Naalimpungatan sa nararamdamang lamig si Catherine. Nang silipin niya ang table clock, alas 2 na pala ng madaling-araw. Biglang pasok sa isipan ng dalaga ang lalaking kasama. Agad siyang lumingon sa kanyang likuran, kung saan tulog pa rin ang kasama niya, pero wala doon si Andrew. Ewan ni Catherine kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa katotohanang ni hindi siya tinabihan ng asawa. Matapos ma-realize ni Catherine na hindi man lamang siya tinabihan ng asawa sa unang gabi. Ay, napatanong si Catherine sa sarili. "Ganun ba siya kawalang kuwenta? Ganun ba ito kasuklam sa kanya?" "Hindi sa'yo, Catherine, kundi kay Sofia. At hindi ka si Sofia para magdamdam," sumbat ng isipan ni Catherine. Huminga nang malalim si Catherine.Tumayo si Catherine para sana hanapin si Andrew, baka kung saan lang ito nakatulog, baka iniwan siya nito. Biglang bumundol ang takot kay Catherine. "Tama, baka iniwan siya ni Andrew. Baka umuwi na ito. Paano siya uuwi? Ni pisong duling wala siya sa bul
Read more