MasukBagama't kaedad at halos kababata na, anak pa rin ito ng amo ng kanyang ina. Bagama't hindi siya sakop sa authority nito, ay binilinan naman siya ng kanyang ina na maging masunurin at marespeto sa mga tagapagmana.Hindi nga kumilos si Perla sa kinatatayuan.
Naghintay siya hanggang matapos ang amo.
Sadyang maloko at mabiro ang bunso ng mga Villafuerte kaya naman parang sinasadya nitong tagalan pa ang pagkampay-kampay habang nakasampa ang kalahating katawan sa sanga ng punong Karogkog na nakadapa sa gilid ng tubig.
Pagkatapos ng halos isang oras na lumangoy na ito sa malalim na bahagi at doon mas lalong nagtagal..
Inis na si Perla, pero wala siyang karapatang magreklamo at lalong wala siyang karapatang paalisin ito sa batis na pag-aari nito.
Maya-maya ay naramdaman ni Perla ang paggapang ng malamig at madulas na kung ano sa paa niya, kaya nagtitili si Perla.
"Ahas… ahasssss!!"Sigaw niya, pero hindi kumikilos si Perla sa takot na tuklawin siya kapag gumalaw siya.
Ipinikit na lamang ni Perla ang mata saka umusal ng "Angel of God" na para bang katapusan na niya.Sana ay kusa na lang itong umalis kapag tuod siya. Pero halos himatayin si Perla nang maramdamang pulupot pa sa paa niya ang malamig na madulas na iyon.
Narinig naman ni Darwin Zai ang malakas na sigaw ng anak ng kanilang cook. Malinaw ang narinig niyang sigaw nito.
Ahasss...ahassss.. Tumawa lamang si Zai.
"Okay din ang gimmick ng isang ito. Ahaha !Paano magkakaahas dito?" Sabi ng binatilyo.
Tinapunan niya ng nakakalukong ngiti si Perla, saka siya lumangoy palapit dito mula sa kabilang pangpang.
Aasarin niya ito. Gusto niya itong inaasar kahit noon pang bata sila.Masarap itong asarin dahil pikon ito at tumitirik pa ang mata sa inis, kaya mas nakakatuwa.
Pero nang malapit na siya, nakita ni Zai na namumutla ito na tila naninigas. Nakita pa niyang pumikit ito na tila nagdadasal at halos naninigas sa pagkakatayo sa damuhan.
"Anong problema niya?"
"Ahahaha, baka na-je-jerbaks na hindi lang makaalis dahil sa sinabi ko.May katangahan ba to?"Sabi ni Darwin Zai.
"Hoy… sige na, umalis ka na. Bumalik ka na sa Hacienda, doon ka na lang maligo, at ilabas mo na rin ’yan, baka dito pa ’yang sumabog, eh."
Sumiklab ang galit at buwesit ni Perla sa among lalaki, pero hindi niya magawang kumilos.Tumulo na ang luha niya sa takot.
Napansin naman ni Darwin iyon.
"Paiyak-iyak pa 'to, huwag mo akong isusumbong sa nanay mo. Wala naman akong ginagawa sa'yo, ha." Sabi ni Zai.
"Gusto mo ba talagang maligo? Okay, fine, sige, lumublob ka na. Tapos na ako.Bumaba ka na at....."
Napatda at napakatigil sa pagsasalita si Darwin Zai. Nakita kase niya ang dahilan ng hindi pagkilos ni Perla. Saktong gumalaw ito nang umahon siya at mabilis na pumulupot ito sa paa ng dalagita.
"Pearl... Don't you dare move. 'Wag na 'wag kang gagalaw. Naiintindihan mo ba ako, ha?" Bilin ni Darwin.
Tumingin sa mga mata niya si Perla at ginamitan siya ng mapupungay nitong mga mata. Ewan ni Darwin kung ano ang meron sa sandaling iyon, pero nawala ang ngiti sa mukha ni Darwin. Maging siya ay namutla.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya nang makitang may ahas sa paa ng dalagita at posibleng matuklaw si Perla. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng takot.
Umahon na nang tuluyan si Darwin. Wala siyang pakialam. Alam kong naka-boxer brief siya. Ang mahalaga kay Darwin ay ang matulugan si Perla.
Dahan-dahang lumapit si Darwin, pero umiling-iling si Perla na ang ibig sabihin ay huwag siyang kumilos.
Pero nanahan na ang takot at pag-aalala kay Darwin at parang hindi niya kaya ang manatiling nakatayo lamang habang nasa panganib si Perla.
Itinuloy pa rin niya ang psghakbang peeo kahit aning ingat at dahan dahan niya nardan ng hayop naailap sng. Ang pagkilos niya ang dahilan para mabolabog ang ahas na nakapulupot sa paa ni Perla. Laking gulat ni Zai nang umagat ang ulo ng ahas at bumuka ang bibig nito.
"No..!!" Saktong pagdakma ni Zai sa ahas ay nakagat na nito si Perla. Agad itong hinablot ni Zai saka kumuha ng bato at pinukpok ang ulo nito. Nang mawalan ng buhay ang ahas, ay ibinalibag niya ito sa sobrang galit. Maliit lang ang ahas, pero abot hanggang talampakan ang galit ni Zai , pati yung takot niya, kasing lalim ng ilog, at hindi niya iyon maintindihan.
Agad niyang sinaklolohan ang noon ay umiiyak na si Perla na napasalampak sa damuhan habang hawak at pisil-pisil ang binting may kagat ng ahas. Agad sinaklolohan ni Zai si Perla. Nanginginig man ang mga kamay, hinablot ni Zai ang laylayan ng bestida ni Perla, pinunit ito nang maliit, saka mahigpit na itinali sa itaas na bahagi ng kanyang sugat.
Wala itong kibo, basta lamang kumikilos, bagama't nanginginig ang kamay, pero madilim ang mukha ni Darwin na tila galit o nag-aalala.
"Don't worry, sweetheart. You will be fine. Please, don't cry. Tama na, ha. Halika na, sumampa ka na sa likod ko. Kailangan kang dalhin sa doktor."
"Huwag na po, senyorito. Pagagalitan ako ng Inang kapag sa doktor ako dinala.
"Okay, ako na ang bahala. Sige na, sampa na, baka umakyat na ang kamandag ng ahas kung meron man"
nang aalalang sabi ni Zai.
Wala na ngang nagawa si Perla kundi ang sumampa sa likod ni Darwin.
Pagkatapos ay agad siyang itinakbo sa albularyo sa labas lamang ng hacienda.
Nakahinga lamang nang maluwag si Darwin nang sabihin ng albularyo na ahas-dahon lamang ang nakatuklaw sa dalaga base sa paglalarawan nila. Nangangagat daw ito pero mahina ang kamandag
Doon pa lamang, parang bumalik ang kulay sa mukha ni Darwin na kanina pa putlang-putla.
Hinatid ng binata si Perla sa bahay ng mga ito habang nakaspa pa rin sa likod ng binata. Sabi nito sa kanya ay ito na ang magbabalita sa insng niya sa nangyari.
"Magpahinga ka, Pearl.Sorry ulit, sana pinalubog na agad kita sa tubig .Hindi sana ito nangyari."
Sabi ni Zai.
"Hindi mo naman kasalanan; ako dapat ang hindi nagpunta roon," tugon ng dalagita.
"Kahit na. Ako pa rin ang dapat mag-isip nang matino" Sabi ni Zai na nagpaalam na sa kanya at sumenyas ng goodbye sa nakababata niyang kapatid.
💥EPILOGUE💥"Dada..dada..." sigaw ni Zairus na agad pumasok.Kasunod ang Senyor na wala na sa wheel chair pero may suporta pa ring ng tungkod."Madalas ka ng nakakaistorbo baby ko ha"Sabi ni Zai at pinanggigilang yakapin ang batang anak niya pala talaga. Alam ng puso niya dahil nararamdaman niya yon ng unang yakapin pa lang si Zairus.Tumingin siya kay Pearl saka umusal ng i love you ng wala na namang tunog."So okay na ha tuloy na ang kasal.Bilisan nyo. At Darwin asikasuhin mo agad na mailipat sa apelyido mo ang apo ko" sabi ng matanda. Sabay na nagulat ang dalawa."Paano nyo nalaman Pa?" naisip ni Darwin na baka kumilos na at pinagkalat na ni Beth."Aba unang kita ko pa lang sa bata noong manhikan ay alam ko na. Ganyan na ganyan ka noong magtatatlong taon ka eh.Ikaw lang itong bulag eh" sabi ng matanda."Hindi na po kailangang asikasuhin ang pangalan ni Zairus dahil Zairus Raeil Villafuerte po ang Birthname ng anak ko" sabi ni Perla."Teka anak natin sweetheat" pati ang Senyor ay n
"Zai.....I'm so sorry..." Umiiyak na sabi ni sabi ni Perla pero muling napasigaw ng bumulagta ulit si Darwin sa lupa."Zai... Zai...Oh God Hindi..Zai..Zai..wag mo akong iiwan please Zai.."Humagolhol na si Perla.Dahil kahit anong yugyug niya kay Darwin ay nanatili itong nakapikit."Okay na pinapatawad na kita.. bumangon ka na please.. sorry na kung nagduda ako sorry na kung nawala saglit ung tiwala ko.Pero hindi nagbago ang nararamdaman ko Zai...mahal na mahal kita Zai..mula pa noong unang halikan mo ako sa batis.Nilaan ko na ang sarili kong sayo lang ako. Kaya sinuko ni pumpkin ang lahat ng gabing iyon dahil si Zai ang lalaki yun. Kaya hindi ko tinaggap ang pera hindi para insultuhin ka Zai. Hindi ko kinuha yun dahil para kay Zai talaga ang katawang inangkin niya ng gabing iyon""Zai...Zai....please I'm sorry wag mo kung iwan.Wag mo akong iwan.Ang tagal kitang hinintay..Kay tagal kitang hinintay.Mahal na mahal kita Zai..I'm sorry... I'm sorry...."Yabag ng ilang kabayo ang narinig n
"Hiyaaaaa... Habol ni Darwin sa kabayong kulay Brown na kinasasakyan ni Perla. Sa likod ng hacienda ito tumakbo na isang malawak na palayan."Pear.. Pearl.. Yumuko ka yumakap ka sa ulo ng kabayo please Baby please listen to me" sigaw ni Darwin habang hinahabol si Perla. malawak ang lupain ng mga Villafuerte sa likod ng hacienda. Doon din kadalasang iniinsayo ni Darwin ang kabao ni Drei. kabisado niDarwin ang lugar pero hindi ito kabisado ni Drevor at ni Perla.Hanggang sa nakita ni na bumagal ang kabayo ni Perla pero nagwawala at sumikad sikad ito at pilit inilaalglag si Perla.Umaangat pa ang dalawang paa nito para lamang mailaglag ang nakasakay sa kanya. Ganito ang mga wild na kabayo kapag ayaw magpasakay. Mataas ang dahil nga Stallion Breed ito at kapag nakabitaw si Perla sa maburol na lugar na iyon titilapon ang kasintahan at mapapahamak si Perla.Kailangang tumakbo ni Drevor para hindi ilaglag si Perla kailangang tumakbo ni Devor.Mas Safe kung tumatakbo ang kabayo."Sweetheart li
Mas Lumapit pa si Beth kay Darwin sa anticipasyun kung ano ang iagagawa nito kapalit ng isang milyon."Gusto kong ipakalat mo ngayon sa simbahan o kahit mamaya sa reception ang isang kong sekreto. Ipapakalat mo na ako ang lihim na kasintahan ni Perla noon sa Maynila at ako ang ama ng anak nito na inilihim lang namin dahil ayaw ng ina ni Perla sa akin noon. Dahil aah bahala ka nang mag imbento ng dahilan""Aah so Ikaw pala ang totoong ama ni Zairus kaya pala hawig kayo?"Daldal ni Beth.Naakunot ang nono ni Darwin at tila may bumundol sa dibdib.Siguro pangatlong tao na si beth na nangsabing hawig sila ni Zairus. Gusto pa sanang usisain ni Darwin ang babae at tanungin ng ilang bagay kung bakit nito nasabi ang ganun pero angmamadali na si Darwin dahil sa kanyang kasal kaya binalewala muna niya ang mga agam agam.Naramdaman na rin nia ang ganung pakiramdam ng yakapin si Zairus.Siguro ay excited lamang siyang maging ama ng bata ng tulayan at siguro kaya nasasabi ng mga tao ang ganun ay da
Napahawak sa dibdib si Perla nangangatog na ang tuhod niya sa takot."Bakit ngayon pa bakit ngayon pa. Oh Dios ko po wag naman po sana.Sasabihin ko naman uunti untiiin ko Please pakiusap wag naman sana ngayon" panalangin ni Perla.Muling nakinig si Perla sa usapan. Kialngan niyang marinig ang lahat. Gustong gusto ng lumabas ni Perla sa tinataguan, gusto na nilang isiwalat ang lahat mas mabuting sa kanya marinig ni Darwin pero hindi makagalaw sa kinatatayuan si Perla."Tulad ng sinabi ko sa noon sa Resto.Alam ko na kong nasaan si pumpkin Sir Darwin" Sabi ni Beth."Dapat mong malaman na si pumpkin ay si....." Pinutol ni Darwin ang sasabihin pa ni Beth."Ay si Perla? matagal ko ng alam Beth huli ka na sa balita" Sabi ni Darwin.Shocke si perla sa narinig, parang nangapal ang mukha niya nat nanigas ang lahat ng kalamnan.Napahagulhol si Perla sa kinukublihan mabuti at natakpan niya agad ang kanyan bibig. Upang lumikha ng ingay. kainan ay nais niyang lumabas at harapin si Darwin pero ngayon
Tatlong araw bago ang kasal ipinagpaalam na ni Darwin si Perla na iuuwi na sa hacienda ng lubusan at doon na maninirahan. Kasama ang anak nito. Hindi naman na daw uso ang pamahiin na dapat na hindi magkita ang mag asawa bago ang kasal. Kung tutuusin nga ay hindi pumayag si Darwin na hindi tumabi sa mag ina ng gabing iyon bago ang araw ng kasal. Yun nga lang hindi nakapalag sa pagapang ang kamay ni Darwin dahil nasa gitna si Zairus nagsisi siyang hindi agad sinanay sa guest room ang bata.Kung dati ay doon lamang natutulog sa silid ni Darwin at umuuwi din naman ngayon ay tuluyan ng lumipat si Perla at kaharap na nila Kycee at Senior sa almusal. magkaakbay na rin silang namamasyal at kung minsan ay nangunguha ng gatas ng kalabaw. Hindi pa rin maiwasan ni Perla na ang dating mga tauhang kasama niyang yumuyuko sa mga amo at Perla lamang ang tawag sa kanya ngayon ay Senyorita Perla na.Nakakataba ng pusong parehas na sila ni Kaycee ng katayuan. Ang dating pangarap lamang niyang noon na
Nakaboxer si Darwin matulog. Padapa habang nag e scroll ng cellphone alam niyang malabong mag text o tumawag sa kanya si Perla kahit binigay niya ang number niya dahil baka tulog na ito. Pero ewan ni Darwin pero para siyang tangang umaasa.Parang siyang tangang alam ng wala ay naghihintay pa rin. Ip
Muntikan pa masobsob si Perla sa bato ng marinig ang miss kita na sinabi ng binata. Dios ko para ulit siyang si Perla noong 16 siya na halos mamilipit siya noon sa kanila ng umuwi matapos siyang e mouth to mount ni Darwin noon.Inabot sa kanya ni Darwin ang biniling almusal at mga prutas at mabilis s
Tumugon si Perla sa halik ni Zai ipinaramdam niya sa binata ang pagka miss at pagkasabik sa lalaking tanging minahal. Yumakap na sa bewang ni Perla si Darwin at mas idinikit ang katawan ni Perla sa kanya. Gumapang ang halik ni Darwin sa tenga at leeg ni Perla bago ito bumalik sa bibig at isa pa mul
"Hoy natulala ka na dyan? Wag mong sabihng umaasa ka pa dyan Perla. Mahiya ka nga napakalayo ng agwat ninyo at malabong matanggpa ka ni Senyor. baka nga ipatapon pa tayo sa Basilan kapag nadawit ang pangal ni Darwin sayo""Lumayo ka at manantili ka lang dito maliwanang ba? Hintayin mo at kinokontak k







