Nang tuluyan na silang makarating ni Lewis sa airport, saka lang nakahinga nang maluwag si Catriona. Para bang kanina pa niya pinipigilan ang sariling huminga nang maayos, at ngayong nakalayo na siya sa apartment ay saka lang niya naramdaman ang bigat na unti-unting nababawasan sa dibdib niya.Pasimple siyang napalingon sa paligid... Wala si Arthur, hindi siya nito nakita nang umalis siya. Hindi rin nito alam na wala na siya sa apartment at papunta na siya sa airport. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, nakaramdam siya ng kaunting kapanatagan.Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag at tiningnan ang oras, alas kuwatro ng hapon. Napangiti siya nang bahagya. Iyon ang oras na napag-usapan nila ni Arthur na pupunta siya sa unit nito. Ngunit hindi na iyon mangyayari. Isang oras na lang at aalis na ang flight nila. Kailangan na lang nilang hintayin ang tawag para sa kanilang boarding.Isang oras na lang pagkatapos noon, tuluyan na siyang makakaalis sa Paris. At higit sa lahat
Baca selengkapnya