"Eto na yung pagkain mo, Ms. Catherine. Pinahatid ni Sir Andrew, "May sugat daw kase ang kamay mo," sabi nito, sabay tingin sa kanya pataas-pababa."Nasan si Sir Andrew?" Tanong ni Catherine."Ewan, umorder lang ng pagkain mo, eh tapos umalis na."Ahh okay sige salamat" sabi ni Catherine."Malalim ba ang sugat mo? kase nakita ko sa mukha ni Sir na nag-aalala eh. Nagtanong pa nga kung mabigat daw ba yung kutsara sa canteen, kaya nga ayan disposable spoon pinadala sa'yo kase nga daw may sugat ka sa kamay sa mismong ginagamit mo pagkumakain, sabi nito."Wow, sobrang nakakahanga talaga ang bagong may-ari ng pabrika noh? Bukod sa guwapo,matangkad, mayaman, ay mukhang mabait at maalalahanin din.I sipin mo, sino ba tayo para pagkaabalahan niya, di ba?" Nanlalaki pa ang mata, sabi nito."Wish ko tuloy magkasugat din para maasikaso din ni Prince Charming," dagdag pa ng taga-canteen. Nakaalis na ito pero tulala pa rin si Catherine. Hindi alam ng dalaga kung paano at kung ano ang magiging reaksiy
Baca selengkapnya