All Chapters of I Will Take Back What's Originally Mine: Chapter 11 - Chapter 20
56 Chapters
UNAPPROACHABLE
Syempre hindi basta-basta magpa-patinag si Lucy ng ganun-ganun lang. Malakas itong napa-tili at pabagsak na napa-salampak sa marmol na sahig ng mansyon. Lahat ay napa-lingon sa kanya gayun din si Estacie. "Lucy! My darling, oh my God! Estacie, what did you do?!" Mabilis na nakalapit si Juvilina sa anak at dinaluhan ito. Muling umugong ang bulungan. "I think, Miss Estacie hates her step-sister because of the engagement." Dinig nyang sabi ng iba. Well, kung ang dating Estacie ay napapa-tulala lang, Ibahin nyo ang Estacie ngayon. Dahan-dahang lumapit si Estacie sa pwesto ng mag-ina. She tilted her head and say.. "Are you okay Sister? I told you, I'm fine now. Wag kang mag-aalala, mahahanap din ni Papa ang dalawang taong nagtangkang patayin ako. Don't stress yourself too much. Kailangan maging masaya ka sa nalalapit na kasal ninyo ng mahal na prinsipe." Aniya na ang boses ay puno ng pag-aalala para sa kapatid. "W-what?!" Tanong ni Lucy na nababakas ang gulat sa mga mata. "Lucy..
Read more
NAWALAN
Pag-pasok ni Estacie sa sariling silid sa mansyon ayon sa kanyang memorya, bahagyang nawala ang pangangatal ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang napaupo sa king size bed na nasa gitna ng malawak na kwartong yun. Bilang dating Jessa na namuhay ng payak sa modernong mundo, masasabi niyang napaka-grande ng kanyang silid ngayon. "My lady, pwede akong matulog sa sofa. Wag kang mag-alala, sanay naman ako. Alam kong pagod ka, halina at tutulungan na kitang maligo bago matulog." Narinig niya si Vista kaya't napisil niya ang pagitan ng kanyang dalawang mata. "Kaya ko maligo mag-isa, Vista. At tska, pwede ka matulog sa tabi ko. Malapad ang kama. Bukas na bukas din ay ipapalipat kita sa dating silid ni Aloha." Aniya bago tumayo upang pumasok sa sa sariling banyo. "Sigurado ka ba na hindi na kita tutulungan?" "Hmmm.. Siguro, paki-tanggal na lang itong gown." Sagot niya. Ang totoo, busy pa rin ang kanyang utak sa pag-gunita ng eksena sa hallway. Hindi niya maintindihan kung bakit kailanga
Read more
PAIN
Sa isang pamilya na nabibilang sa tinatawag na ALTA ng mga mayayamang tao sa modernong mundo, hindi na iba ang ipamana sa mga anak ang kayamanan ng kanilang mga magulang. Subalit sa kwento ng pagiging Noble family, hindi lang kayamanan ng pamilya ang pwedeng manahin ng isang anak. Kundi ang buong pangalan ng pamilya na kanilang itataguyod hanggang sa susunod na hinirasyon. Negosyo, pera, posisyon, titulo at kapangyarihan bilang myembro ng Noble family. Kapag ipinamana ng isang ama ang sinsabing mana, sa kanyang anak, isa lang ang ibig sabihin nun, ang anak niyang iyon ang hihirangin bilang bagong pinuno at taga hawak ng titulo ng pamilya. Those who under her within the family, will be her followers. So, sinasabi ng kanyang ama ngayon na siya, bilang panganay na anak ng mga Somyls, ay wala ng karapatan na hawakan ang titulong yun. And she is now Lucy's followers. Ang babaeng nagpakidnap sa kanya, pumatay sa totoong Estacie, nagpapatay kay Aloha, ay isa ng leader ng Somyls Family. "
Read more
MORE PAIN
Habol ni Lucy ang hininga dahil sa matinding galit para kay Estacie. Gusto niya itong habulin subalit hindi niya magawang tumayo dahil sa pangangatal ng katawan dulot ng takot sa mga binitiwang salita ni Estacie. "No.. Imposible, walang sino mang tao ang naroon ng mangyari yun." Bulong ni Lucy habang pinipilit na tumayo. "Wait.. If someone help her after we left, then.. Nakita ng taong yun ang nangyari!?" Namimilog ang mga matang nabulalas ni Lucy. Kung totoo ngang may nakakita, at totoo ang sinabi ni Estacie na may ibedensya, "This can't be. This can't be! Hindi siya pwedeng makalabas ng mansyon, not I my watch!" Anito bago nagmamadaling sundan si Estacie. However, nang makarating siya sa may silid nito, naroon na ang mga katulong at mga kawal ng Somyls mansyon. Hindi siya makalapit at makapasok sa loob ng silid. "This won't do!" Natatatarantang saad pa niya bago tinungo ang sariling silid. "I should write to the crowned prince." Bulong niya sa sarili. Samantala, sa loo
Read more
PAG-UUMPISA
Matulin ang mga araw na lumipas. Subalit ang nangyari ng gabing yun ay nanatiling lihim na bangungot kay Estacie. Naalala niya kung paanong nahirapan siya maghanap ng hotel na pansamantalang matutuluyan. Mabuti na lang, aksidenteng nagka-salubong ang landas nila at ang sinasabing kapatid ni Vista. Ang Vice-captain ng Owl Detective agency na kilala bilang pinaka-mahal ngunit pinaka-magaling na detective agency sa buong Prekonville. Muntik pa nga silang mapagkamalan na magnanakaw ng grupo, subalit ng mamukhaan ni Vista ang kapatid, mabilis pa sa alas singko na tinulungan sila ng grupo nito na makahanap ng pansamantalang matutuluyan. At ngayon nga, nandun sila sa isang bahay na hindi kalakihan subalit sapat na para tirhan. At kasalukuyang nasa hardin si Estacie habang gumuguhit ng mga desinyo ng mga damit na naa-alala pa niya. "Ehem.." Otomatik na napalingon siya nang marinig ang isang pagtikhim sa tagiliran niya. Ang may-ari ng boses ay walang iba kundi ang Vice-captain ng OWL, S
Read more
NAGKAGULATAN
"My Lady.. Halina sa loob at gagamutin ko ang balat mong napaso." Bulong ni Vista sa kanya. Wala sa sariling napa-tango at napa-sunod naman siya sa ginang. Naiwan si Clewin na nag-aalala rin para sa kanya. Hindi maintindihan ni Estacie kung paanong nakuha niya ang atensyon ng Duke. Akala niya ay wala itong interes sa mga babae, bakit kailangan paimbestigahan pa siya nito? O Hindi kaya, nararamdaman talaga ng lalake ang galit para sa kanya? "This parallel universe is making me anxious." Mahinang bulong niya sa sarili. Pina-upo siya ni Vista sa gilid ng kanyang kama bago hinubad ang kanyang bestida. Parang dalawang taong bata ang naging kahalintulad ni Estacie ng mga sandaling yun. "Tsk! Namumula ang balat ng iyong hita na nabuhusan ng mainit na tsaa. Nasama pa pati ang iyong puson my lady!" Medyo may tono ng galit ang boses ni Vista. Parang anak na ata ang turing nito sa kanya. Hindi niya napigilan na maalala ang tunay na ina na namatay sa modernong mundo. She was also like Vista
Read more
ASO AT PUSA
Pagkagulat ang rumihistro sa mukha ni Clewin ng marinig ang sinabi ng kaibigang si Eckiever. "Nagbibiro ka ba? Alam kong maganda si Yssa, pero ang tawagin siyang Somyls ay masyado naman-""Pero hindi ako nagkakamali. Bakit hindi mo siya tanungin?" Pinag-cross ni Eckiever ang mga braso sa may dibdib habang sumasandal sa upuan. Ang mga mapanuri nitong mga mata ay nakatuon kay Estacie. Dahil dun, napa-hugot ng malalim na hininga si Estacie bago nilingon si Clewin na naka-kunot ang noo at palipat-lipat ng tingin sa kanila ni Eckiever. "Naalala mo ba ang sinabi sa'yo ng kapatid mo nung gabing nagkita tayo?" Tanong niya sa kay Clewin na bahagyang napa-flinch. Ilang sandali pa ay napa-tikhim ito bago napa-tango. "Oo. Naaalala ko." Nang sandaling yun, si Estacie naman ang tumango. "Alam mo naman siguro na hindi nagsisinungaling ang Mommy, right Uncle?" Isang matamis na ngiti ang napunit sa labi ni Estacie ng mamilog ang mga mata ni Clewin sa narinig. "Uncle!?" Magkasabay pa na bangg
Read more
BIGO
Padabog na tumayo si Eckiever at galit na hinablot ang palapulsuhan ni Estacie. "Sino ka para luhuran ko?! At sino ka para sabihan ako ng ganyan. I tell you today, hangga't ako ang may-ari ng Market square, Hinding-hindi ka makaka bukas ng kahit na anong negosyo sa Prekonville. Hindi ako papayag na may isang magnanakaw na hahalo sa hilira ng mga negosyo ko." Puno ng pag-didiin na sambit ni Eckiever bago siya pabalagbag na binitiwan. Hindi naka-imik si Estacie dahil sa narinig. Magnanakaw, siya? Bakit parang iyon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig niya sa dalawang buhay na nabuhay siya? Kahit kailan ay hindi siya nagnakaw. Siya pa nga ang ninakawan, sino ang lalakeng ito para pagsabihan siya ng ganun? Dahil sa matinding emosyon, hindi niya napansin na pumatak pala ang luha niya. "Magnanakaw, you say." Bulong niya. Hindi niya alam kung nakarating iyon sa pandinig ni Eckiever. "Pwede mo naman sabihin sa akin na hindi ka pumapayag. Hindi mo na kailangan na sabihin sa harap
Read more
BLESSING
Katatapos lang ni Estacie mag-sulat ng liham para sa Hanvoc Family nang tawagin siya ng kanyang adopted mother na si Vista para kumain. "Palabas na po!" Ganting sigaw niya dito bilang sagot sa pagtawag ng ina. Inilagay niya ang liham sa kanyang maliit na aparador at akmang lalabas na ng may mapansin. Lahat ng damit niya na galing sa Somyls ay masyadong maka-luma. May mga gowns na sadyang madami ang abobot na naka-design sa tela. May ilan naman na mahahaba ang manggas pero sobrang luwang naman pagdating sa beywang pababa. Mga damit na sa comics nya lang nakikita. Dahil dito, napagdisisyunan niyang pumunta sa bayan upang mamili ng tela na gagamitin niya sa pag-gawa ng bagong damit. Mahigit isang linggo na siyang nabubuhay sa bago niyang mundo subalit hindi parin niya nalilibot ang buong Prekonville. Isinara niya ang aparador at tsaka lumabas ng silid. Dumiritso siya sa kusina kung saan naghihintay ang kanyang ina. "Mom! Pagkatapos natin kumain, gusto kong pumunta tayo sa bayan." Ma
Read more
SYLVIA
Gulat ang naging ekspresyon ng mukha ng dalagita. Medyo namula pa nga ang mga mata neto na para bang iiyak habang nanginginig ang nga kamay. Dahil dito muling ngumiti si Estacie. Ang kanyang ina naman na si Vista ay nakikinig lang habang pinagmamasdan ang dalawang babae sa harap niya. Muling yumuko si Estacie at bumulong sa dalagita. "Wag kang matakot, hindi ako magsusumbong. Actually, naghahanap ako ng ganyang tela para sa damit na gagawin ko. Maari ba na sa akin mo na lang yan ibenta?" Tanong niya sa babae na napa-kurap ng ilang beses. "Cute-" sigaw ng isip ni Estacie. Tumango ang dalagita bago nagpalinga-linga. Pagkatapos ay hinila nito ang isang kamay niya kaya napasunod naman sila ng kanyang ina. "Pasensya na, hindi kasi ako pwede magbenta sa harap ng maraming tao. Talaga bang gusto mong bilhin ang telang dala ko?" Dinala siya ng dalagita sa may maliit na eskinita na kung saan ay bibihira lang mga taong dumaraan. Totoo nga talagang iniiwasan nito ang mahuli. "Oo naman. T
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status