Ayaw mag-file ng reklamo si Athena dahil madamay ang pangalan ni Miguel since si Miguel ang nakarehistro sa homeowners. Nakiusap na lang siya na i-ban ang sasakyan na may plakang tulad ng gamit ni Paula. Muling bumalik sa bahay si Athena at doon na lamang pinakawaan ang mga luha habang ibinabalik ang ilang gamit na nabalik pa. Bagama't na-stress at nalulungkot sa magulong sitwasyon at mukhang papagulo pa nang papagulo. Pinalakpakan ni Athena ang sarili niya dahil sa ginawa niya. Lumaban siya nang ipin sa ipin at kung sakaling maulit ay muli siyang lalaban nang bagang sa bagang. Samantala, isang kotseng puti naman ang huminto sa tapat ng guard house ng subdivision nila Athena. Bumukas ang tinted na bintana ng puting kotse saka may inabot sa guard. "Pang-meryenda, niyo ' yan. Salamat sa mabilis na response kanina," sabi ng driver ng puting sasakyan. "Salamat, Bosing.Buti na-timbre nyo agad na may nanggugulo sa bahay na yun. Mabuti, safe yung misis ni Sir Miguel," sabi ng guard. Ibinab
Read more