Sinulyapan ni Miguel ang dalaga na tahimik sa isang sulok at panay ang inom ng tubig. Parang hindi niya gustong matapos ang gabi . Kung pwede lang sabihan ang dalagang dumito lang ito sa kanyang tabi ay ginawa na niya.Pero wala siyang karapatan. Saka baka makakahalata na ang babae na sinasadya na niyang palagi itong malapitan at baka masampal na siya nang tuluyan at baka mapagkalan pa siyang may saltik. Inaya na niya ang babae na umuwi na sila dahil, una, boring naman na, ikalawa, ay lumalalim na ang gabi. Tumango naman ito sa kanya at nakayukong lumakad at nanguna na. Nanibago si Miguel dahil hindi madaldal ang babae, lalong hindi siya sinermunan nito, bagkus ay tahimik lang na sumunod. Siguro nga ay talagang pagod na ito at antok na, kaya agad siyang tumayo nang yayain niya. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi bagay dito ang ganitong trabaho, bukod sa hindi pangbabae, ay delikado pa. Mula sa likuran, pinagmasdan ni Miguel ang dalaga. Mukhang mabagal ito kumilos ngayon, kaya lal
Read more