All Chapters of Love and Revenge of the Lost Billionaire: Chapter 21 - Chapter 30
37 Chapters
Kabanata 21: Pang-aakit ng Dalaga
Upang gumaan ang nararamdaman ni Gwen ay nakipagkita ulit ito sa bestfriend niyang si Leslie at isinama sa kaniyang bahay. Dumating ni Leslie sa bahay ni Gwen ay nabalitaan nito ang pagkamatay ni Mang Karding. Nabalitaan niya rin na sobrang galit si Aling Cecilia kay Erik. Dahil doon ay nakahanap nang dahilan si Leslie upang ayain si Erik na doon muna tumuloy sa inuuwian niya upang hindi muna siya makita ni Aling Cecilia nang mabawasan ang galit ng matanda sa binata. “Maganda naman ang suggestion ko di ba Bestfriend? Anong tingin mo?” tanong ni Leslie sa kaibigang si Gwen na halatang may sariling motibo. Hindi agad nakaimik si Gwen sa gustong mangyari ng kaibigan dahil kilala ang kaibigan alam nito na gusto lang nitong masolo si Erik. Nag-iisang anak lamang si Leslie kaya lumaki ito sa luho, kahit anong gustuhin nito ay kanyang nakukuha kaya gagawa rin ito ng paraan upang makuha rin si Erik. Kahit itinatanggi at pinaglalabanan ni Gwen ang sarili na gaya ng kaibigan niyang si Lesl
Read more
Kabanata 22: Matindong Galit
Tsinita si Leslie na medyo balingkinitan ang katawan, may kaputian at makinis ang balat kaya naman marami ang humahanga dito na mga kalalakihan sa kanyang pinapasukang trabaho at kahit saang lugar man ito magtungo. Madalas ang mga lalaking humahanga sa kanya ay nagdadalawang-isip bago magtapat dahil may pagkaprangka ang ugali ng dalaga. Sasabihin niya agad na ayaw niya ang isang lalaki sa mismong oras kung kailan nagtapat ng pag-ibig o paghanga sa kanya.Sa unang tingin pa lang ng dalaga kay agad itong nahulog sa kagwapuhan at kakisigan ni Erik samahan pa ng likas na kabaitan. Gumaan ang loob ni Erik kahit paano sa mga birong ginawa sa kanya ni Leslie.Habang kumakain sila ay patuloy pa rin sa pagkukuwento ang pilyang dalaga tungkol sa kanyang mga nakaraang relasyon. Nakangiti at nakikinig lamang si Erik sa mga birong binibitawan ni Leslie. Sa maikling panahon ay mabilis na nagkakilanlan ang dalawa kaya naging kampante si Leslie na kahit anong gawin niyang biro sa binata ay hindi i
Read more
Kabanata 23: Unang Yakap
Matapos ang ligtas na pagbisita ng mag-inang Aling Cecilia at Gwen kasama ni Niknok at sa tulong ng ilang kapulisan sa libingan ni Mang Karding, agad na nagpahinga sina Aling Cecilia at Niknok sa kani-kanilang higaan samantalang nanatili si Gwen sa sala na may malalim na iniisip.“Kumusta na kaya si Erik?” maikling tanong ni Gwen sa sarili.“Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko na imbes isipin ang ama kong kamamatay lang mas iniisip ko pa ang kalagayan ng taong naging dahilan upang mawala ang ama ko, although hindi naman niya kasalanan at hindi dapat siya ang sisihin dahil wala naman talaga siyang ginawang masama,” bulong ni Gwen sa sarili habang binabalensa ang pangyayari.Maya-maya ay may narinig si Gwen na tumatawag sa kanyang pangalan. “Gwen! Gwen!” tawag mula sa boses ng isang lalaki. Mabilis na binuksan ng dalaga ang pinto upang silipin kung sino ang tumatawag sa kanya.Dahil hindi naman kalayuan ang bahay ni Leslie sa bahay ni Gwen ay mabilis na natandaan ni Erik ang da
Read more
Kabanata 24: Paghihiwalay ng Mag-ina
Nakauwi na sina Aling Cecilia at Gwen sa bahay ng dalaga ngunit halos hindi pa rin sila nag-uusap dahil naramdaman ng ina na parang mas pinipili ng anak niya si Erik kaysa sa kanya.“Alam mo anak, mas maganda siguro kung uuwi muna ako sa probinsya, doon muna ako sa bahay ng kapatid ko at mas ligtas ako doon kaysa dito sa bahay mo na nasa gitna ng siyudad kung saan napakarami ng tao na nakapalibot. Hindi natin alam baka isa sila sa mga pumatay sa ama mo,” ani Aling Cecilia na hinahanda ang mga gamit para ilagay sa maleta.“Ina, alam ko kung bakit mo ito ginagawa, mas iniisip mo na mas mahalaga sa akin si Erik kaysa sa iyo. Wala naman kaming relasyon ni Erik kaya imposible ang iniisip mo na mas pipiliin ko siya kaysa sa iyo. Hindi makatarungan na pagpiliin po ninyo ako sa inyong dalawa dahil wala naman pong ibang pagpipilian kundi kayo,” usal naman ni Gwen.“Kaya nga hindi mo ako sinusunod dahil hindi mo kayang pumili sa aming dalawa? Ganoon na ba si Erik sa iyo na halos magkasinghalaga
Read more
Kabanata 25: Sa Iyong Tabi
Nagulat si Claire sa pagbalik agad ni Nathan kaya hindi agad nakasagot. “Wala ‘yon pre, binibiro niya lang ako, sinabihan ko kasing kursunada ko ang isa niyang barkada. Sabi ba naman ni Claire na boobs lang daw ang gusto ko doon kaya sinabihan niya akong manyakis,” palusot ni Gilbert upang hindi sila mahalata ni Nathan sa kanilang totoong pinag-uusapan.“Ganoon na nga Hon,” pagsang-ayon ni Claire sa palusot na naisip ni Gilbert. “Bakit ka pala bumalik agad? Akala ko ba maliligo ka muna?” tanong ni Claire upang maiba ang usapan.“Nagbago na isip ko, balak ko sana kanina ayain si Gilbert para uminom man lang kaya lang naisip ko may lakad pala ako mamaya dahil pinapatawag ako ni Donya Margareth sa mansyon nila. Kaya naisip ko na mamaya na lang muna ako maliligo,” paliwanag ni Nathan sa pagbabagong isip.“Buti na lang Pre may meeting kayo ni Donya Margareth kasi kahit ayain mo ako mamaya ay hindi kita mapagbibigyan dahil may kikitain akong magandang babae. May dadalaw sa condo ko mamaya
Read more
Kabanata 26: Sa Parke na Kasama Ka
Maagang tinapos ni Leslie ang kanyang trabaho upang makauwi agad sa kanyang pamamahay dahil sa sobrang kasabikan na muling makasama at masolo ang binata.Halos kalahating oras lang ang ginugol ni Leslie sa pagbiyahe para marating ang sariling bahay mula sa kanyang pinapasukan.“Erik, may dala pala akong makakain natin para hindi na tayo lumabas ng ba---” naputol ang pagsasalita ni Leslie nang mapansin niyang wala si Erik sa sala. Agad na pinuntahan ng dalaga ang kuwartong tinutulugan ng binata at nang walang makita ay huling pinuntahan nito ay ang kusina. Nang bigo pa rin na mahanap ang makisig na binata ay mabilis na sumakay sa kanyang kotse at agad niya itong pinaandar nang mabilis.“Tinakasan na naman ako Erik, sigurado akong pumunta na naman iyon sa bahay ni Gwen,” bulong na wika ni Leslie sa sarili.Mabilis na nakarating si Leslie sa bahay ni Gwen. Papasok na sana si Leslie sa loob ng bahay nang mapansin nitong hindi masyadong nakasara ang pinto kaya sa hindi inaasan ay narinig
Read more
Kabanata 27: Ang Bagong CEO
Nakauwi si Leslie sa kanyang tinutuluyan. Matamlay, malungkot at nakatitig lamang sa sahig na nakaupo sa sopa matapos manggaling sa bahay ni Gwen.Doon niya lang napatunayan sa sarili na kahit hindi aminin nila Gwen at Erik ay halatang may nararamdaman sila sa isa’t isa na hindi na kailangan pang sabihin ng kanilang mga bibig na siyang nagdudulot nang sakit sa dibdib ng dalaga.Habang nakaupo si Leslie nang biglang makita niya ang maliit na notebook na ipinatago sa kanya ni Erik. Agad niyang nabasa ang pangalang Larry Evangelista kaya naisip nito na i-search ang pangalan sa isang apps sa social media.Nanlaki ang mata nito at kinusot ang mata upang linisin at siguraduhin kung tama ba ang nakita niya na kamukha ni Erik ang mga larawan ni Larry Evangelista. Doon niya lang napagtanto na si Larry Evangelista at Erik ay iisang tao. Nalaman niya na kaya pala marami ang gustong pumatay kay Erik ay isa pala itong anak hindi lang basta mayaman kundi bilyonaryo at tanging tagapagmana ng may-ari
Read more
Kabanata 28: Madamdaming Pagtatapat
Tumayo na si Gwen sa kanyang kinauupuan at sinimulan nang ayain si Erik upang bumalik sa bahay nang maalala nito na hindi pa pala kumain si Erik.“Maganda siguro kung umuwi na muna tayo, hindi ka pa pala kumain baka sumakit na naman ang ulo mo,” pag-aalala ni Gwen sa binatang kasama.Pansamantalang nanahimik si Erik nang tatlong segundo habang nagpatuloy na naglakad si Gwen.“Gwen, puwede mo ba ako hintayin?” biglaang tanong ni Erik na naging dahilan upang mapahinto sa paglalakad at muling lingunin ng dalaga.“Oo naman hihintayin kita, hindi naman puwedeng maiwan ka dito sa parke, kaya tumayo ka na diyan at simulan na nating maglakad pauwi,” pag-aya ni Gwen na may kaunting pagbibiro.“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Kung puwede mo ba akong hintayin hanggang sa makilala ko ulit ang sarili ko?” tanong ni Erik habang nakatingin kay Gwen.“Paano kita hihintayin kong hindi ko nga alam kung bakit kita hihintayin at kung anong meron tayo para hintayin kita?” naguguluhang tanong ng da
Read more
Kabanata 29: Paghahanap ng Trabaho
Kinaumagahan agad na nagtungo si Gwen sa kusina upang magluto sana para sa kakainin niya at sa dalawa niyang bisita na sina Erik at NIknok, ngunit nabigla ito nang makita niya sa mesa na mayroon nang nakahain ng almusal. “Magandang umaga po Ate Gwen!” masigasig na pagbati ni Niknok habang nakaupo na at hinihintay ang dalaga sa pag-upo upang sabayan sa pagkain. “Sino nagluto? Bakit hindi ninyo ako ginising?” tanong nang naguguluhan na si Gwen. “Si Kuya Erik po ang nagluto, sabi niya kasi huwag ka nang gisingin dahil nagpapahinga ka pa at puyat kaya inako na lang niya ang pagluluto,” sagot na mahinahon ni Niknok. “Nasaan na ang Kuya Erik mo ngayon?” muling tanong ng dalaga. “Kung hindi po ako nagkakamali nasa palikuran po upang maligo,” magalang na sagot ni Niknok. “Sabi rin po pala ni Kuya Erik kumain na lang daw tayo kasi hindi na po siya sasabay sa atin ibabaon na lang daw niya ung almusal sa pupuntahan niya,” dugtong na usal ng binatilyo. “Saan siya pupunta?” pagtatakang tanon
Read more
Kabanata 30: Bagong Trabaho, Bagong Buhay
Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata. “Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid. “Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik. “Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok. “Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status