All Chapters of Falling for My Boss: Chapter 71 - Chapter 80
90 Chapters
Chapter 71
"ELISIA, di talaga makakabuti 'yang pag iyak mo." Sabi ni Bea, nag aalala niya.Kanina pa siya basa nang basa sa mga magazine ng tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko naman kayang tumigil sa pag iyak. Tapos na akong humagulhol kanina. Nakahiga ako sa sofa ngayon at nanlulumo sa mga nangyari.Pabalik balik kong inisip 'yong galit sa mukha ni Lance kanina. Pabalik balik ko ring inisip ang bawat insulto ng kanyang mama at ng kanyang fiancee sa akin."Hindi ko lang talaga mapigilan." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.Kahit na tahimik na ako ay pilit paring tumutulo ito. Basang basa na ang unan sa sofa. Kanina pa tumutunog sa mga mensahe ang cellphone ko at kanina ko pa din itong binabalewala."Stress affects the baby, Elisia." Sabay turo ni Bea sa isang pahina ng magazine.Umupo ako ng maayos at tumango. Alam ko naman iyon Kahit paano ay narinig ko na iyon sa TV o sa mga balita na hindi daw nakakabuti ang stress sa bata. Lahat ng emosyon ko, maaapektuhan ang bata. Sorry, baby, di lang maiwasan
Read more
Chapter 72
SA BYAHE patungong Coleman Building ay inisip ko kung anong klaseng dinner ang inihanda ni Kid, lyon bang marami kami o kaming dalawa lang? Nagsisi ako kung bakit hindi ako nag tanong. Bakit nga ba? Mag babago ba ang isip ko kung kaming dalawa lang pala?Nakapag palit na ako pagkapasok ko ng Coleman building. Simpleng floral dress ang suot ko at flat shoes. Sa elevator ay panay ang isip ko kung saan nga ba ako pupunta? Nang tumigil ang elevator sa 1 5th floor, Yong palapag ng maintenance ay pumasok si Mrs. Chiu. Gulat na gulat siya nang nakita ako at hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya at makipag kamustahan."Naku, di ko inakala na may share ka pala sa kompanya!Alam ba 'yon ni Sir Lance nong una kang pumasok? Bakit ka niya hinayaang mag janitress?" Umiling siya at doon ko lang din iyon narealize.Diretso ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Maaaring alam niya, pero sa galit niya ay gusto niya akong pahirapan. Ngayon ay galit ulit siya sa akin. Anong klaseng paghihirap ang matatamo
Read more
Chapter 73
NAKAKALITO ang ginawa kong trabaho. Kalahati pa lang ako ngunit inaantok na ako. Humikab ako pagkatapos kong itype ang pang ilan ko ng papel.Nakaupo ako sa isang abandonadong table dito sa Finance na palapag at kanina pa ako pinapanood ng mga tao dito na parang isa akong misteryo sa kinauupuan ko."Bilisan mo dyan, may ibibigay pa daw na pahabol si Lancs." Sabi nong head ng finance na si Ms. Mendez.Tumango ako at pinanood ko siya habang tumataas ang kilay at humahalukipkip sa harap ko. Mainit ang dugo niya sa akin kahit na halos ngayon lang kami nagkita.Narinig kong bumukas ang pintuan ng buong department. Binalewala ko iyon dahil palagi namang marami pumapasok at lumalabas doom Nagpatuloy ako sa pagtype nang napagtanto kong tumahimik ang kani kanina'y medyo maingay na palapag.Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa pag type nang bigla akong may narinig na mga yapak ng matulis na heels malapit sa akin.Tumingala ako at naaninag ko si Mrs. Coleman, naka puti at may malalaking gold na n
Read more
Chapter 74
PAGKABALIK ko sa Finance ay wala na masyadong tao. Umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko sa sakit nito pagkatapos kong nilapag ang mga papel doon sa mesa.Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi ko na muna tiningnan dahil kailangan ko pang maging maayos. Kinabahan ako at luminga para makahanap ng tubig o kung ano man pero walang ganon sa paligid. Malayo pa ang water dispenser at kinailangan kong umupo dahil sa pagkakahilo ko.Pumikit ako ng ilang sandali. Nang medyo umayos ang pakiramdam ko ay huminga ako ng malalim at dumilat para lang makita ko si Lance na pumasok sa aming palapag. Mag isa siya.Kumalabog ang puso ko at pakiramdam ko ay mahihilo ulit ako. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang bag ko para makaalis na."I'll get the data. Hindi mo na print? I need it." Sabi ni Lance nang nakalapit sa akin.Kinagat ko ang labi ko at binuksan na agad 'yong computer.Hindi ko naman alam na kakailanganin niya pala 'yon."Send mo na lang sakin. I'll
Read more
Chapter 75
SA GULAT ni Jason ay hindi siya agad nakapagsalita. Binigyan niya lang ako ng ilan pang tissue. Kinuha ko ang alcohol ko sa aking bag at nilagay ko saking kamay para mahimasmasan at maging maayos na ang pakiramdam ko.Pinanood niya lang ako na para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ako. Hinayaan ko siya. Alam kong nakakagulat iyon."Saan mo g-gustong kumain? O gusto mo ihatid na lang kita sa inyo? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Medyo nalilito niyang mga tanong.Umiling ako. "Nag promise ako sa'yo na babawi ako ngayon. Birthday mo. We'll celebrate it, Jason." Sabi ko.Tumango siya at tahimik akong inalalayan patungo sa kanyang sasakyan. Sa loob ay ganon parin. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasira ko ang buong gabi niya."Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ko habang nag dadrive siya.Hindi niya ako sinagot, imbes ay pinaulanan niya ako ng mga tanong. "Nakapag pacheck up ka na ba sa doktor? Bakit ka nagtatrabaho kahit na ganito an
Read more
Chapter 76
KINAUMAGAHAN ay tulog pa ang dalawa pagkaalis ko. Si Kid ay nasa couch natulog. Hindi na ako nagpaalam dahil ayaw kong gisingin silang dalawa. Itetext ko na lang si Bea at mag aapologize sa nangyaring away sa kanila ni Kid ngayon.Buong araw ay kasama ko si Jason sa school. Panay ang alok niya sa akin na siya na ang magdala ng bag ko pero inilingan ko lang siya at nginitian."Ayos lang ako, Jason. Salamat." Sabi ko tuwing ganon ang ginagawa niya.Sinabi niya rin sa akin na kung hindi kami makakapagpa appointment mamayang gabi, pagkatapos ng trabaho ay baka bukas, pwede na. Malaki ang pasasalamat ko sa tulong niya. Bukod sa libre ang magiging check up ay malaki din daw ang posibilidad na bibigyan din ako ng libreng mga vitamins.Nahihiya ako kaya hindi ko kayang seryosohin ang sinabi niya. Inihanda ko na rin naman ang ipon ko. Magbabayad naman ako. lyon nga lang, baka maubos iyon sa bayad at nahihiya ako kay Bea at Kid kung sila na naman ang bibili ng groceries. Isang beses lang yata a
Read more
Chapter 77
"YEAH, like what, Elisia? Date an old friend? Kiss him inside his car? Really? Mas importante 'yon?" Tumaas ang tono ng boses niya.Hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman ito? Inisip ko pa kung sinundan niya ba kami. At kung sinundan niya kami ay nakita niya kaya 'yong pagsusuka ko?"Hindi, Lance." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pwedeng sabihin na pupuntahan ko si Bea at Kid."Then, what's more important than the documents, Elisia?" Tumagilid pa ulit ang ulo niya.Tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin doon. Nag igting ang kanyang panga at ngumuso siya. Kitang kita ko ang galit sa nag aalab niyang titig.Marahan kong kinuha ang cellphone ko para basahin ang text ng kung Sino. Nakita ko doon ang text ni Jason.Jason:No prob, Lance. Lumala ba away nila? Sana bukas ay pwede ka na. I'm gonna fetch you, tonight. Kahit na idrop na lang kita sa condo. Di na ako aakyat para di na lumala ang away ng dalawa."Put your phone down." Malamig na sinabi ni Lance."Kailangan kong
Read more
Chapter 78
MATALIM ko siyang tinitigan. Humakbang siya palapit sa akin. Hindi parin ako tumigil sa pagtitig ko sa kanya. Nakita kong umigting ulit ang kanyang bagang. Hinaplos niya ang aking braso. Halos mapatalon ako sa ginawa niya. Nilingon ko ang nanunuyang haplos niya. Hinabol ko ulit ang hininga ko.Simpleng haplos niya lang ay naghuhuramentado na ako."Why is your breath hitching... so bad? Hmmm?" Aniya habang pinapaatras ulit ako sa dingding.Lintik talaga. Hindi ko mapigilan ang paghinga ko ng mababaw at mabilis. Nangatog ang binti ko at tumindig ang balahibo ko."B-Bitiwan mo ako, Lance." Sabi ko, nanginginig."You miss me so much, don't you? Huh?" Bulong niya.Halos mapunit ko na ang labi ko sa kakakagat. Bakit niya ginagawa sakin 'to?"I want to see you hurt so bad, Elisia. Sana magselos ka nang husto. I want to see a reaction from you. And this reaction is all I was dreaming of..." Patuloy ang paghaplos niya sa likod ng braso ko.Halos manginig ako sa sobrang kiliti at sobrang init n
Read more
Chapter 79
PANAY ang mura ni Jason sa loob ng sasakyan niya habang nag dadrive kami palayo sa building. Nakita kong may dugo sa gilid ng kanyang labi. Pumutok ito dahil sa suntok ni Lance."J-Jason, may sugat ka." Sabi ko.Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.Magkahalong kaba at guilt. Kung sana ay hindi ko Sinali si Jason sa gulong ito ay hindi na sana siya nagkaganito."Sorry." Sabi ko at nangapa ng tissue sa kanyang dashboard.Sinubukan kong dampihan ang kanyang labi nong tissue pero hinawi niya ang kamay ko. Galit parin siya at nakatoon ang buong atensyon sa kalsada. Natigilan ako sa kanyang ginawa."Ganong klaseng Ialaki ba Yong nagustuhan mo? He never cared for you, Elisia! Pinagod ka ba niya sa pagtatrabaho?"Binaba ko ang kamay ko. He sound so desperate. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga desisyon ko.Umiling ako. "I'm really sorry."Hinampas niya ang kanyang manibela at agad niliko papunta sa condo ni Kid. Uuwi na kami. At nagpapasalamat ako don. Ayaw ko na munang pumunta
Read more
Chapter 80
"LANCE hired him as an investigator para sundan ka, at alamin ang mga ginagawa mo."Nalaglag ang panga ko.May hinire siyang investigator para sakin? Kung ganon ano ang mga nalalaman ni Roble? Ano ang nalalaman nitong Clyde Peralta na ito? Nilingon ko si manong at wala siyang ginawa kundi maestatwa na lang doom"Don't worry, he's not obsessed with you, Elisia, Nagkataon lang talaga na 'yong pamilya namin ay nag nenegosyo ng mga ganito..." Nginuso niya si Clyde na para bang kanyang sunod sunuran. "Secret agents, armed men, and so on... so, he asked for my help. Tinulungan ko naman si Lance. We're cousins.""You mean alam ni Lance 'yong tungkol sa pagtira ni Elisia dito? 'Yong iniisip ni Lance ay kina Jason siya tumutuloy!'i Sabi ni Bea."Your men are crappy, Roble." Ani Kid sabay tawa.Kumalabog ang puso ko. Ang tanging gusto kong marinig ay si Roble. Nagtaas ng kilay si Roble kay Kid."So he hired Clyde, one of the best agent we have. At syempre, binayaran siya ni Lance. Pero siyempre
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status