Kinabukasan, nagising si Jolie sa mahinang kaluskos na nagmula sa kung saan sa loob ng silid. Bahagya siyang gumalaw sa pagkakahiga, saka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Sa una ay malabo pa ang kaniyang paningin, pero nang unti-unti siyang mahimasmasan, agad na napatuwid ang kaniyang tingin sa direksiyon ng sofa. At doon niya nakita si Lewis. Nakaupo ang kaniyang kuya sa sofa, nakasandal ang likod at tila walang balak na umalis. Nakahalukipkip pa ito habang nakatingin sa kanilang mag-asawa, para bang kanina pa naghihintay na magising silang dalawa ni Tyler. “Holy shit!” Napabalikwas ng bangon si Jolie. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Anong ginagawa ni Lewis sa loob ng silid nila? At higit sa lahat, gaano na ito katagal na nakaupo roon? “What happened?” Agad ding nagising si Tyler sa biglaang paggalaw ng asawa. Kunot-noo itong bumangon at napatingin kay Jolie, ngunit nang sundan nito ang direksiyon ng kaniyang tingin, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha
Última atualização : 2026-10-29 Ler mais