Kinabukasan, maaga siyang nagising para pumasok sa opisina. Mabuti na lang at wala siyang pasok sa university kaya masasamahan niya si Mam Jonie saan man ito magpunta. Para na siyang right hand nito ngayon.Kasalukuyan silang nasa opisina ng Miller Steel Corporation. Isa ito sa mga bagay na labis niyang hinahangaan kay Mam Jonie.... ang pagiging workaholic at hands-on ito sa lahat ng bagay. Kahit na may mga tao namang puwedeng utusan, siya pa rin ang nag-aayos ng mga dokumento, tumitingin sa mga report, at nakikipag-meeting sa mga kliyente. Hindi ito nag-aaksaya ng oras sa opisina, bawat minuto ay mahalaga.That's what she liked most about her boss, ang dedikasyon nito sa trabaho. At higit sa lahat ang malasakit nito sa mga empleyadong katulad nya. Gusto rin niyang maging katulad nito balang araw. Isang babae na may matatag na paninindigan, may respeto ng iba, at higit sa lahat, may malasakit sa mga taong nasa paligid niya.Naalala niya ang sinabi ni Mam Jonie sa kanya, nakikita daw
Terakhir Diperbarui : 2025-05-16 Baca selengkapnya