Все главы The Run Away Fiancee.: Глава 21 - Глава 30
88
Chapter 21
Lumipas ang ilang linggo na naging maayos ang pamumuhay ni Leslie sa bahay ng mga Alarcon. Hanggang sa tuluyan ng gumaling ang mga binti ng dalaga at maayos na kahit papaano ang paglalakad ni Leslie a.k.a Dianna. Sa ilang araw na pananatili niya sa bahay nila Dave ay naging panatag siya dahil napag alaman niyang wala na sa Cebu ang lolo at lola niya ganun din si Danilo na bago pa nakaalis sa Cebu ay ipinabugbog pa nila Maynard at Don Menandro na ikinapagpasalamat na rin niya dahil hindi pinatay ng mag lolo ang pamilya niya. Pero nagbanta pa rin daw si Maynard na babalikan siya kapag nakita siya nito. Ang sabi sa kanya ng kanyang pinsan na si Danilo na kasalukuyan ng naninirahan sa bahay niya sa pasay kasama ang mga elders nila. Hindi niya pa rin sinabi kung nasaan siya for the safety na rin at ang importante naman ay nasa maayos siyang kalagayan na ikinapanatag ng loob nila Danilo. Madalang siyang tumawag sa pinsan dahil ang nais nito ay ito na muna ang tatawag sa phone ni Grace ka
Читайте больше
Chapter 22
Hapon na ng mapagpasyahan ni Leslie na bumiyahe na sila patungo sa bahay niya sa pasay kung saan naghihintay na sa kanya ang kanyang mga elders at ang pinsan niyang si Danilo. Nakausap na niya kanina ang kuya Danilo niya matapos niyang makapagpaalam kay misis Alarcon. Nasabihan na rin niya si Danilo na kausapin ang mga lolo't lola niya sa kanyang pagdating na kasama ang tumulong at nagkupkop sa kanya sa loob ng ilang linggo nung hindi pa siya makalakad ng ayos. Wala kaseng mga alam ito at ipinalihim niya sa kanyang pinsan ang tungkol sa aksidente niya, pati na rin ang kunwareng amnesia niya. Ayaw niya kase na baka maguluhan pa ang mga matatanda kung may masabi man si misis Alarcon sa kanyang elders. Magpapaliwanag na lang siya kapag sila-sila na lamang ang magkakasama. Hindi naman siya nangangamba na mapapagalitan siya ng kanyang lola dahil alam niyang maiintindihan siya nito sa kanyang ginawang pagsisinungaling.Bago sila umalis sa mansion ng mga Alarcon ay nagtaka pa ang ginang s
Читайте больше
Chapter 23
"Miss, saan ka?" tanong ng konduktor ng driver ng bus sa kanya. Alisto naman niyang sinabi kung saan ang tungo niya at tiniketan na siya nito. Nag abot siya ng bayad at sinuklian siya at saka lumipat sa ibang pasahero ng bus ang konduktor.Madaling araw pa lang ng magpahatid siya sa kuya Danilo niya, hindi siya iniwan nito doon hangga't hindi pa nakakaalis ang bus sa terminal.Hindi na nila ginising pa ang dalawang matanda ng umalis siya ng bahay. Alam naman na din ng mga ito ang pag alis niya dahil nakapagpaalaman na sila bago natulog.Hindi naman siya nakatulog dahil marami siyang naiisip kagabi. Ang pagbyahe niya sa lugar nila Dailyn, ang tungkol kay Maynard at kasama na roon si Dave.Huli niyang nakita ang lalaki nung dumalaw ito sa sementeryo na nagkataon na nandoon din sila at naalala niya pa kung paano siya na aya ng mommy ni Dave na sumama doon.FLASHBACKMagkasalo na nagtatanghalian sina Diana o Leslie at si misis Alarcon ng maalala nito ang manugang dahil sa ulam na nakahai
Читайте больше
Chapter 24
Isang buwan ang matulin na lumipas magmula ng manuluyan si Dave sa condo ng kapatid niyang si Dion. Ngayon ay babalik na siya ng mansion dahil ang hudyo niyang kapatid ay biglaan na umuwi kasama ang nobya nito. Nasa opisina pa siya ng tumawag si Dion sa kanya at ipinaalam nga sa kanya na nasa condo ito kasama ang girlfriend. Ayaw naman niyang makasagabal sa dalawa kaya pagkatapos niya sa opisina ay dumiretso na siya sa bahay nila.Kasalukuyan naman na naghahapunan ang kanyang mommy ng dumating siya ng bahay. Hindi naman kase din siya nag abiso rito na uuwe siya. Nagulat pa ang mommy niya ng makita siyang pumasok sa dining room.."Hi mom! Sakto ang dating ko ah, di pa ko naghapunan." lumapit si Dave sa ina at humalik sa pisngi nito."Bakit narito ka?" walang emosyong tanong sa kanya ng ina."Grace, maglagay ka pa ng isang plato rito at kakain din ang senyorito Dave nyo." utos ni misis Alarcon. Naupo naman sa tabi ng ina si Dave pero parang may hinahanap ang mga mata nito na hindi nak
Читайте больше
Chapter 26
"Kumusta ang first day sa work? Nahihirapan ka ba?" aning tanong ni Clarence kay Leslie.Kasalukuyan nagmomonitor sila ni Leslie sa mga tauhan ng bar at naipakilala na siya nito kanina pagkarating niya."Okay naman! Thanks nga pala sa pag alalay Rence. Mabuti at narito ka pa, sana ay matutunan ko agad ang trabaho ko rito para hindi na kita maabala pa. Parang supervisor din pala ang pagiging assistant manager noh? Hindi rin naman nakakapagod, kaso lang puyatan dahil sa oras ng trabaho pero alam ko naman makakaya ko ang night shift na work." ani ya sa lalaki."Ganyan talaga sa mga ilang unang araw sa trabaho, mangangapa ka talaga pero mabilis ka namang turuan baka nga wala ka pang isang linggo gamay mo na ang lahat dito." wika ni Clarence sa kanya."Ingat ka nga rin pala sa mga makakasalamuha mo rito ah lalo na at babae ka. Maraming lalaki na maaring magkagusto sayo o matipuhan ka. Isa pa sa nature ng work natin dapat matapang ka at hindi ka nagpapaintimidate sa mga costumer na pumapari
Читайте больше
Chapter 25
Sa tapat ng bahay nila Leslie ay ipinarada ni Dave ang kanyang kotse. Ilang minuto na rin na nakapark ang sasakyan niya doon at sa loob ng kotse ay panay naman ang paghinga niya ng malalim at sulyap sa bahay kung saan nakatira ang babaeng pakay niya sa lugar na iyon.Nagbabakasakali siya na matatanaw niya ang dalaga na lumabas ng bahay nito dahil napapangunahan siya ng hiya na magdoor bell o kumatok sa bahay nila Leslie. Samantalang kaninang umaga paglabas niya ng kwarto ay nagdiretso siya ng lakad sa living room nila na naroon na ang mommy niya na inaayos ang mga bulaklak sa flower vase na nakadisplay sa center table at side table ng buong sala nila. Binati niya pa ng magandang umaga ang ina at nagbalik bati rin naman ito sa kanya ng good morning. Hindi na nga sya nagpatumpik- tumpik pa at hiningi niya ang address ng bahay nila Leslie kaya napangiti pa ang mommy niya sa kanyang sinabi dahil halatang excited siyang puntahan ang babae. kumuha agad ito ng papel at ballpen at isinulat a
Читайте больше
Chapter 26
"Kumusta ang first day sa work? Nahihirapan ka ba?" aning tanong ni Clarence kay Leslie.Kasalukuyan nagmomonitor sila ni Leslie sa mga tauhan ng bar at naipakilala na siya nito kanina pagkarating niya."Okay naman! Thanks nga pala sa pag alalay Rence. Mabuti at narito ka pa, sana ay matutunan ko agad ang trabaho ko rito para hindi na kita maabala pa. Parang supervisor din pala ang pagiging assistant manager noh? Hindi rin naman nakakapagod, kaso lang puyatan dahil sa oras ng trabaho pero alam ko naman makakaya ko ang night shift na work." ani ya sa lalaki."Ganyan talaga sa mga ilang unang araw sa trabaho, mangangapa ka talaga pero mabilis ka namang turuan baka nga wala ka pang isang linggo gamay mo na ang lahat dito." wika ni Clarence sa kanya."Ingat ka nga rin pala sa mga makakasalamuha mo rito ah lalo na at babae ka. Maraming lalaki na maaring magkagusto sayo o matipuhan ka. Isa pa sa nature ng work natin dapat matapang ka at hindi ka nagpapaintimidate sa mga costumer na pumapari
Читайте больше
Chapter 27
"Good morning, senyorito Dave. Pinapatawag po kayo ng mommy n'yo, na sa garden po si senyora." pagsalubong na bati sa kanya ng kasambahay nilang si Grace habang pababa siya ng hagdan."Good morning si Mommy lang ba ang naroon?" bati at tanong niya kay Grace."Opo senyorito Dave, si senyora lang ang naroon." at nag lakad na nga siya papuntang garden kung saan naroon daw ang kanyang mommy.Nag aayos ng halaman si Digna ng dumating si Dave na ipinatawag niya kay Grace kanina."Morning mom! Pinatawag mo raw ako!" bati niya sa ina. Sabay halik pa sa pisngi nito."Morning, Ah yes, pinatawag nga kita iho!. Mamaya kailangan kong magpunta sa bahay ng iyong tito Israel inaasahan ako ng tita Rose Marie mo sa kanila. Problema iho wala si Bert ngayon para ipagdrive ako. Nagpaalam kanina na uuwi na muna raw sa kanila at isinugod ang asawa sa ospital. Alangan naman na hindi ko payagan ang driver natin family matters yon at emergency!" ani pa ni Mrs Alarcon sa anak."Paalis na rin ako mommy, patungon
Читайте больше
Chapter 28
Sa isang Clubhouse ng isang kilalang subdivision sa bayan nila Edward ginanap ang foundation na inorganisa ni Dailyn kasama ang ilang member ng mga konsehal ni Mayor Cristobal. May mga inimbitahan din sila Dailyn na mga negosyante na willing na magbigay ng tulong o donation sa mga bata at matatanda na kapus palad sa lugar nila. Ang porpose ng foundation ay makapagpatayo ng panibagong shelter na pwedeng pagsamahin ang mga sanggol na iniwan ng magulang at mga matatanda na wala ng maasahan na mga kapamilya na titingin sa mga ito. Hindi naman kase lahat ay pinapalad sa pagkakaroon ng mga kamag anak na may mabubuting puso.Nang makarating sina Leslie at Clarence ay may ilan na ring mga bisita na naroon. Hindi naman naiilang si Leslie dahil sanay na siya sa mga ganoong okasyon. Noong college days nya madalas naman siyang mag volunteer sa mga foundation na katulad ng iniorganisa ng kaibigan niyang si Dailyn.Natutuwa siyang makita si Dailyn na busy na busy sa pag iistima nito sa mga ka memb
Читайте больше
Chapter 29
Nagsisimula na ang host na ipakilala ang ilang member ng foundation para sa event ng makabalik na sila sa kani-kanilang mga upuan.Magkakasama sa iisang lamesa ang magkakaibigang sina Colton, Clarence at Dave kasama ang mga ka date nila. Except sina Dailyn at Edward na nasa itaas ng stage nakaupo.Naipakilala na rin ni Clarence si Leslie ng pormal kina Colton at sa dalawang babae na kasama ng mga kaibigan.Kasalukuyan naman ng iniintroduce ng emcee ang mga nagdonate at nagparticipants para sa ginawang garage sale ng grupo nina Dailyn upang makalikom ng malaking pondo para sa foundation na sinuportahan ng mga kakilala at malalapit na kaibigan na mga naroon upang pasalamatan.At dahil isa sina Colton, Dave at Clarence na malaki ang naiambag ay isa isa sila na pinaakyat ng stage at pinagspeech na rin sa harap ng mga dumalo sa event.Nang si Dave na ang tinawag at tumayo upang umakyat sa stage ay nakita ni Leslie ang pagtayo rin ni Nathalie at inayos ang suot na suit ni Dave. Nag iba siya
Читайте больше
Предыдущий
123456
...
9
DMCA.com Protection Status