“Tumayo ka na riyan. Hindi kita hinanap para ipagpilitan ang sarili ko, Miguel. Sa hindi mo pa lang pagsipot ay alam ko nang may kakaiba. Gusto kong sabihin sa'yo na naghintay ako bilang pangako at tinupad ko yun. Sorry kung hindi mo alam ang kalagayan ko. Dalawang buwan ka nang nakakaalis bago ko nalaman. Huwag kang mag-alala, hindi ako manggugulo sa buhay mo at lalo na sa pamilya mo. Mananahimik ako, Miguel, at babalik kung saan ako nararapat,” sabi ni Athena, at muling umagos ang mga luha sa abang kapalaran.“No…! Ayoko, Love , no… please don’t leave me, hindi ko kaya,” biglang tumayo si Miguel sa pagkakaluhod at niyakap si Athena na parang ayaw nang pakawalan pa."Ikaw lang ang dahilan kaya kinakaya ko ang lahat, Athena. Ikaw lang ang buhay ko. You’re my only life. Kasal man ako kay Paula, ni minsan, love ni minsan, hindi ko siya sinipingan. Lahat ng paraan at dahilan ay ginawa ko para maging tapat lang sa sinumpaan ko sa iyo. Please, Love, please huwag mo akong iwan. Hindi ko
Ler mais