Tumingin si Lewis sa kanya.“Not by blood,” paliwanag niya. “She’s adopted, right?”“Pero pangit pa rin, Lewis!” komento ni Tyler, seryoso ang mukha. “Kahit hindi kayo magkadugo, magpinsan pa rin ang turing ng lahat sa inyo.”“I know…”Napabuntong-hininga si Lewis at napailing.“And I don’t know either kung may nangyari talaga sa amin.” Napahinto siya. “Iyon ang sinabi niya.”Napatitig sa kanya sina Jolie, Clarkson, Aria, at Tyler.“Paanong hindi mo alam?” tanong ni Clarkson.Marahas na umiling si Lewis. Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa matinding frustration.“I don’t know!”Napaatras ang mga ito sa bigla niyang sigaw.“I don’t know!” ulit niya, mas basag na ang boses.Huminga siya nang malalim ngunit hindi nito napakalma ang kanyang dibdib.“Ang sabi niya, noong gabing nalasing ako… may nangyari raw sa amin.” Napapikit siya. “Pero wala akong maalala. Kahit isa. Wala akong maalala sa gabing iyon.”Tahimik ang lahat.Dali-daling lumapit si Jolie at niyakap ang kanyang kuya.
Huling Na-update : 2026-10-08 Magbasa pa