“Pakiusap po, Sir Justin. Makikipagkasundo ako. Pipirma ako sa kontrata para sa tatlong gabi. Sa loob ng tatlong gabi, gawin mo ang lahat ng nais mo, ngunit pakiusap… kailangan ko ng labing-apat na libong piso bukas para sa gamot ng aking anak. Alam kong hindi na ako sapat o karapat-dapat, Sir, ngunit baka sa awa mo lang… pangako, gagalingan ko pa, higit pa sa noong unang gabi,” pagsusumamo ni Rica. Tumulo na ang kanyang mga luha, ngunit itinago niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagyuko at dahan-dahang pinunasan ang mga ito. “Oh, F*ck…” Napasinghal nang malakas si Justin sa matinding galit na nararamdaman. Sa kanyang isipan, nag-aagawan ang poot, awa, at isang damdaming ayaw niyang aminin kahit sa kanyang sarili. “Tumayo ka riyan, Miss Almonte. Umuwi ka na!” utos ni Justin habang pilit na inaayos ang sarili. Hinawakan niya ang braso ng dalaga upang itayo ito, ngunit hindi man lang natinag si Rica sa kanyang pagkakaluhod. Biglang tumunog ang telepono ni Rica, ngunit hindi niya
Read more