CHAPTER FIFTYADAM MEADOWS"ROGEL?" Tinawag ko si Rogel mula sa likuran ko, at agad naman siyang humakbang palapit sa 'kin."Kunin mo 'yong mga alahas at ginto sa sasakyan."Walang alinlangang sumunod si Rogel. Lumabas siya sa opisinang kinaroroonan namin. Pagbalik niya, dala na niya ang itim na bag na pinaglagyan namin ng mga alahas at ginto. Iniabot niya 'yon sa 'kin.Noong hawak ko na ang bag, lumapit ako kay Cassandra, na ngayon ay nakangisi na akala mo ba ay nagtagumpay na siya. Iniabot ko sa kaniya ang bag, sa pagbabakasakaling mapakiusapan ko siyang huwag na lang idamay si Jazz, pero noong hawak na niya 'yon at hinihila sa akin, hinila ko rin pabalik."Give me the location first.""Location?""Ni Jazzlene," I continued.Dahil sa sinabi ko, mas lalong lumapad ang ngiti niya. "See? Hindi mo ako maloloko, Adam. Alam kong gagawin mo lahat para sa babaeng 'yon. Pero syempre, hindi naman ako tanga. Medyo mahaba-haba pa naman ang oras bago mapuno ang swimming pool. May oras ka pa para
Read more