"Bigatin ka pala, sis? Yun nga lang, ingat ka lang kasi madami ang naiinggit sa'yo, lalo na ang mga babaeng may crush kay Gray.""Hayaan mo sila." wika niya.Tumahimik na din sila nang dumating na ang prof nila. Napansin niyang bumait na din ang ibang mga classmate niya. Ang iba naman ay talagang naiinis sa kanya. Pero wala siyang pakialam... "you can't please everybody" nga, kumbaga.Pagkatapos ng kanilang klase ay nagkayayaan na sila ni Julia ng mag cefeteria. Paglabas nila ng classroom, andoon na naman si Bianca at ang barkada nitong tila naghihintay sa kanya."Hi, Rosabel..." wika ni Bianca na may pekeng ngiti sa labi. May hawak itong iced coffee."What do you want, Bianca?" walang emosyon niyang sabi."Oh, I just came to apologize. Mali ako kahapon, and sana maging friends na tayo..."Tiningnan niya ito sa mukha. Hindi niya mabasa kung nagsasabi ito ng totoo o hindi."Here... iced coffee for you... it's my way of saying sorry. Sana tanggapin mo, Rosabel."Muli niya itong tiningna
Terakhir Diperbarui : 2025-05-10 Baca selengkapnya