“Saka… hindi naman po kami totoong magpinsan.”Napakunot ang noo ni Lolo Craig. “Catriona…”“Hindi po masama ang nagawa namin sa mata ng Diyos,” pagpapatuloy niya, kahit nanginginig ang boses. “At…” Sandali siyang natigilan. Alam niyang kapag sinabi niya ang susunod na mga salita, wala nang balikan. “…handa po akong pakasalan si Lewis. Para magkaroon ng ama ang anak ko.”Naging tahimik muli ang buong kwarto. Tanging mahinang paghikbi niya ang maririnig. At nang tuluyan niyang itinaas ang kanyang mga mata, nakita niya ang matalim na tingin ni Lewis... galit, puno ng pagtataka at marahil, pagtataksil.Pero hindi siya umiwas. Sa halip, diretso siyang tumingin dito.“Ano na ngayon ang gagawin natin?” Tila sumusuko nang tanong ni Uncle Blair habang mariin nitong minamasahe ang kanyang sentido. Halata sa mukha nito ang pagkalito, pagod, at bigat ng problemang bigla nilang kinaharap.Ilang sandali itong napatingin kay Lolo Craig bago muling ibinaling ang tingin kay Lewis.“Paano natin hahara
Last Updated : 2026-10-04 Read more