THE WEDDING: JOLIE AND TYLER.“God, kinakabahan ako!” ani Jolie habang nakaupo sa harap ng vanity mirror at inaayusan ng mga stylist at makeup artist.Kasalukuyan siyang nasa kaniyang silid sa Blacksmith Estate, kung saan gaganapin sa hardin ang pinakahihintay niyang kasal kay Tyler.Sa wakas, matapos ang napakahabang paghihintay, matutuloy na rin ang araw na matagal na nilang pinapangarap. Ang araw na tuluyan na silang magiging mag-asawa sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Masaya siya, kinakabahan, at halos hindi makapaniwalang dumating na talaga ang araw na ito. Ngunit ngayon, narito na siya, nakasuot ng damit-pangkasal at naghahanda para sa panibagong yugto ng kanilang buhay.“Just relax, Jolie. Huwag kang kabahan. As if naman hindi ka susiputin ng asawa mo!” natatawang biro ni Aria na nakatayo sa kaniyang likuran.Napalingon siya sa kaibigan bago muling napatingin sa sariling repleksiyon sa salamin. “Aria naman!” reklamo niya, la
Última actualización : 2026-10-18 Leer más