“Aguiles, ano ba, asan na ang bota ko. Bilisan mo,” sigaw ni Athena, kaya naputok ang ilan pang sasabihin ni Miguel. Sakto namang nabalik na si Aquiles at dala ang bota ni Athena at may lambat na dala. “Dumito ka lang muna Miguel kailangan ko lang hanapin at iuwi ang mga anak ko” Bilin ni Athena. “No, I can't just wait here. Sasama ako,” Sabi ni Miguel. “Ay lintek kakulet, oh siya, sumama ka, ikaw na magsuot ng bota ni Aguiles at magkapal ang putik dito. Hoy, ikaw, magpa ka na lang,” sabi niya sa kapatid. “No, ako na lang ang magpapasa,” sabi ni Miguel, hinubad na ang suot na Nike scuba-type shoes.Saka sunod na sa dalagang tumaas na lang ang kilay dahil sa kakulitan niya. Kasunod nila ang kapatid nitong lalaking maraming bitbit. “Micooooooo, Ellaaaaa…..Dugong, nasaan kayo?” sigaw ni Athena. Ganun din ang ginawa ng kapatid nito habang may hawak na mahabang patpat at hinahawi ang damong madadaanan ni Miguel. "Aguiles, pumuwesto ka sa likod ni Miguel at ng mailawan ang daan. Wag mo
Read more