“Good morning, manong guard, Ako po yung bagong magtatrabaho? Yung sa lends now pay by power? Ngayon po ang first day ko sa pagbabayad,” sabi ni Rica."Ano yun, Miss? anong kailangan nyo nga po? Mag-a-apply ba kayo sa abroad? Sa labas ang simula ng pila, Miss. Ayun oh, doon po kayo kanina pa po; ang iba rito, mga 5am pa lang po, nakapila na sila sa agency,” sabi ng guard."Ay, hindi po ako aplikante for overseas; nandito po ako para magtrabaho as maintenance para makabayad ng utang,” sabi ni Rica.“Miss, pasensya na, mukhang nalipasan ka na ng gutom. Walang lending dito; hindi kami nagpapa-5’6, Miss. Naku, maganda ka pa naman. Sayang, huwag kang magpalipas ng gutom, Miss. Naku, nakakamorit ’yan, sabi ng guard na busy na kakasalansan ng number.Akala ata nito ay hindi niya naintindihan ang Ilokano word na sinabi nito. Halos gusto nang habutin ni Rica ang antipatikong guard na medyo isang kain lamang ang lamang sa butiki. Abat tawagin ba naman siyang nalipasan ng gutom at malapit ng maba
Read more