Sa lahat ng dinanas ni Rica, anong karapatan niya para ipamukha rito ang sakit na nadarama niya? Wala pa sa dami ng daliri ang lahat ng ibinigay na pait sa kanya noong nakaraan, pero sa mag-ina ay sukdulan na. Wala siyang mukhang ihaharap kay Rica ngayon. Wala siyang karapatang mag-demand ng kahit anong paliwanag o kahit man lang magtanong. Paano naganap ang lahat ng ito? Bakit sila pinaglaruan ng tadhana sa ganito kalupit na paraan? At si Rica…. Hindi pa man niya nagagawang pangakuan, mahalin at alagaan, ay kukunin din pala sa kanya. “Dios ko, bakit ang lupit mo? Anong nagawa ko para parusahan mo? Tulad ni Rica, biktima kami ng gabing iyon. Gabing ikaw din naman ang may planong magtagpo kami, hindi ba?” Kausap ni Justin sa Diyos na pinaniniwalaan niyang siyang may plano ang lahat. “Kung totoo ngang nariyan ka, Diyos ko, kung totoong ito nga ang kapalaran ko, sige, tatanggapin ko, pero makikiusap ako. Para mo nang awa, hindi mo na ako binigyan ng pagkakataon. Mahigit dalawang taon ang
Read more