Sandaling natigilan si Olga. Sa unang pagkakataon mula nang magkita sila kaninang umaga, tila nabura ang pagiging palaban nito. “I’m sorry, okay?” mahina nitong sambit. “Lasing din ako kagabi. Hindi ko na rin alam ang mga ginagawa ko.” Napabuntong-hininga siya. Gusto pa sana niyang magalit, pero nang makita ang bahagyang pagsimangot ng pinsan, napagtanto niyang wala rin siyang mapapala kung patuloy niya itong sisisihin. Masyado itong padalos-dalos at kung minsan ay tila hindi pa rin natututong managot sa mga desisyon nito. Ang mahalaga lang kay Olga ay ang magsaya, maglibang, at gawin ang anumang gusto nitong gustong gawin. At dahil matagal na niyang kilala ang pinsan, alam niyang kahit ilang beses niya itong sermunan, malamang ay mauulit at mauulit lang ang ganitong pangyayari. “Fine. I’ll stop,” sa wakas ay sabi niya, saka mariing huminga upang pakalmahin ang sarili. “Pero sa susunod, huwag mo na akong iwan kung saan-saan. Hindi mo ba kayang mag-isip kahit kaunti?” Hindi na s
Última actualización : 2026-10-15 Leer más