsasalita sana ang bata, pero mabilis na tinakpan ni Leia ang bibig ng anak.“Alvina, come on, let's leave now,” mabuti na lang din at tawag na ng asawang si Don Dionisio sa asawang Donya na nasa isang mas magarang sasakyan. Sabay-sabay silang uuwi sa probinsya, pero magkaiba ang sasakyan nila.“Drive safely, Kenneth,” habilin muna ni Donya Alvina sa anak bago tinungo ang sasakyan ng asawa.Nauna ang kotse ng parents ni Kenneth, nakasunod sila. Tahimik lang pa rin si Leia sa byahe, lalo na nang nakatulog na si Lacey.“Kapag nasa probinsya na tayo ay paninidigan mo pa rin ang sinabi ko na pamangkin mo lang si Lacey. Huwag mo sana akong ipapahiya lalo na ang pamilya ko, Leia. I'll repeat, this is the only th
Magbasa pa
CHAPTER 51
“Nasaan na kayo, Leia, Lacey?” tumulo ang mga luha ni Bryle habang nakatanaw sa kawalan. Pagod na siya sa kalalakad kaya naisipan muna niyang magpahinga. Umupo muna siya sa tabi ng kalsada, pero sa tuwing may dadaan na tao ay ibinababa niya ang sumbrero niyang sout para hindi makita ang kanyang mukha at hindi siya makilala. Hindi siya dapat papahuli, dahil babawiin pa niya ang asawa at anak niya sa gagong Kenneth na iyon.Ang problema, hindi talaga niya alam kung saan siya magsisimula. Nagmistula na nga siyang tanga kanina pa na lakad nang lakad. Hindi naman na siya puwedeng bumalik sa bahay ni Kenneth upang tanungin ulit ang katulong. Sigurado siyang nakatawag na ng pulis ang babaeng iyon.Inilabas niya ulit ang inagaw niyang cellphone sa babae sa bulsa ng hoodie jacket na ipinahiram sa kanya kanina ng kanyang Kuya Edgar. Panay ang tsek niya at baka may tumawag, nag-text, o nag-chat, pero wala pa rin talaga. Mabuti na lamang at full charge ang cellphone.Hanggang sa nakita na lang ni
Magbasa pa
CHAPTER 52
Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw kasi ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kanya."Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth sa kanya nang matapos na ito.Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kanyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan.Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ng matagal si Kenneth."Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kanya."S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin."Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag-alala dahil kapag naging mag-asawa na tayo ay makakalimutan mo rin siya unti-unti tulad nang paglimot niya sa inyo."Hindi siya nagkomento. Naiyuko lang niya ang ulo.Umikot si Kenneth sa kama par
Magbasa pa
CHAPTER 53
"Hello?" Napakabilis ang tibok ng puso ni Bryle na sinagot ang unknown registered na tawag. Umaasa siyang si Leia na iyon. Sana ang asawa na niya ang tumatawag.Ang kaso ay walang sumagot sa kabilang linya."Hello?” ulit niya na napatuwid ng upo, kaso ay wala pa ring sumagot. “Leia, ikaw na ba ‘yan? Mahal, si Bryle ito! Ako ito!"“Hello, sino ka? Bakit nasa sa iyo ang cellphone ng girlfriend ko? Nasaan si Elena?” ngunit boses na ng lalaki sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Bryle at dali-daling pinatay ang tawag. Dismayadong-dismayado siyang napapikit. Halos madurog ang cellphone sa kanyang kamao sa sobrang inis."Lowbat ka?" sabi na naman ng makulit na babaeng katabi niya.Tiningnan lang niya ito.Agad namang may kinalkal sa bag niya ang babae at saka iniabot sa kanya na bagay. "Ito gamitin mo muna.”"Ano ‘yan?""Power bank. Puwede kang mag-charge dito."“Hindi na. Salamat.”“Hindi low batt ang cellphone mo?”Alinlangan man ay tumango siya at ibinulsa niya ulit ang cellphone ni
Magbasa pa
CHAPTER 54
Kumakabog ang dibdib ni Leia habang inaabangan ang sinasabi ni Lacey na balita tungkol kay Bryle.Hawak-kamay silang mag-ina na naroon sa living room ng mansyon. Nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo ang kanyang anak sa pagitan ng mga paa niya."Bryle, asawa ko, ano ba talagang nangyari sa ‘yo?" at paulit-ulit na usal ni Leia sa pangalan ng kanyang asawa. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon na pinangungunahan ng matinding pag-aalala.Nang biglang nag-black out ang TV. Namatay bigla.Takang-taka silang mag-ina. At mas nagtaka pa sila nang makita nilang si Donya Alvina ang may kagagawan niyon. Hinugot nito ang saksakan ng TV at pinutol ang wire gamit ang hawak nito na gunting. Siniran nito ang TV upang hindi na ulit mabuksan.Ngumisi ang inakala nilang mabait na donya. “Starting now, you are not allowed to watch TV o humawak ng kahit anong gadget.”Umawang ang mga labi ni Leia. Takang-taka ang kanyang hitsura. Napayakap naman sa kanya si Lacey dahil natakot ito
Magbasa pa
CHAPTER 55
"Good morning!" ngiting-ngiti si Kenneth nang mabungaran niya ang mukha nito sa paggising niya. Nagising siya sa masuyo nitong halik sa kanyang noo.Tipid lang na ngumiti si Leia sa binata at agad na nilingon ang tabi niya. "Nasaan si Lacey?" tanong niya agad nang hindi niya makita ang anak sa kama."Oh, relax lang. Nasa labas na siya at naglalaro kanina pa. Hindi ka na muna namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo.”Tiningala ni Leia ang wall clock sa silid na iyon. Mag-aalas otso na pala ng umaga. Bigla siyang nakaramdam ng hiya."Sana ginising mo pa rin ako. Nakakahiya sa Mommy mo," aniya."Okay lang ‘yan. Siguro napagod ka sa byahe kahapon kaya nasarapan ka ng tulog.”Napayuko siya ng ulo dahil sa tingin niya ay hindi iyon ang dahilan. Sapagkat ang totoo ay hindi siya nakatulog agad kagabi dahil sa kakaisip niya kung anong buhay ang makakaharap nila ni Lacey dito sa mansyon, at syempre kung ano na ang kalagayan din ngayon ni Bryle.Ang saklap na naghiwa-hiwalay silang pamilya dah
Magbasa pa
CHAPTER 56
"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip.Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo."Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?”“Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang, pero ibibili kita kung gusto mong magkape.”“No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?""Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape.""Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich."Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kanya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil kung wala siguro ito ay hindi niya alam kung saan na siya ngayon pupulutin."Upo ka muna diyan habang nagpiprito ako. Kuwentuhan tayo.” Binuksan ni Sarina ang gas range at nagsalang agad ng palayok. Kumuha n
Magbasa pa
CHAPTER 57
Nilandi agad ni Sarina ang dumating na Don. Hindi siya nagkamali, si Don Dionisio nga ang bisita niya.“Do you want water, honey? Nauhaw ka ba sa byahe?”“Yes, please?”“Okay, give me second. Ikukuha kita,” anang dalaga at saglit na kumawala muna sa pagkakaligkis sa matandang foreigner. Buti na lang talaga at nakakaunawa ito ng wikang Tagalog kahit hirap ito sa pagsasalita.Nagtungo agad siya sa kusina at anong gulat niya nang makita niya ang pinagkapehan at cellphone ni Bryle sa lamesa. Dali-dali niya iyong mga iniligpit. Ang mug ay binanlawan lamang niya at ang cellphone ay itinago sa may cupboard.“Ay!” Na buti na lang nagawa niya agad dahil sumunod pala ang matanda.Sa kusina pa lang ay inumpisahan na nila ang romansahan. Nakaupo ang Amerikano’t may edad nang Don sa dining table at nakakandong naman si Sarina dito na animo’y sawa kung makapulupot."I remember, why did it take you so long to open the door?""Because I didn't know it was you who arrived, honey. Akala ko kung sino la
Magbasa pa
CHAPTER 58
“Bryle, puwede ka nang lumabas diyan.” Pagabi na nang kinatok ni Sarina si Bryle. Nagulat pa ang dalaga dahil biglang labas si Bryle. Pero nang makita niyang dumiretso sa banyo ito ay napabulanghit siya ng tawa."Sorry, ang tagal kasi umuwi ng matandang ‘yon. Sinulit talaga ang pagkikita namin," aniya na sinundan si Bryle."Okay lang, pero grabe ihing-ihi na ako kanina pa. Muntik na talaga akong umihi sa may bintana, eh," wika ni Bryle na nagsi-zipper pa ng pantalon na lumabas ng banyo. "Ang tagal niyo, ah?"Pilyang ngiti ang itinugon ni Sarina. Pagkuwa’y may ipinakita itong makapal na bandle ng dolyar. Malulutong pa. Halatang kalalabas sa bangko ang mga maraming dolyares."Shopping tayo ngayon gusto mo? Para makapagpalit ka na rin ng damit?""Ang dami niyan, ah?""Syempre ginalingan ko kanina. Inubos ko ang t*mod ng matanda kaya tuwang-tuwa," pagmamalaki ni Sarina. Hindi man lang kababakasan ng hiya. Talagang sanay na sanay na ito sa kahayukan at sa mga pagsasalita ng mga bulgar.Nap
Magbasa pa
CHAPTER 59
"M-may tumatawag kanina kaya… kaya nakita ko ang cellphone mo pero hindi naman na tumawag. Tapos… tapos nakitawag na rin ako. Naalala ko kasi si Elena,” kinakabahang paliwanag ni Leia kay Kenneth. Nanginginig ang kanyang mga kamay na ipinakita ang numero ni Elena na nakasulat sa papel.Nagtatagis ang mga ngipin ng binata na humakbang palapit sa kanya at hinablot ang papel. Galit ang mukha na pinunit ng malilit na piraso bago itinapon sa basurahan.Naluha si Leia, pero marahas niyang pinahid ng kamay ang luha sa mukha niya.Alam niya na may pag-asa pa. Aasa pa rin siya ng tulong. Hindi siya mawawalan ng pag-asa.Hindi man palaging langit ang hatid ng akala ngunit sa bawat madilim na ulap, sisikat at sisikat ang liwanang ng pag-asa.Binalingan siya ni Kenneth ng mabangis na tingin. “Bakit? Ano ang usapan niyo ni Elena?”“W-wala.”“Sinungaling!” Halos matanggal ang mga balikat niya sa pagkakayugyog nito nang hawakan siya.“K-Kenneth, na-nasasaktan ako,” daing niya. Halos mahilo rin siya.
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status