"Hindi ako maaaring umuwi nang ganito, Miguel. Ayokong magdala ng malaking kahihiyan sa pamilya ko. Mula nang umalis ka, nagsisinungaling na ako sa kanila. Sinabi kong sumusulat at tumatawag ka kahit hindi naman," sabi ni Athena. Hindi napigilan ni Miguel ang kanina pa niyang mabigat na damdamin, kaya nakabig niya si Athena at niyakap nang mahigpit, pero walang tugon si Athena, ni hindi man lang ito natinag."Kailangan kong manatili dito sa Maynila hanggang kahit makapanganak man lang. Kapag pwede bihin ang bata, saka ako uuwi sa amin at marahil saka ko na lamang pag-iisipan kung ano ang sasabihin kung bakit mag-isa pa rin ako nang bumalik," dagdag pa ni Athena."No, Love, hindi ka babalik, pangako 'yan." Halos mautal si Miguel sa pagtutol sa sinabi ni Athena."Yun na ang desisyon ko, Miguel. Ayoko nang guluhin ang buhay mo. Harapin na natin ang totoo: may asawa ka na, at yun ang legal. Isipin na lang nating isa lang ako pagkakamali, isang maling escape sa iyong bakasyon. Namumuo na
Ler mais