Nakatambay kami ni Quen sa rooftop, sinasayang ang oras habang hinihintay ang mga klase namin. One hour pa bago ang sa’kin, two hours naman kay Quen. Gusto sana naming umuwi, pero sa totoo lang, sobrang miss na namin ang isa’t isa. Ang tagal na rin namin hindi nagagawa ‘yung mga ganitong bagay. Kaya naisipan namin na dito na lang muna kaming dalawa. Tahimik pero magaan naman sa pakiramdam.Madalas siyang busy sa pagiging varsity, habang ako naman, laging kasama si Lucas at Kuya. Kaya ngayong pareho kaming may free time, why not spend it together?Dati pa naming tambayan ’tong rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit, wala lang—mahangin, presko, at kita mo lahat mula sa taas. Lalo na ’yung volleyball court sa quadrangle. Hilig ko siyang samahan manood dito sa rooftop kahit medyo takot ako sa bola. “Tuturuan kita mag-volleyball pag may free time ako,” basag ni Quen sa katahimikan.Napating
Huling Na-update : 2025-07-11 Magbasa pa