Share

NAWALAN

Pag-pasok ni Estacie sa sariling silid sa mansyon ayon sa kanyang memorya, bahagyang nawala ang pangangatal ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang napaupo sa king size bed na nasa gitna ng malawak na kwartong yun. Bilang dating Jessa na namuhay ng payak sa modernong mundo, masasabi niyang napaka-grande ng kanyang silid ngayon.

"My lady, pwede akong matulog sa sofa. Wag kang mag-alala, sanay naman ako. Alam kong pagod ka, halina at tutulungan na kitang maligo bago matulog." Narinig niya si Vista kaya't napisil niya ang pagitan ng kanyang dalawang mata.

"Kaya ko maligo mag-isa, Vista. At tska, pwede ka matulog sa tabi ko. Malapad ang kama. Bukas na bukas din ay ipapalipat kita sa dating silid ni Aloha." Aniya bago tumayo upang pumasok sa sa sariling banyo.

"Sigurado ka ba na hindi na kita tutulungan?"

"Hmmm.. Siguro, paki-tanggal na lang itong gown." Sagot niya.

Ang totoo, busy pa rin ang kanyang utak sa pag-gunita ng eksena sa hallway. Hindi niya maintindihan kung bakit kailanga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status