LOGINAmelia's Point Of View."Chase?!" gulat kong sabi nang makita siya, napalingon naman sa kaniya si Denver at narinig ko ang mahina niyang pamumura. Binaba ko ang hawak na sigarilyo, nakita ko ang pagdaan ng tingin ni Chase roon. "Anong ginagawa mo rito? Sinong nagbabantay kina Caleb?""Hindi mo nabasa ang text ko?"Napakurap ako bago mabilis na kinuha ang cellphone ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Denver sa tabi na parang nang-aasar, sinamaan ko pa siya ng tingin bago tingnan ang text ni Chase.Chase:So, how's the party? Tulog na ang mga anak natin.Chase:Hindi ba't na mention mong hanggang 1AM ka lang diyan? I'm sure mahihirapan kayong makauwi. Susunduin ko na lang kayo.Chase:Tinawagan ko ang kaibigan ko, siya muna ang pagbabantay ko sa mga bata. I'll pick you up.Wala na siyang ibang text bukod sa mga 'yon, binaba ko ang cellphone at tiningnan si Chase."A-Ah sorry, ngayon ko lang nabasa," sabi ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. "Ayos lang, teka, uuwi ka na ba n
Amelia's Point Of View."Naku! Huwag mong pansinin 'yang text ni Chase. Dapat nga na pansinin mo ang mga aaligid sa'yo, baka mamaya isa sa kanila ang makatuluyan mo," wika ni Sandy, nandito na kami sa couch at kasama namin si Krixa na ngayon ay tawang-tawa sa mga naririnig.Kahir hindi naman namin siya palaging kasama ni Sandy, alam niya pa rin ang mga nangyayari sa buhay namin. Hindi namin hinahayaang wala siyang balita."Ikaw talaga, Sandy. Hindi ba't sinabi naman niyang wala siyang oras para sa mga gano'n? At kilala 'yang playgirl, paniguradong ang mga lalaki pa ang matatakot lumapit sa kaniya," wika ni Krixa, napailang ako bago uminom ng alak sa hawak kong baso."Tama ang sinabi mong wala 'kong oras para s romantikong mga bagay, pero ano ba? Retired playgirl na 'ko," natatawang sagot ko sa kanilang bago mapatingin sa mga kompol ng tao sa dance floor. Para silang mga nakawala sa halwa para magsaya ngayong gabi.Naaalala ko tuloy noon, mahilig na naman talaga akong gumimick, lalo na
Amelia's Point Of View.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What? She's pregnant?" gulat kong tanong. "Ilang buwan na? At saka, hindi ba't naaksidente siya? Anong nangyari sa bata?""Dalawang buwan pa lang siyang buntis. Pero mabuti nga dahil walang masamang nangyari sa bata. Pinagpapasalamat na lang namin 'yon."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, ngunit may bigla akong naalala. "Alam ba 'to ni Mike?" tanong ko, ngunit umilang siya."Si Chelsey ang may karapatan na sabihin 'yon. Ayokong pangunahan siya.""Tapos gusto mong pagbalikin ko silang dalawa?" inis kong sabi. "They're none of my business, Dad.""Sa'yo lang makikinig si Mike dahil mahal ka niya."Napakunot ang noo ko. "Gusto talagang makipagbalikan ni Chelsey kahit alam niyang ako ang mahal ni Mike?""Para sa bata, Amelia. Gagawin niya 'yon para sa bata."Napailang ako. "Sorry, pero hindi ko gagawin 'yon. Alam mo kung gaano ako sinaktan ni Mike, Dad. Alam mo kung gaano nila ako sinaktan."Hindi ko na siya hinintay p
Amelia's Point Of View."Sorry talaga, alam ko namang ayaw mong bumalik sa Dad mo. Pero sa totoo lang, may parte rin sa akin ang gusto talaga siyang makilala."Natigilan ako sa narinig at napatingin kay Chase, ang mga mata niya ay nasa daan lamang. Nakuha ang atensyon ko sa huli niyang sinabi."You want to meet him? Bakit naman?" tanong ko."I want to meet the person who raised you... Alam kong hindi na maayos ang relasyon niyo dalawa ngayon at naiintindihan ko 'yon. Pero gusto ko pa rin siyang makilala dahil siya ang Tatay mo, Amelia."Natahimik na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdam. Siguro, kung 'yung dating si Dad ang pinag-uusapan namin ngayon, matutuwa pa ako."Sa tingin mo ba. . . Mali 'tong ginagawa ko?" mahina kong tanong. "Alam ko namang hindi pa rin ako nakakamove on sa pagkamatay ni Mom, at kahit kailan man, hindi ko siya mapapalitan sa buhay ko. . . Alam kong hindi ko matatanggap si Cecelia, sinabi ko na sa kaniya 'yon noong una pa lang.
Amelia's Point Of View."Bakit gusto mo naman siyang makilala?" seryosong tanong ko. "Akala ko ba wala ka ng pakialam sa buhay ko, Dad? Kaya ano 'tong sinasabi mo?""We're just the same, Amelia."Napakunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?""Wala kang binanggit sa'kin tungkol sa lalaking 'yon. May mga sinisekreto ka rin sa'kin, Amelia," sagot niya. "Ang sabi mo one night stand lang ang nangyari kaya ka na buntis. At ngayon, may kasama kang lalaki at nagpakilala na siya ang anak ng mga apo ko. Why did you lie to me, Amelia? Baka nga hindi totoong one night stand ang nangyari sa inyo.""Ikaw na rin ang nagsabi... Magkaparehas tayo, Dad. Pero na realize mo ba kung bakit may mga bagay akong hindi sinasabi sa'yo?" wika ko. "Tutal wala ka namang pakialam sa akin, dapat wala ka na ring pakialam sa mga bagay na hindi ko sinasabi sa'yo.""But I still want to meet him. . . Let's have a family dinner tomorrow."Mahina akong natawa sa narinig. "Family, huh? Talaga lang, Dad?""I'm serious, Amelia."
Amelia's Point Of View.Tahimik lang kami ni Chase habang nagmamaneho siya pabalik ng condo. Mabuti na lang dahil wala rin ako sa mood makipag-usap. . . At mas lalong nasira ang mood ko noong pagdating namin sa condo, nasa labas ng pintuan si Mike habang kausap si Sandy."Sa wakas, dumating ka na. . . Hinahanap ka na naman ng hayop mong ex," bungad sa akin ni Sandy."A-Amelia. . ."Inis kong nilingon si Mike. "Ano na naman ba? Hindi ka pa rin ba tapos?" malamig kong tanong, naramdaman ko ang pagbigat ng presensya ni Chase sa likuran ko, pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya."I tried dating other girls.. Amelia. . . Pero wala, wala talaga. Ikaw pa rin talaga ang mahal ko."Hindi ko mapigilang matawa sa narinig. "Nagpapatawa ka ba?" sabi ko. "Kasya nagsasayang ka ng oras dito, puntahan mo si Chelsey sa hospital dahil gising na siya."Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. "R-Really? How is she?""Bakit hindi mo na lang bisitahin?""Galit 'yon sa'kin... I'm sure she doesn'







