WARNING: SPG SCENE Umiikot man ang paningin ko pero alam kong kanina pa kaming naglalakad sa mahabang hallway ng isang hotel. Kahit nakakahilo dahil sa umiikot na paligid, nakatitig lang ako sa kanya. Wala man lang bakas ng hirap sa mukha niya habang buhat-buhat ako. Parang wala lang, parang hindi ako mabigat. Pakiramdam ko, I’m nothing but light in his arms—parang ang gaan-gaan ko lang para sa mga malalaki niyang braso. “Sir, this is your room. I’ll call Sir Vern na lang po na hindi makakauwi si Ms. Nathalie.” Hindi ko na mawari kung kaninong boses ‘yon. Lumulutang na rin ang isip ko, at hindi ko na rin nagawang pumalag nang sabihin niyang tatawagan niya si Kuya dahil hilong-hilo na talaga ako. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at naramdaman ko rin agad ang dahan-dahang paglapag ni Lucas sa akin sa kama. “You didn’t even notice,” he said, his voice still calm and steady, “na basa na ‘yung damit mo ng wine.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, bahagya siyang tumawa—almost
อ่านเพิ่มเติม