Lalong tumalim ang tingin ni Catriona, pero sa halip na umatras ay lalo pang ngumisi si Olga. Tila sadyang nasisiyahan itong makipagbangayan sa babae.“Tell me, Catriona…” aniya, saka bahagyang ikiniling ang ulo habang mapanuksong nakatitig dito. “Are you in love with your cousin, Catriona?”Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Catriona.Pero hindi pa tapos si Olga. “Because, from what I can see, you’re acting more like a jealous wife than a cousin.” Palihim itong natawa. “You look so threatened just because I’m talking to him. What’s the matter? Afraid that someone might steal your precious Lewis away from you?”Pero bago pa man makapagsalita si Catriona ay agad na niyang hinawakan ito sa braso.“It’s nice meeting you, Olga. I’ll call you about the date,” aniya bago muling bumaling sa babae. “For now, we have to go.”Hindi na niya hinintay pang makasagot si Olga. Marahas niyang hinatak palayo si Catriona, ayaw nang bigyan pa ito ng pagkakataong makapagsalita ng kung ano-ano na maaari
Last Updated : 2026-10-23 Read more