"F*ck you Kerby……”Sabi ni Justin, saka mabilis na hinanap ang hagdan at mabilis na umakyat patungong 6th floor.“Rica…. Benok…” Bati ni Kerby na hinihingal, paalingon-lingon ang binata kung nakasunod na sa kanya si Justin.“Ay, Papa Kerby, you’re here na… aaayy, busog na ako, dai, ngiti pa lang niya, ulam na eh,” sabi ni Benok na payakap pang sinalubong si Kerby, pero nilagpasan lamang siya at dumiretso sa babaeng diosa na nakaupo sa kamay.“Haay, Benok, wala ka kasing kepay kaya magdusa ka,” bulong na lang ni Benok, pero napangiti naman nang mabilis na hinawakan ni Kerby ang kamay ni Rica.“I’m so sorry, nasa conference ako sa Cebu nang tumawag si Benok sa Maynila ko na nabasa ang msg niya kaya….” Pinutol ng paghawak ni Rica sa mukha ni Kerby ang sasabihin pa sana nito.“Rica, my labs, ’wag mo akong hawakan nang ganyan, hahalikan kita dito kahit may bantay ka,” bulong ni Kerby na kinilig sa paghawak ng mukha ni Rica. Tagpong inabutan ni Justin, pero bigla rin napatago si Justin.
Read more