All Chapters of My Billionaire Boy Best Friend: Chapter 121 - Chapter 130
146 Chapters
Chapter 121
CHAPTER 121BELLA POVPinag isipan ko ng mabuti ang naging desisyon ko na umuwi na lamang muna ako ng probinsya. Mas mabuti na siguro eto kesa naman makikita ko ang taong mahal ko na kapiling na ng iba. Masakit man pero kailngan ko na lamang talaga etong tanggapin. Kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga kami ni Vin ang para sa isa't isa. Kaya pipilitin kong kayanin na mamuhay na lamang ng mag isa rito sa aming probinsya.Nandito na ako ngayon sa aming probinsya. Ilang oras rin ang aking byinahe para makarating rito. Napabuntong hininga na lamang ako pagkababa ko ng dyip na aking sinakyan. Andito na ako ngayon sa tapat ng aming bahay. Bigla akong nalungkot dahil naalala ko na naman sila nanay at tatay. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha sa isipin na mag isa na naman ako rito idagdag pa na naalala ko na namn si Vin."Bella? Hija ikaw ba yan?" rinig kong tanong sa akin mula sa aking likuran. Dali dali ko naman pinunasan ang aking mga luha at humarap sa nagsalita napan
Read more
Chapter 122
CHAPTER 122THIRD PERSON POVSa simbahan naman ay inip na inip ng nag iintay sila Nicole sa pagdating ni Vin. Ang nagbabantay sa bahay nila Vin na inutusan ni Mr. Sanchez ay ang sabi ay nakaalis na raw eto kanina pa kaya nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Vin. Halos kalahating oras na ring late si Vin. "Nasaan na ba si Vin? Bakit wala pa rin sya hanggang ngayon?" inis na tanong ni Nicole sa kanyang ama na kasama nya ngayon sa loob ng kotse na sinasakyan nya. Hindi na sya mapakali dahil wala pa nga si Vin gayong dapat ay eto ang mauna sa simbahan."Hindi ko rin alam Nicole. Ang sabi sa akin ng nagmamasid sa bahay nila Vin ay nakaalis na raw eto kanina pa," sagot ni Lyndon sa kanyang anak. Kahit si Lyndon ay hindi na rin mapakali kanina pa sya pabalik balik sa loob ng simbahan para tingnan kung nandoon na ba si Vin."Kung ganon ay nasaan na sya? Ang pamilya ni Vin andyan na ba?" inis na tanong pa ni Nicole."Oo nasa loob na sila Valerie at ang dalawa pa nyang a
Read more
Chapter 123
CHAPTER 123"Ano ba ang nangyare sayo Sarah?" agad na tanong ni Kendra kay Sarah. Pagkatapos kasi syang tawagan neto ay agad na syang umalis ng simbahan para puntahan eto."Kendra!" sabi ni Sarah ng makita nya si Kendra at napayakap pa sya sa kaibigan nya dahil sobra talaga syang kinabahan kanina. Gumanti rin naman ng yakap si Kendra sa kaibigan dahil bakas sa mukha neto ang matinding takot."It's okay Sarah. Ano ba kasi ang nangyare? Bakit ka nabangga?" tanong pa ni Kendra kay Sarah. Bumitaw naman na si Sarah sa pagkakayakap nya kay Kendra."Pupuntahan ko kasi dapat si Bella. Para sunduin sya para tumutol sa kasal nila Vin at Nicole kaso naipit ako sa traffic kaya naghanap ako ng ibang way. Tapos sa pagmamadali ko hindi ko na napansin pa na may paparating pala na sasakyan kaya nabangga nila ang sasakyan ko," paliwanag ni Sarah kay Kendra."Ano ba naman kasi yang naiisip mo Sarah? Hindi ka na nag iingat e. Pano kung may nangyare sayo ni hindi namin alam dahil kung saan saan ka nagsusu
Read more
Chapter 124
CHAPTER 124VIN POVNagising ako sa hindi pamilyar na silid. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking pamilya na may kanya kanyang mga kausap. Si Mama ay nakita ko malapit sa akin habang kausap si Sarah."Na-nasaan ako?" tanong ko na lamang sa kanila. Pansin ko naman na lahat sila ay napalingon sa pwesto ko. Nakita ko naman na agad na lumapit si Mama sa pwesto ko."Vin anak. Salamat sa Dyos at gising ka na," sabi sa akin ni Mama at hinalikan pa ako neto sa king noo. "Ma nasaan po ako?" tanong ko ulet kay Mama."Nasa ospital ka Vin. Nawalan ka ng malay kanina. Hindi mo ba natatandaan?" sagot sa akin ni Mama. Pilit ko naman na inaalala ang mga nangyare kanina. At ng maalala ko na naaksidente kami at napatingin ako sa mga kasama ko roon at hindi ko makita ang taong hinahanap ko."Nasaan si Bella?" agad na tanong ko. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng mga kasama ko rito."Vin?" sabi ni Mama. Napalingon naman ako kay Mama ng magsalita eto."Ma nasaan po si Bella? Bakit
Read more
Chapter 125
CHAPTER 125VIN POV"Kung ganon pala ay pinabayaan na lamang talaga ako ni Bella dahil hindi ko sya maalala," sabi ko na may pagdaramdam dahil ang buong akala ko ay hindi ako iiwan ni Bella dahil mahal nya ako."Hindi totoo yan hijo. Palaging nariyan si Bella para sayo ng mga panahon na hindi mo sya maalala," sagot sa akin ni Mama. "Kung gayon ay nasaan sya? Bakit wala sya rito ngayon?" tanong ko pa sa kanila. Hindi ko naman napigilan pa ang pagpatak ng luha ko sa isipin na pinabayaan na nga ako ni Bella dahil sa hindi ko pala sya maalala."Vin anak makinig ka sa akin ha. Noong mawala ang iyong alaala kay Bella ay palagi syang nasa bahay natin para alagaan at bantayan ka. Kahit na ipinagtatabuyan mo sya ay hindi sya umaalis. Si Bella ang palaging abala para intindihin ka araw araw," paliwanag pa sa akin ni Mama."Kung ganon pala ay nasaan nga sya ngayon? Bakit nga wala sya ngayon dito?" tanong ko pa uli sa kanila."Dahil hindi kaya ni Bella na makita na ikinakasal ka sa iba ngayong a
Read more
Chapter 126
CHAPTER 126THIRD PERSON POVPagkalabas ni Vin sa ospital ay agad na silang umuwi sa kanilang bahay."Kumusta kaya sa simbahan?" tanong ni Valerie sa kanyang mga kasama."Ma wag mo na nga yang isipin. Pabayaan mo na sila roon. Tutal ay sila lang naman ang may gusto ng kasalan na iyon," sagot ni Vince na halata mo sa boses ang pagka inis."Vince siguradong hindi tayo tatantanan ni Mr. Sanchez dahil hindi tayo sumipot sa kasalan," sabat naman ni Leonard. Sinamaan naman ng tingin ni Valerie ang kanyang asawa."Hayaan nyo na lang muna sila. Ang mahalaga ay nakaka alala na ulet si Vin," sabat na ni Valerie sa pag uusap ng mag ama."Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Bella. Kailangan ko syang sundan sa probinsya," sagot ni Vin."Vin mas mabuti siguro na ayusin muna natin ang problema rito bago mo sundan si Bella sa probinsya," sabat naman ni Vince."Paanong aayusin ba eto kuya? Ipagpipilitan na naman nila ang kasal na iyan kapag nakita na naman nila ako," sagot ni Vin."Kausapin natin sila n
Read more
Chapter 127
CHAPTER 127"Pabayaan mo na ang anak ko Mr. Sanchez. Bakit ba hindi mo na lamang hanapan ng ibang mapapangasawa ang anak mo? Bakit ba ipinipilit mo pa rin sya kay Vin?" sabi ni Valerie kay Mr. Sanchez."Dahil si Vin ang gusto ng anak ko at gagawin ko ang lahat maibigay lamang ang makakapagpasaya sa kanya," sagot ni Mr. Sanchez. Hilaw naman na natawa si Valerie dahil sa sagot ni Mr. Sanchez."Talaga ba? Ganyan mo pala talaga iispoiled ang anak mong yan," nang aasar na sabi ni Valerie rito."Sadyang gusto ko lamang maging masaya ang anak ko at kung ano ang ikakasaya nya ay ibibigay ko sa kanya sa abot ng aking makakaya," sagot ni Mr. Sanchez kay Valerie. Hindi naman napapansin ni Lyndon na naroon pala si Sarah at tahimik na nakikinig sa pag uusap nila. Magsasalita na sana si Valerie nang biglang nagsalita si Sarah mula sa kanyang likuran."Wow, talaga ba dad? Mapapa sana all ka na lang pala talaga kung gaano mo kamahal at kapaborito si Nicole," sabi ni Sarah sabay ng pagpatak ng kanya
Read more
Chapter 128
CHAPTER 128"Vin?" sabi ni Myca ng makita nya si Vin na dumating sa kanilang bahay. "Myca asan si Bella?" agad naman na tanong ni Vin kay Myca. Nangunot naman ang noo ni Myca dahil hinahanap ni Vin si Bella gayong hindi naman neto maalala ang kanilang kaibigan. Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng umalis si Bella sa kanila."Ba-bakit mo hinahanap si Bella?" tanong ni Myca. Kita naman ni Vin ang pagtataka sa mukha ni Myca"Myca nakakaalala na ako. Naaalala ko na si Bella. Nasaan ba sya? Totoo ba na umuwi sya ng probinsya?" sunod sunod na tanong ni Vin dito. Bigla namang lumabas sa kanilang kwarto sila Colleen at Kate. "Vin?" sabay pa na sabi ng dalawA. Nginitian naman ni Vin ang dlawa ata muling humarap kay Myca."Nasa probinsya ba si Bella?" muling tanong ni vin kay Myca. Tumango tango naman si Myca rito."O-oo umuwi na si Bella sa probinsya," sagot ni Myca."Kelan ang balik nya rito?" tanong pa ulet ni Vin."Hindi ko alam Vin. Pero ang huling sinabi nya sa amin ay doon na lamn
Read more
Chapter 129
CHAPTER 129"Kumusta ang kumpanya? Nanggulo na ba si Mr. Sanchez?" tanong ni Valerie sa kanyang asawa ng pumasok eto sa kanilang kwarto."Wala namang paramdam sa kumpanya si Mr. Sanchez na syang ipinagpapasalamat ko. Sana naman ay natanggap na nya na hindi talaga para sa anak nya si Vin," sagot ni Leonard sa kanyang asawa."Sana lang talaga ay matahimik na tayo. Sana ay wala ng gulo pa. Kung magpull out man si Mr. Sanchez ay pabayaan mo na lamang sya. Pipilitin na lamang natin na maisalba ang kumpanya oras na ginawa na nya ang banta nya sa atin," sagot ni Valerie sa kanyang asawa. Tumango tango naman si Leonard sa kanyang asawa."Tama ka. Pipilitin na lamang natin etong kayanin. At siguro nga ay tama ka rin sa sinabi mo sa akin noon na mas mahalaga ang kaligayahan at kapakanan ng ating mga anak. Pasensya ka na kung mas pinagtuonan ko ng pansin ang kumpanya at hindi ko na naisip pa ang mararamdaman ng ating anak," sagot ni Leonard kay Valerie. Napangiti naman si Valerie dahil sa sinabi
Read more
Chapter 130
CHAPTER 130"BELLA!!!" sigaw ni Vin pagkababa nya ng sasakyan nya. Nasa labas na sya ngayon ng bahay nila Bella dito sa probinsya."BELLA!!!" sigaw pa ulet ni Vin kasabay ng pagkatok nya sa pintuan."Bakit walang sumasagot? Sigurado ba kayo na umuwi rito sa probinsya si Bella?" tanong na ni Vin kila Mark at Ian. Nagkibit balikat naman si Mark dahil hindi nya alam dahil wala naman sya noong umalis si Bella dahil nasa simbahan sya noon."Yun ang sabi nya sa amin. Sabi pa nga nya Uuwi na raw sya rito sa probinsya at dito na raw muna maninirahan," sagot ni Ian dahil nandoon sya nung magpaalam na si Bella at bago eto umalis."Kung gayon ay nasaan sya? Bakit walang tao rito?' tanong muli ni Vin. Kinakabahan na sya dahil baka nga hindi roon nagpunta si Bella.Linibot naman nila Ian at Mark ang paligid ng bahay ni Bella at napansin ni Mark na parang may ginawang tindahan doon."Tingin ko ay narito sya. Tingnan nyo eto," sabi ni Ian at itinuro nya ang bagong gawa na tindahan. "Wala namang tind
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status