“Senyorita Sofia, ipinapabigay po ito ng babaeng kapangalan ninyo,” sabi ni Betty habang inilalagay ang isang maliit na bag sa siwang ng bakod at inaabot ito kay Catherine. “Sinabi pa po niyang umalis na kayo, kung hindi ay tatawag na siya ng mga pulis,” dagdag pa ng katulong. Tinanggap ni Catherine ang bag, at sa likuran nito ay nakita niya si Manang Mila. “Patawad, mahaba ang kwento, ngunit masaya akong nakilala ka,” panimula ng matanda. “Mag-ingat ka, Catherine. Ingatan mo ang iyong sarili. Heto… ito ang tirahan ng aking anak. Pumunta ka roon. Tatawagan ko siya mamaya upang ipaalam ang iyong pagdating. Sige na, umalis ka na, baka mahuli ka pa sa biyahe,” nanginginig ang boses at may luha sa mga mata ng matandang napamahal na rin sa puso ni Catherine. “Naglagay ako ng makapal na damit sa loob ng bag. Malamig ang gabi ngayon. Mag-ingat ka, anak. Mag-ingat ka, Catherine,” paalala pa ni Manang Mila bago tuluyang humagulgol. Halos hindi mabasa ni Catherine ang nakasulat sa pa
Read more